(Credits to the owner of pictures)
Sophia's Pov:
Tatlong araw yung lumipas matapos ang araw na yon. Medyo naging madalas rin yung panunukso sa'kin nung kuyang Grade 12 kay Alreesavin. Parang ini-issue nya kami.
But no, we're just friends. Not unless mag first move sya. Speaking of Grade 12. Andito na sya.
Nasalubong ko sya sa daan ko papasok. His facial expression today seems a little bit different sa karaniwan. I'm expecting na aasarin nya ako kay Alreesavin pero hinde. Lumagpas lang sya sa'kin na parang hindi nya ako kilala.
Hindi ko na rin sya pinansin. Mukhang wala sya sa mood nya today eh.
* * * *
Kasalukuyang nag che-check ng attendance ang subject teacher namin nang mapansin nyang wala si Alreesavin. Busy kasi ang lahat ng officers dito sa school ngayon sa pagpaplano at paghahanda sa closing event ng school year. Plano kasi nilang magsagawa ng Parents and Students Day event bago mag end ang School year, after yun ng final exam next week.
"Is there any activities that Mr. Dela-Luna missed?" Tanong ng teacher namin habang hawak ang class record nya nang biglang mapalakas ang boses ko at sinabing "Wala po".
Ewan pero ang awkward ng dating. Napalingon pa sa'kin mga classmates ko at yung tingin ni Yumi? Hayss Damn.
"Mss. Santos, kumalma ka lang. I'm just asking. Wag mo'kong sigawan."
Nagtawanan ang buong klase namin. Namula ang mga pisngi ko. Owemji! Nakakahiya!. Hindi na'ko nakapagsalita at parang gusto ko na lang lumubog dahil sa kahihiyan.
* * * *
During recess time naakit ng paningin ko yung kumpulan ng mga estudyante. Nang makalapit ako dun sa eksena may nakita akong isang lalakeng umiiyak habang naka handusay sa sahig.
Meron syang black eye at putok ang labi nya. Sinong gagawa ng ganito? hindi naman nangyayari toh noon ah. Huling beses na nakakita ako ng away-estudyante ay noong first week pa lang ng school year, kawawa naman sya. Ngayon pang patapos na ang school year saka pa nya toh sinapit.
"Grabe anong nangyare sayo? Sandali ko lang kayo iniwan tapos may ganito nang nangyari?" Sambit ng PEACE officer ng school habang ginagamot ang sugatang labi ng lalake. Hangang-hanga naman ang lahat ng nakapaligid sa'min sa KABAITAN nya. Lahat maliban sa akin. Ay sorry alam ko totoo mong ugali kaya hindi mo ako maloloko.
"Every end of school year na lang kung mangyari tong mga ganito" dinig ko galing sa dalawang dalaga na nasa likuran kong nanonood din. Based on their school ID Grade 12 sila.
YOU ARE READING
The Diarist Tale (Volume 1)
Random(Volume 1 Completed) A journey to a happy new life! Keep on writing your diary until destiny write your very own story!