Alreesavin's Pov:
Daming papeles ang kailangan kong tapusin. Kailangan rin itong maihabol bago matapos ang school year na toh. "Ang dami mong gagawin ah, patong-patong pa. Kailangan mo ng tulong?" Tanong nung Vice President.
Aminado naman akong marami talaga ito at hindi kakayanin ng isang tao pero... "No thanks." Nginitian lang nya ako at saka nag lakad palabas nitong office. "Before this school year ends, I have to finish my works too." Nakangiti nyang sabi bago tuluyang lumabas ng pinto.
Why he said that to me? As if I care.Sophia's Pov:
Pagkatapos ng lecture ng second subject teacher namin ay ngayon, kasalukuyan akong nagsusulat sa diary ko habang ang iba naman nag aayos ng mga gamit. Nasa seminar si Ma'am Highblood kaya hindi sya makaka-attend sa klase ngayon. Buong school year madalas nangyayari ang ganito na paputol-putol ang klase at maraming vacant time dahil sa iba't-ibang kadahilanan ng mga teachers kaya eto, parang tuloy feeling ko mapagkakamalan akong nag cu-cutting-classes ng mapagke-kwentuhan ko ng diary ko.
"Sophia" pagtawag sa akin ni Connor, may naghahanap daw sa akin sa labas. Nang lumabas ako may dalawang babaeng nagbubulong-bulungan ang nadatnan ko. Palinga-linga pa yung isa. Hindi ko sila kilala, hindi ko pa sila nakita o nakausap dati. Nakayuko silang inabot sa akin yung isang letter, pareho silang nag abot sa'kin non.
Ay weh? For real?! Crush ba nila ako? Ito ang first time kong maka tanggap ng ganito. Ang sweet! Kunwari hindi ako kinikilig at pinipilit kong itago yung ngiti ko. Tamang panggap lang na kalmado...
"Pakibigay naman ang mga toh kay Alreesavin, Please." Nawala yung smile ko bigla. Ha? Ano daw? Ibigay?...kay Rees?
Naghahanap ba ng suntok ang mga babaeng toh?Napilitan akong kunin yung mga letter nila. "Ibigay mo yan sa kanya ha!" Kinikilig pa na bulong ng isa. "What evs" sabi ko sa isip ko. "Oo naman".
Biglang nagtilian ang dalawa at tumalon-talon pa. Malaglag sana bigla panty nyo. Nag hawakan pa sila ng kamay saka magkasabay na tumalikod, "Salamat ha, Suvira" masayang sabi nung isa bago sila umalis.
Napanganga na lang akong nakatitig sa kanila habang umaalis. "Suvira?!" Nagtataka kong tanong sa isip ko sabay nag make-face.
Kasalukuyan kong nilalait yung mga sinulat nila dito sa letter. Puro pagpapapansin at pambobola ang mga nandito. Well as a Diarist may alam naman ako kahit pano pagdating sa iba't-ibang way of writing na MAS MAAYOS PA KESA DITO! It's better kung uumpisahan dapat sa greetings then may compliment then sweet na linyahan.
Sabi pa nung isa "When the first time I saw you, I do not know if I can still live without you". Napataas ako ng isang kilay. Ano si Rees para ikamatay mo pag wala? Oxygen? Siguro kung binigkas nila nang maayos pangalan ko kanina makakarating nang maayos kay Rees tong mga letter.
* * * *
So eto na nga papunta na ako sa pagdadalhan ko nitong mga binackstabb kong letter. At saan nanaman kaya nagsusuot yung lalakeng yun?. Probably sa Office? Kaninang first period pa kasi sya wala. Habang nasa covered walk ako papuntang building kung nasaan yung office nasalubong ko yung OFFICIAL PEACE-TE Officer ng school. Ngumiti sya sa'kin pero hindi ko yun pinansin. Wala ako sa mood makipag plastikan ngayon kaya dire-diretso lang ako sa paglakad nang bigla akong mapatid.
YOU ARE READING
The Diarist Tale (Volume 1)
De Todo(Volume 1 Completed) A journey to a happy new life! Keep on writing your diary until destiny write your very own story!