Chapter 24: Aunt Elysse

4 1 0
                                    

(Credits to the owner of pictures)

Author's Pov:

Matapos ang klase nila ay napagpasyahan nina Yumi, Cassandra, Annie, at Sophia na dumaan sa isang bagong bukas na shop dyan lang sa may di kalayuan. Tutal half day lang naman ang klase nila tuwing Friday ay magandang pagkakataon ito para dito.

Naakit ng mga Stuff toys ang atensyon ni Sophia

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naakit ng mga Stuff toys ang atensyon ni Sophia. "Hindi ko alam pero bakit biglang pumasok si Alreesavin sa isip ko nang makita ko tong mga toh?" Ika ni Sophia sa isip nya.

Sa kabilang banda naman, habang nasa park sina Rees at Thea bigla na lang napatingin si Rees nang seryoso sa malayo.

Thea: Kuya what's wrong?

"Nothing. Maybe it's just my intuition. I just suddenly felt someone is thinking of me."

Thea: Alam mo kuya, baka si Ate Roselyn yan.

Napatingin bigla si Rees kay Thea... "Bakit mo naman naisip na sya nga yon?"

Thea: Eh malay mo kuya diba? It's almost a year since huli kayong nagkita. Baka nami-miss kana nya

Napaisip nang malalim si Rees... "Magkikita pa kaya kami?. Ano kayang ginagawa nya ngayon?" Tanong ni Rees sa isip nya sabay napatingin sa bracelet nya na bigay ni Roselyn.

"Hindi ko namalayan halos isang taon na nga rin pala talaga."

* * * *

Pagkatapos nilang bumisita sa nasabing shop ay dumeretso sila sa bahay nila Cassandra.

"Oh anak, hindi mo sinabing darating ka pala kasama yung mga kaklase mo, edi sana nakapaghanda manlang ako ng miryenda"

"Sorry po, medyo biglaan kasi eh. Kanina lang rin po namin naisipang pumarito... Ayos lang po ba?"

"Haynako sandra, Oo naman ayos lang syempre. O' sya tumuloy na kayo, pasok kayo mga ija"

Sophia's Pov:

Matapos naming mag mano kay Tita Elysse ay pumasok kaming magkakaybigan at umupo sina Yumi at Annie sa sofa habang ako naman ay sumunod sa kusina para tulungan si Cassandra at ang Mama nya, nagkusang-loob na ako nang narinig kong sinabi ng Mama nya na ipaghahanda mya kami ng Specialty nyang Crispy Pata.

Parang nahihiya pa si Tita Elysse sa'kin nang magpresenta akong tutulong pero syempre mas nahihiya naman ako kung uupo lang ako at maghihintay na lang at walang gagawin.

Ako ang gumagawa ng sawsawan at naghihiwa ng ng sibuyas at kalamansi habang ang mag-ina naman ang nagluluto. Tinuturuan ni Tita Elysse si Cassandra, ang saya-saya nila halata yon sa ngiti at tawanan nila.

Hindi ko alam pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanila, hindi ko rin maiwasan mapangiti na lang dahil naiingit ako sa bonding nilang dalawa.

Matapos ang unang proseso ng pagluluto ay umalis muna si Cassandra para bumili ng soft drinks. Sinamahan naman sya ng dalawang nabobored na yata sa sofa.

Nilinis ko naman ang lamesa kung saan ko tinimpla yung sawsawan nang bigla akong pasalamatan ni Tita Elysse...

"Tita para saan po?..."

"Para sa pakikipagkaibigan sa anak ko."

"Palagi kasing nabu-bully si Sandra since she was a kid. They used to make fun of her long curly hair."

"Pero Tita sa totoo lang ang ganda ganda ng anak nyo."

Napangiti si Tita sa'kin saka nagpatuloy...

"Oo, alam ko ija. Naaalala ko noon bukang-bibig ka nya sa'kin. She said you made her believe in her own beauty despite those judgements from others."

Napangiti na lang ako. Naike-kwento pala nya ako sa Mama nya. Nang maihanda na ang niluluto ni Tita Elysse ay nagsama-sama kami sa hapag kainan at masayang nagsalo-sali. Ang sarap pala mag luto ni Tita. Nagbigay pa kami ni Yumi ng compliment sa kanya na sya namang ikinatuwa ni Tita.

"Syempre, Mama ko yan eh" ika naman ni Cassandra.

Napangiti akong muli habang nakatingin kay Tita Elysse na hinahaplos-haplos ang buhok ni Cassandra habang siya'y kumakain. Ano kayang pakiramdam ng kasalo mo sa hapagkainan yung Nanay mo?

* * * *

Pagkauwi ko nadatnan kong wala si Tita Amie sa bahay. Nagbihis ako at humiga agad sa kama. Napapikit akong sandali pero napabangon ako nang makita ko yung luma kong Diary sa lamesa sa tabi ng bintana ng kwarto ko.

Ito yung Diary ko nung elementary pa lang ako. Umupo ako at binuklat ang unang pahina nito at binasa ang mga sinulat ko. Muling bumalik sa'kin ang mga alaala ko nung araw mismo ng sinulat ko toh.

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now