Chapter 26: What is a book for you?

10 2 0
                                    


Sophia's Pov:

Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng old diary ko. So yun na nga...

*Flashback*

"Kung ano man po yung parusang ibibigay nyo sa bata, nakikiusap po ako na huwag naman sana itong mauwi sa child abuse o kahit na anong pangmamaltrato." Pakiusap ni Teacher Lyn.

* * * *

Pagdating namin sa Library ay dalawa na lang kami ng matandang librarian. Umupo sya sa upuan nya habang ako naman ay nakayukong nakatayo sa tabi nya.

Hinawakan nya yung librong kinuha ko at tinignan ang cover nito. Inayos nya ang glasses nya..."The fox and her lost daughter" pabulong nyang sabi sabay tingin sa'kin.

"Bakit gusto mo itong libro na toh?" Seryoso nyang tanong. Hindi ko alam kung anong isasagot. Hindi ko rin kase sigurado kung maiintindihan nya ako pero malinaw na malinaw sa akin ang sagot.

"Nagagalak po kasi akong mabasa kung paano magtagpo ulit yung baby fox at yung Mama nya matapos silang magkahiwalay nang matagal na panahon dahil sa isang masamang hunter." Yun lang ang sinabi ko pero totoo yun. Yun nga yung dahilan kung bakit gustong-gusto ko yung librong yon.

She confusingly look at me then asked why.

"W-Wala po...kase akong Mama" yun yung unang beses na nakaramdam ako ng pakiramdam na para bang labag sa kalooban ko yung pagsabi nyan sa kausap ko. Dati ayos lang sa'kin ipaalam sa iba na wala akong Mama at Papa pero ngayon parang ang bigat. Ngayon parang masakit para sa'kin dahil sumasabay yung loneliness ko sa pag open ko sa kanya.

Ang akala ko sesermonan nya ako dahil nagawa ko yun sa kadahilanang wala akong mga magulang pero...

Hinawakan nya ang kamay ko, binuka nya ang mga pakad ko at pinahawak sa akin yung libro. "Take good care of this book. Ituring mo yang regalo galing sa akin." Malumanay nyang sabi. Napataas noo ako matapos marinig yun galing sa kanya.

Out of curiosity naitanong ko kung anong naging dahilan ng pagpayag nyang mapasaakin itong libro...

Bago nya sinagot ang tanong ko nagtanong rin muna sya sa akin. "Bata sabihin mo nga sa'kin, do you love books?" Napangiti ako sabay sagot na "Opo" dahil totoo naman talagang gustong-gusto ko ito.

Napangisi lang rin sya bago nagpatuloy...

"Since I was young like you, I love reading story books so much. Hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ako nakakabasa ng libro. Wala akong ibang libangan kundi ang lunurin ang sarili ko sa masaya at magkakahalong alon ng maimahinasyong mga kwento. Pero, ang tatay ko... He's against my hobby. He is a Pastor. He is very religious that he don't believe in fantasies. Ang tanging pinaniniwalaan nya lamang ay ang biblia, wala nang iba. Hindi ko kinikwestyon iyon. Maging ako ay tapat rin sa relihiyon namin pero gusto ko lang naman na maintindihan nya ang batang katulad ko. Wala rin akong ibang kaibigan tanging mga libro lang ang naging kompanyon ko buong kabataan ko. Hanggang sa isang araw humantong na rin sa pagkakataon na kinuha lahat ni Papa ang mga libro ko at sinunog ito. Nagliliparan sa harapan ko ang mga abo ng nasusunog na pahina nito, umiiyak akong tumingin sa mga librong unti-unting tinutupok ng apoy  at nung araw na yun pinangako ko sa sarili ko na balang araw magiging malapit ako sa mga libro."

Nanlaki ang mga mata ko matapos marinig iyon...

"Kaya naman magpahanggang ngayon ayokong bitiwan ang posisyon ko bilang isang Librarian." Pahabol pa nitong sabi bago muling hinawakan ang braso ko at nilapit sa desk nya. Ibinuklat nya ang pahina ng libro sa lamesa nya at napanganga na lang ako nang makitang isang story book ang nandito. Ibig sabihin hindi list of names ang araw-araw nyang tinitignan kundi isang libro rin. Araw-araw syang nagbabasa ng kwento kagaya ng hobby nya noon, hindi nya nga nilisan ang mga libro.

Now I understand why she's so mad at me nung mga pagkakataon na gusto kong kunin itong libro. Kaya pala gusto nyang manatiling nandito yung bawat isa nito.

"Books became my second family. And if you really want this book so bad then you can have it, just promise me you will take care of this." Pahabol pa nitong sabi sabay haplos sa pisngi ko

"Pero paano nyo naman po nalaman na may kinuha akong libro?"

Natawa lang syang muli at hinaplos ang buhok ko. "Gaya nga ng sabi ko Books became my second family. Parang mga anak at apo ko na rin sila at itong silid aklatan na ito ang mistulang tahanan namin. Natural lang sa isang ina ang kamustahin ang lagay ng bawat isa sa tahanan at hanapin ang mga myembro nito kung sakaling may nawawala."

Tumingin sya panandalian sa mga bookshelf. "Bata alam mo ba na merong 1,789 na piraso ng libro ang nandito? Yan ang eksaktong kabuuang bilang nila at araw-araw sa tuwing papasok ako rito ay binibilang ko sila isa-isa. Ganon ko sila kamahal" Nakangiti nyang sabi.

Hindi na'ko naka imik pa. Hanga ako sa pagmamahal nya sa mga libro.

*End of Flashback*

Ngayon ko lang mas lalong naintindihan. Ang totoong pagmamahal ay hindi lang nanggagaling sa mga indibidwal dahil kung minsan matatagpuan mo rin ito sa isang bagay na walang buhay pero kaya kang samahan sa paglalakbay sa imahinasyon mong makulay.

Ibinalik ko sa pagkakatupi ang mga pahinang ito matapos kong basahin at isinara nang dahan-dahan ang dati kong diary.

Ibinaling ko naman ang atensyon ko sa dati kong story book. May katagalan na ito at hindi ko na rin nababasa pero gaya nga ng ipinangako ko sa kanya ay iningatan ko ito. Kahit matagal na ito sa'kin ay wala itong sira at hindi rin mukhang luma. 

I turned it to the first page at nag umpisa akong nagbasa. I missed reading this book. Sa pagkakaalala ko huling basa ko pa dito ay nung Grade six ako pero yung excitement ko sa pagbabasa ng bawat linya nito ay hindi nawala. Nasisiyahan parin ako...

"Sophia?... Sophia" pagtawag ng mahinang boses sa akin na nanggagaling sa ibaba.

Isinara kong muli ang librong binabasa ko at bumaba ako, si Tita Amie yon nakauwi na sya. Pagkababa ko ay agad ko syang sinalubong. May hawak syang mga pinamalengke nya.

Pagkatapos ko syang tulungan magpasok ng mga iyon ay masaya naman nyang nilabas yung pasalubong nyang chocolate sa akin. Alam talaga ni Tita kung paano ako papasayahin sa iba't-ibang paraan eh.

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now