Chapter 16: Voting Day

7 2 0
                                    

Sophia's Pov:

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ginawa ni Yumi kay Helen. Oo alam ko namang deserve nya talaga masapak kagaspang ba naman kase ng ugali.

Pero medyo kinakabahan lang ako sa part na baka gantihan nya sya at gamitin yung Drama skills nya para pasamain si Yumi sa tingin ng ibang estudyante...

* * * *

Kinabukasan tutal voting day naman kaya free time naming lahat. Nasa labas kami ng building ni Yumi at nagke-kwentuhan nang mapadaan si Drama Queen sa malapit sa kinauupuan namin habang sinusundan sya ng ibang mga taga-campus. May naka-print pa na litrato ng mga estudyante sa damit nya at nakasulat na "For every students sake". Grabe rin ang trip nitong babaitang toh dinaig pa boyfriend ni Yumi na mag ru-run as a school student president.

Ang nakangiting expression ni Yumi kanina, ngayon ay nakasimangot na. Naka cross-arms pa sya habang naka sandal sa bench.

Pinangunahan ko na sya at sinabing huwag magiging padalos-dalos this time lalo na't madaming nakapalibot sa kanya na mga alalay nya.

Grabe lang talaga sa part na nagkukunwari syang angel sa harapan ng nakararami samamtala kung tutuusin napaka bulok ng ugali nya.

"Hello, friends" nakangiting bati ni Drama Queen sa'min.
Tumayo si Yumi at akmang aalis na sana nang pigilan ko sya. "Hello, good morning" pamalit-bati ko sa kanya sabay ngumiti na lang.

"Sige, maiwan ko na muna kayo ha, I have something to do pa kasi eh" malumanay nyang sabi saka umalis.

"Tsk, plastik. Ikaw namam bes bakit mo pa pinansin? Ba't 'di ka na lang sumabay na umalis sa'kin? Pinigilan mo pa ako."

"Kasi naman bes mas mapapasama tayo kapag ginawa natin yun. Hindi ko sya talaga kilala pero nage-gets ko na binabalak nya kanina. Tutal may mga inosente syang kasama na nag-aakalang mabait sya, pakitaan nya tayo ng kabaitan nyang peke tapos kapag hindi natin sya papansinin or mas makakabuti sa plano nya kung susungitan natin sya pasasamain nya lang tayo sa mata ng mga kasama nya."

Napa-side eye ako at tahimik lang habang pinagmamasdan ang naglalakad na plastik na yun. It's true I do not know her pero ramdam ko na ikot ng sikmura nya. Dun pa lang sa pamla-mlastik nya sa Teacher namin at sa Principal kahapon halata na pagiging manipulator nya.

"Hi, bes!" Malambing na boses galing sa likuran ang narinig ko kasabay nun yung pagpisil nya sa hinaharap ko, sya nanaman toh for sure.

Si Annie nga. May dala syang mga flyers na may picture ni Helen. Inanyayahan nya pa kaming iboto daw sya mamaya. Napatingin ako sa kanya at sinalubong nya iyon ng isang cute na smile.

Pero, kung gaano pa man katingkad yung ngiti nya ay sya namang kinabagsik ng simangot ni Yumi.

"Akin na nga yan!" Kasabay non ang paghablot ni Yumi sa mga flyers at pinagpupunit ang mga ito. Nakatulala lang si Annie habang tino-torture ni Yumi yung mga kapirasong papel na yon sa harap namin.

"Teh anong problema teh?" Sarcastic na tanong ni Annie.

* * * *

Kasalukuyan kaming nasa Canteen at nag me-meryenda habang kinukwento ko ang mga nangyari bakit ganon ang pagkainis namin kay Helen. Pero wait paalala lang ha, hindi namin aya bina-backstabb dine-described lang namin sya...

Nung una parang hindi pa naniniwala si Annie sa'min pero naniwala naman sya nung inangat ko yung uniform ko at pinakita sa kanya yung nangitim kong tagiliran na hindi nya agad pinansin. Pagkaangat ko kasi ng damit ko sinalubong na nya agad ng hawak yung s*so ko kasi naman daw bakit bigla-bigla akong nag-aangat

Annie: So masama pala talaga ugali nya?

Yumi: Napaka sama! She's so pavictim and feeling may malasakit pero- hmm! Nanggigigil ako!

"Bakit nga pala isa ka sa mga namimigay ng flyers nya? Are you one of her supporters?"

"Nope, I'm just using my phone kanina habang nakatambay ako sa kabilang building nang may lumapit sa'kin na babae, well hindi ko sya kilala at hindi nya rin naman ako kilala. Basta sabi nya ipamigay ko daw yung mga flyers at wag kakalimutan na iboto sya bilang Peace officer."

Yumi: tapos pumayag ka na non? ginawa mo naman agad?

"Ehh kasi... Cute sya ehh tyaka matambok rin yung dibdib nya so maybe-"

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya kasi alam ko naman na iniisip nya.

* * * *

Pinatawag kami ng adviser namin dahil magsisimula na ang botohan. Namigay ng isang papel ang aming adviser na may list ng names ng magkabilang grupo at isha-shade na lang namin ang bilog sa tabi ng pangalan ng napili namin para sa iba't-ibang posisyon.

"Everyone paki cross-out naman yung pangalan ng representative ng BIDA Partylist sa Peace officer"
Sarcastic na sabi ni Yumi.

Natawa na lang kami ni Cassandra habang sinusunod ang biro ni Yumi.

But wait. Maalala ko. Ito rin pala yung kaparehong araw na magbobotohan ng bagong president ng school council.











The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now