Chapter 8: Fever

10 3 1
                                    

   (Credits to the owner of pictures)               
                        

Sophia's Pov:

(Sneezing*) Bes, ang saya non ah... sa s-susunod ulet ha..a-achu!

Yumi: Bes you better change your clothes na, uminom ka na rin ng gamot at mag pahinga.

H-Ha? okay lang ako ano ba wala toh...achu!

Alonzo: We better take you home na bago pa lumala yan

Yumi: Agree, nasobrahan ka na eh umuwi na tayo

Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nagsi-uwian na. Sa aming lahat ako lang talaga yung nagkaroon ng sakit. Ngayon ay pauwi na'ko sinabay ako nila Rees.

Medyo nahihilo narin ako't medyo kumikirot ang ulo, nag-umpisa nang humigpit ang ubo kaya naman nakatulog ako nang 'di ko namamalayan basta nagising na lang ako nasa kama na at may basang towel na napakalamig ang nakapatong sa noo ko.

Hindi muna ako bumangon at nang mahimasmasan napabangon ako kahit hindi ko pa sana gusto eh kasi naman...Hindi namin bahay toh!

Kaya pala super laki ng higaan at napaka lambot feel na feel ko pa kanina. Pansin ko ring nagbago ang suot kong damit at tuyo na ako. Hala! ano nangyari?. Shocks! what if hinubaran ako ni Rees? what if may malaswang picture na'ko sa phone nya? what if pinagsamantalahan nya ako habang wala ako sa kamalayan?.

Inalis ko ang malamig na towel sa noo ko at bumaba ako agad sa kama. Nakita ko yung tsinelas na suot ko kanina bago kami maligo sa ulan pero mas bet ko yung malambot na slipper na nakalapag sa sahig kaya yun yung sinuot ko...

Pagkalabas ko sa pinto inilibot ko ang mga mata ko sa napakalawak na pasilyo, well actually yung kwarto pa lang na tinulugan ko malawak na ehh.

"Hello, Ma'am gising kana ho pala" sabi ng isang Maid.

"N-Nasaan ako?"

"Nasa mansion ho kayo ng pamilya Dela-luna"

"May n*des na po ba ako sa cellphone ni Rees?"

Biglang natawa ang maid sa tanong ko

"Wala po, magmula kasi nung inuwi nya kayo rito ako na nag-asikaso sa'yo, well actually pinabuhat ka pa nya sa mga butlers nya, at sya naman dumeretso sa silid ng kapatid nya. Sa madaling salita po, ako ang nagpalit sa damit nyo"

Mabuti naman kung ganon, makahinga rin ng maluwag...

"Salamat po"

Ngumiti lang ang Maid sa'kin kasabay nito ang paghawak nya sa braso ko at inanyayahang bumalik sa higaan para magpahinga pa. Nagbilin sya sa'kin na humiga lang muna dahil ikukuha lang daw nyako ng panibagong malamig na tubig pamalit dyan sa nasa mangkok sa tabi ng kama na pinaglulubluban ng towel na nilalagay sa noo ko dahil medyo uminit na ito.

Paalis na sya nang bigla akong nakaramdam ng muling pagkirot sa noo ko at matinding pagkahilo.

"Oh, ma'am bakit naman po kasi kayo bumangon kaagad kanina? mas lalo po tuloy kayong nabinat".

Nagmadaling lumabas ng kwarto ang maid. Hindi ako makatiis kaya ipinikit ko nalang ulit ang mga mata ko. Siguro tatlo o apat na minuto yung lumipas nang may narinig akong bumalik sa silid at nag buhos ng tubig sa mangkok. Piniga rin nya yung towel at inilapat sa Noo ko medyo nakakaginhawa sya sa pakiramdam.

Pagmulat ko sa'king mga mata ay bumalagta sa'kin ang pamilyar na mukha...

"Re-Rees?!" napabangon akong muli

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now