Chapter 11: The Present Day

19 3 2
                                    


Author's Pov:

"Lola, pagkatapos po non, ano na pong nangyari?"

Matapos ang tanong na iyon ng kanyang apo, ipinagpatuloy nya ang pagke-kwento... Napahinto sya sandali nang maalala ang pangyayari na naganap nung araw na iyon..

"O' sya sige mga apo, ipagpatuloy na natin ang kwento..."

Sophia's Pov:

Matapos nga ang klase namin nung araw na iyon, 5:16pm nasa school gym kami at nag pa-practice para sa aming duladulaan. Pagkatapos ng last subject ay nag-chat ako kay Andrei at sinabi ang mga kaganapan sa Groupings namin at iba pang detalye. Base naman sa sinagot nya, kanina pa naman daw sya naka off sa work nya kaya ayos lang. Gayunpaman sinabihan ko rin sya na kung ayos lang ay magpunta sya dito sa school para makadalo sa practice kung ayos lang...

Makaraan lang ang ilang sandali dumating sya at dumeretso sa'kin. Nang nagkatinginan kami sinalubong nya ako ng ngiti at tumakbo palapit sa'kin.

"Sophia!" Tawag nya sa'kin nang malakas kahit pa magkaharap na kami. Maya-maya pa'y dumating si Cassandra at niyaya na kaming mag-umpisa...

Sinama ko si Andrei palapit sa kumpulan ng grupo namin...

Andrei: Balita ko wedding daw ang saatin? Sinong Bride ng grupo?

Yumi: Si phia.

Tumingin sa'kin si Andrei at ngumiti...

Andrei: Kung ganon pwede bang ako na lang ang maging-

Yumi: Okay, guys Go na! Rees, Phia, pumwesto na kayo, let's start na!. Uhm Andrei, since wala pang gaganap na Pari, pwede bang ikaw na lang?

Napahinto ako sa paglalakad at lumingon kay Andrei na sakto namang nakatingin rim sa'kin...

Andrei: Ah, oo naman, sige

Sinangayunan ni Andrei ang pabor na hiniling ni Yumi. Akala ko hindi sya papayag, ngunit mabuti na lang walang naging problema.

Makaraan ang isang oras na pag-uulit-ulit ng mga scenario at linya ay may nagawa naman kaming progress. Kailangan na lang mag practice para mas mapabuti ang duladulaan.

Nang magdesisyon kaming umuwi na ay inaya ako ni Rees na ihatid na lang rin pauwi, pero tumanggi ako.

Yumi: bes, sayang rin yung chance, bakit umayaw ka?

"Ayaw mo bang kasabay ang magiging Groom mo?" Nang-aasar pa nyang dagdag.

May isang dahilan kung bakit tumanggi ako. Hindi ko ito ipinagsabi kahit na kanino, kahit pa kay Yumi...

Pagkalabas ni Andrei sa gate ay nilapitan ko sya at kinamusta. Naging mabuti naman ang paguusap namin na hindi ko namalayang may kalayuan na pala nalakad naming magkasabay.

Pagdating sa kanto ay magkahiwalay na kami ng dadaanan kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa.

* * * *

Kinabukasan napag-planuhan ng aming grupo na magkaroon ng Practice para sa duladulaan, ang napili naming location ay kila Cassandra. Medyo nahirapan pa akong makaalis kasi halos ayaw pumayag ni Tita kahit pa tatlo na kami nila Yumi at Cassandra na nagmamakaawa sa kanya.

The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now