Chapter 17: Him

7 2 0
                                    

Sophia's Pov

Ngayon ang araw na malalaman namin ang naging resulta ng naging botohan last week.

After ng Flag ceremony nanatili kami saming mga linya sa harap ng flag pole habang pinapakinggan ang announcement ng principal sa mga nanalo sa ginanap na botohan. As expected nanalo si Drama Queen. Somehow masaya si Yumi dahil nanalo rin naman yung boyfriend nya, hindi maitago yung ngiti nya.

* * * *

Habang naglalakad kami pabalik sa room nadapa ako nang bigla nalang may tumulak sa'kin habang nasa crowd. Medyo nakakahiya lang sa part na may mangilan-ngilang nakakita.

Agad naman lumapit sa'kin si Andrei at inalalayan akong tumayo. Magmula nga pala last week hindi ko pa sya kinikibo. Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagpasalamat na lang saka ako naglakad-takbong lumayo.

Habang nagkaklase kami ay napansin kong may tumititig sa'kin sa labas ng bintana. Since may natatanaw na hagdan sa labas ng bintana namin dahil kaunti lang ang pagitan ng building namin at ang kabilang building makikita talaga ang sino mang dadaan sa hagdan na iyon.

Nasulyapan ko yung isang lalake. Meron syang earrings at ang aesthetic ng suot nya. He's not wearing uniform at ang porma ng damit nya kaya masasabi kong napaka-rich kid nya.

Nang nagtama ang tingin namin ay kumindat sya sa'kin bago nagpatuloy sa pag-akyat papuntang third floor ng building. Napangiti na lang rin ako pero nahinto yun nang magtama rin ang tingin namin ni Angelo. Ang seryoso ng titig nya sa'kin...

Nang matapos ang first subject namin at nakabili na kami ng pagkain sa Canteen ay naisipan naming tumambay sa Gym.

As usual dala-dala ko yung Diary ko. Medyo nagkaroon na rin tuloy ako ng title na Diary Girl. Magmula kasi nung first day of school puro ako Diary halos lahat rin ng nangyayari sa'kin araw-araw nakalagay dito. Naka-ilang book-size na notebook na rin ako dahil sa dami kong pinag-sususulat.

Ngayon naman isinusulat ko yung nangyari kanina. Hindi sa nag a-assume ako pero gusto ko lang ilagay yung part na may kumindat sa'kin na lalakeng hindi ko kilala kanina. Hindi rin sya pamilyar sa'kin pero I think hindi naman sya baguhang estudyante.

"You are really a fan of writing, aren't you?" Halos maka-talon ako sa gulat. Napatingin lang ako sa kanya saglit sabay tumango lang at ibinaba ko kaagad ang tingin ko at itinuloy na ang pagsusulat sa Diary ko.

"Kasalukuyan kaming nag re-recess ng mga kaibigan ko at heto pa ang isang lalake na gaya ng kumindat sa'kin kanina isa rin syang hindi pamilyar na mukha sa'kin."
Pagsulat ko sa Diary ko.

Nahinto ako sa pagsusulat nang tumabi sya sa'kin. Malumanay syang magsalita halatang friendly. Pero hindi kasi ako komportable na dumidikit-dikit sa strangers lalo na pag lalake kaya umusog ako sa kinauupuan ko at mas dumikit kay Yumi.

"Uhm, sorry did I make you feel uncomfy?" Medyo natatawa nyang sagot.

"Uhm... No... Ano kase... Let's just keep a distance, okay?" Nakangiti kong sagot. Parang nahihiya tuloy ako. I don't intend naman na magsungit at maging anti-social pero kase iba sa feeling ehh.

"Okay, so I guess I'll have to stay away nalang siguro?"

"Uhm, hindi sa ganon-"

"Yes, you're right. Hindi ka malalayo." Mahina nyang sabi.

"H-Huh?"

"Uhhm I mean makakasalamuha mo pa ako ulit, nasa kabilang building lang ako. I'm a Grade 12 student, dyan lang room namin sa may Third floor" nakangiti nyang sagot sabay turo sa pangatlong palapag ng building sa labas ng Gym.

Bago sya umalis nagpaalam muna sya sa'kin...
"Can we see each other again?"

"Ha?, I mean y-yes...sure" okay ang rupok ko dito part pero okay lang, cute naman sya.

Nang makalayo na sya dun ko lang narealize yung sinabi nya kanina. So nasa kabilang building sya? Hindi ko manlang naitanong kung kaklase nya ba yung aesthetic guy na may earrings na kumindat sa'kin kanina.

"Hoy babaita" sabi ni Yumi sabay tusok nang mahina sa pisngi ko.

"Ano?"

"Anong ano? Akala ko ba kay Alreesavin ka?"

"Ha? Hindi ko naman sinabi yun ha, o' baket may narinig ka ba? May sinabi ako?"

"Oh ang defensive."

Nilabas ko lang ang dila ko at nag-belat kay Yumi bilang pang-aasar.





The Diarist Tale   (Volume 1)Where stories live. Discover now