CHAPTER 1

129 8 4
                                    

CHAPTER 1

Have you ever look at someone and thought of them as a blessing? Have you ever look at someone and just be grateful that they exist?

‘Yong pakiramdam na makita mo lang sila ay buo na ang araw mo. Mag-post lang sila ng update tungkol sa araw nila ay solved ka na agad. Mapansin ka lang ay abot langit na ang ngiti mo. ‘Yong kahit paghinga lang nila ay gusto mo ng sambahin.

That was my case as a big fan of the band Equinox, the fastest rising band here in the Philippines. They are already known internationally since their debut in the industry 2 years ago. Mabilis ang naging pagsikat nila dahil bukod sa ang gaganda ng kanta nila, saksakan pa ng gwapo ang members ng banda. They are five in the group that consists of a singer, drummer, guitarist, bassist, and a keyboardist.

I giggled as I watched their latest performance with their new release song. Live ito ngayon kaya naman nababasa ko ang mga comments. I love reading people’s thoughts about them. Bukod sa nakakatuwang makabasa ng mga compliments at mga long sweet messages ay nakakaengganyo ring makabasa ng mga funny comments ng mga fans.

Katulad ngayon, sumasakit na ang tiyan ko dahil sa mga nababasa. Nang malaman ng lahat na si Milo, ang singer ng banda, ang nagsulat ng buong kanta ay in-expect na magiging lively ito. Mapagbiro kasi ito at masayahin kaya inakala namin na ganoon din ang kalalabasan ng sinulat niyang kanta. Pero ganoon na lamang ang gulat naming lahat dahil isang sad song pala ang kantang sinulat niya. Ito ang kantang kasalukuyan kong pinapakinggan ngayon.

‘Grabe sinong nanakit sa’ yo, Milo huhu’

‘Sobrang yabang ko pa makipagpustahan, talo rin pala sayang 1k

‘Sorry guys, nag away kasi kami ni Milo kaya ganyan’

‘ Uwi ka na Milo hindi na ako galit’

‘I love you so muchhh

Ilan lang yan sa mga nababasa kong comments. Hindi ko rin tuloy maiwasang mapa-isip tungkol sa kantang ito ni Milo. Ito ang unang kanta na sinulat niya ng mag-isa kaya naman marami ang excited tungkol dito. Hindi niya sinabi kung tungkol saan o anong tema ng kanta dahil gusto niya ay surprise raw. Hindi naman siya nabigo dahil talaga namang nagulat kaming lahat.

May pinagdadaanan ba si Milo? Broken hearted ba siya? Grabe kasi ang lyrics ng kanta niya dahil maging ako na wala naman karanasan sa love ay nasasaktan na para bang sa’kin nangyari ‘yon.

It was a sad song, obviously. He was begging someone to stay based on the lyrics of the song. I’m still in a state of shock because I can’t believe that Milo would be able to come up with this song. But on the second thought, ano ba ang alam ko?

At the end of the day, I am just fan.

Wala akong alam sa kanila bukod sa mga bagay na shine-share nila sa’min. We only know the basic information about them. Swerte na lang kapag nag-share sila ng tungkol sa buhay nila. Alam ko na marami ang makaka-relate na katulad ko na isang fan, na kapag nag-share ng experience o kahit anong balita tungkol sa personal na buhay ang iniidolo ay parang achievement na para sa’kin dahil sa wakas, may panibago na naman akong nalaman sa kanila. Ganoon naman talaga kapag may gusto kang tao, gusto mong alamin ang mga bagay-bagay tungkol sa kanila.

Even the smallest detail about them.

Siguro para sa iba, wala lang ‘yon. Para sa iba, exaggeration lamang ‘yon. But it was everything for us.

This is one of the reason why I don’t judge people easily. Marami kasi sa mga hindi maka-relate, sobra kung manghusga. Marami akong nababasa na mga below the belt na talaga. Sinasabihan na OA ang mga fans, especially those na mga k-pop fans. Parang wala silang karapatang gawin ang mga gusto nila.

Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon