CHAPTER 20
Ilang araw na ang lumipas mula nang makatanggap ako ng bulaklak mula sa hindi kilalang tao. I thought it would just be a one-time thing, but I continue to receive flowers from the same person since then. Araw-araw, iba’t ibang bulaklak ang dumarating, at nahihiya na ako sa mga tingin ng mga empleyado rito. They are teasing me!
“Talaga namang hindi nakakalimot ang manliligaw mo na magbigay ng bulaklak. Pang-ilan na nga ‘yan, Dahlia? Pito? Kung ako sa’yo, sasagutin ko na ‘yan. Halatang mahal na mahal ka eh,” sabi ng guard, at namula ang mukha ko sa sinabi niya. Bumaba ako nang sabihan akong may padala na naman para sa akin. At tama nga ako, isang pumpon ng pulang rosas ang kinuha ko mula sa nag-deliver. Nahihiya akong ngumiti kay manong guard bago nagpaalam.
I took the nearest elevator I could find to avoid the employees. Nahihiya na ako tuwing nakikita nila akong may dalang bulaklak. Pero kahit umiwas ako, hindi pa rin ako nakatakas sa mga hagikgikan at tingin ng mga empleyado sa ibaba. Nang makapasok sa elevator, kinuha ko ang papel na nakasingit sa bulaklak.
I love you since 7 years ago.
My brows creased after reading it. Seven years ago? Matagal na niya akong kilala. Napabuga ako ng hangin nang makitang wala pa ring pangalan ang nagpadala. Bakit ba ayaw magpakilala ng taong ito? Do I know him? Or maybe her? I hope they stop sending me flowers if they don’t intend to show up.
“Another flower?” tanong ni Lyle pagkapasok ko. Mabagal akong tumango.
“Tsk.”
Napalingon ako kay Heath, na mag-isang naglalaro ng billiards. Mukhang wala na naman siya sa mood dahil salubong na naman ang kilay niya. His jaw was clenching so hard, as if he was stopping himself from bursting out. Sobrang lakas din ng tira niya sa bola ng billiards, parang malapit na masira ang putting bola dahil sa lakas ng pagtama. Rinig na rinig namin dito ang paglagapak niyon sa billiard table.
Walang sumisita sa kanya. Takot lang namin baka bigla kaming bugahan ng apoy.
“Amuhin mo naman ‘yon, Dahlia. Maawa ka sa bola,” bulong ni Lyle sa akin habang hinahawakan ang kamay ko, hila papunta sa billiard area.
“Hoy! Bitawan mo ako, Lyle!” sabi ko, napapanic na. Pero hindi siya nakinig at mas hinila pa ako.
“We all know ikaw lang makakapagpakalma sa kanya. Good luck!” sabi niya sabay sarado ng glass door. Naumid ang dila ko dahil sa tensyon sa kwarto. Rinig ko ang malakas na tunog ng bola sa labas, pero mas malakas pa iyon dito sa loob, nag-e-echo sa bawat sulok ng kwarto.
Napalunok ako.
I slowly turned around to look at Heath. Nakatalikod siya sa akin, ramdam ko ang galit na nagmumula sa kanya. Nilakasan ko ang loob ko at nagsalita.
“H-Heath. . .” mahinang tawag ko.
Isang malakas na pagtama ng bola ang sumagot sa akin, kasunod ng pagkahulog ng bola. I almost jumped from the intensity. Akala ko hindi ako papansinin ni Heath, pero nahugot ko ang hininga ko nang tumayo siya nang tuwid. Huminga siya ng malalim bago humarap sa akin. Sinundan ko ang bawat galaw niya, at nang bumaba ang tingin niya sa akin, kumabog ang dibdib ko.
Hindi ko inasahan ang susunod niyang ginawa. I was expecting to see his angry face—brows furrowed, lips in a grim line, cold gaze, and his intimidating presence. The way he hit that billiard ball showed how much anger he was holding back. But what is this? All I saw was his gentle gaze and a small smile.
He stepped forward to cup my face. His touch was soft and tender, like feathery kisses on my skin. Para akong babasaging bagay na natatakot siyang hawakan.
“Were you scared?” he gently asked.
“Di ba galit ka?” I avoided his question and asked him instead. Nag-angat siya ng tingin at tumingin sa ibang direksyon. Sinubukan ko siyang habulin ng tingin, pero bigo ako. Matagal bago siya sumagot.
“I am. . .” he said, gritting his teeth. Gumalaw ang panga niya at tumalim ang tingin. Napalunok ako dahil doon. Nang bumalik ang tingin niya sa akin, kalmado na ulit ito. “But not at you,” he added.
Nawala ang kaba ko dahil sa sinabi niya. Lumipat ang tingin niya sa labas, kung saan nakalagay ang bulaklak na ibinigay sa akin.
“So that fucker sent you another one?” Bumalik ang magaspang at galit niyang boses. I could sense his anger just by the way he clenched his jaw. He was murderously looking at the poor flowers, parang gusto niyang sirain sa tingin pa lang.
“Heath, no cursing,” I said as I touched his arm to calm him. I felt his muscles tense under my touch. Binalik niya ang tingin sa akin, at sa isang iglap, bumalik ang malambot niyang tingin.
Napabuntong-hininga siya.
“Do you like those flowers?” he asked in a defeated voice.
Umiling ako. I’m not really into flowers, kahit pa doon galing ang pangalan ko. Flowers are pretty, but they don’t fascinate me.
“Do you like receiving flowers from that fucker?”
Umiling akong muli.
Hindi ko kilala kung sino ang nagpapadala ng mga bulaklak. Sa totoo lang, wala akong ideya. Araw-araw iyon at walang mintis. The flowers are pretty, and mukhang mamahalin din. Pero sana, magpakilala na siya. Gusto ko nang sabihin na tigilan niya ang pagpapadala dahil nag-aaksaya lang siya ng pera.
“Iuuwi mo ba ulit ‘yan, Dahlia?” tanong ni Lyle habang nag-aayos na ako ng gamit pauwi. Tumayo ako at kinuha ang bulaklak. Tinitigan ko iyon.
“Gano’n na nga.”
Sayang naman kung hahayaan ko lang dito. Naisip kong dalhin na lang sa bahay para mailagay ni mama sa vase.
Speaking of mama. . .
Tuwang-tuwa siya noong unang beses akong magdala ng bulaklak. Sa wakas daw, may nanliligaw na sa akin. Ilang beses ko nang sinabi na hindi iyon ganoon, pero hindi siya naniniwala. Hanggang ngayon, naniniwala siyang may manliligaw na ako.
Kahit ang mga pinsan at tita ko, tuwang-tuwa noong ibalita iyon ni mama. Parang nanalo sa lotto dahil sa ingay ng sigawan. Gano’n na ba sila ka-hopeless sa love life ko? Kailan ko daw ipapakilala sa kanila.
Gosh! Paano ko ipapakilala kung ako mismo, hindi ko siya kilala?
“Kung ako sa’yo, iiwan ko na lang ‘yan dito kaysa makita kong nagseselos ‘yong isa diyan,” sabi ni Milo at tumingin sa likuran ko kung saan nakatayo si Heath.
“I’m not fucking jealous, Milo,” matigas na sabi nito.
“Oh? Easy, bro. Wala naman akong sinabing pangalan,” taas-kamay na sagot ni Milo. Natahimik si Heath at nang lingunin ko ito, nakita kong inirapan niya si Milo.
“Pfft. . .” Napatakip si Lyle sa kanyang bibig at nag-iwas ng tingin sa amin.
“Masyado namang defensive ‘tong si Heath. Napaghahalataan eh,” nakangising sabi ni Milo, halatang nang-aasar.
“Apat lang tayong tao dito, Gallo. Sino pang magseselos dito bukod sa akin? Si Lyle?” Inis na binalingan ni Heath si Lyle na nakaupo sa sofa. Nag-iwas ng tingin ‘yong isa at sumipol pa na parang walang naririnig. Napapakamot na ako sa aking ulo.
“Oh, edi inamin mong nagseselos ka nga!” pang-aasar ni Milo, sabay malakas na tawa. Napapalakpak pa talaga siya. Narinig kong napabuga ng hangin si Heath. Galit na siya. Hindi na ako magtataka kung mamaya ay nakahandusay na si Milo sa sahig.
“I. Said. I. Am. Not. Fucking. Jealous,” Heath firmly said in his deep baritone voice. He’s so pissed. I looked at Milo and saw his grinning face. Mukhang enjoy na enjoy siyang inisin si Heath.
“Edi hindi. Iuwi mo na pala, Dahlia, wala naman palang magseselos—” Heath cut him off with his dangerous voice.
“Fuck! Fine! I am fucking jealous!”
Mabilis niyang nahuli ang kamay ko at hinila ako palabas. Bago pa kami tuluyang makalayo, narinig ko pa ang malakas na tawa ni Milo.
Inihatid ako ni Heath sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko. He opened the door for me, and I smiled.
“Thank you. . .”
Inilagay niya ang kamay niya sa ulo ko para hindi ako mauntog sa pagsakay sa kotse. That simple gesture made me smile even more. Nang makasakay na ako, nilingon ko siya at binigyan ng matamis na ngiti. Hindi nagbago ang nakasimangot niyang mukha. Pinigilan ko siya ng hinawakan niya ang pintuan ng sasakyan para isara.
“Huwag ka na magalit. Hindi naman ako mahilig sa bulaklak. . . lalo na kung galing sa taong hindi ko naman kilala.”
Hinaplos niya ang pisngi ko at tipid na ngumiti.
“Take care. Text me when you get home.”
“Wala naman akong number mo.”
“You have my calling card with you. Use it.”
Pinasadahan pa niya ng daliri ang pisngi ko bago bumitaw at isinara ang pinto. Pinaandar ko na ang sasakyan, at bago ako makalayo, ibinaba ko ang window at kinawayan siya. Ang kamay niyang nasa bulsa ng pantalon ay inilabas niya para saglit na iangat.
Nang makauwi, nakita ko si Mama sa labas ng bahay, mukhang hinintay ako. Tiningnan niya ang kamay ko, at nang makitang wala akong dalang bulaklak, nawala ang sigla sa mukha niya.
Ngumuso ako. Ayaw niya talagang tantanan ‘yong manliligaw ko daw.
“Ma, hindi ko nga manliligaw ‘yon!” inis na sabi ko.
“Oh? Wala pa naman akong sinasabi,” natatawang sagot nito.
“Kasi naman, tigilan niyo na kasi! Hindi ako magpapaligaw do’n. Hindi ko nga kilala.”
“Malay mo naman kasi nahihiya lang kaya ayaw pa magpakilala. Sige ka, kapag sobrang gwapo pala tapos inayawan mo agad.”
“Wala akong pake. Mas gwapo si Heath,” wala sa sariling sagot ko. Nanlaki ang mga mata ni Mama sa’kin. Nang ma-realize ko ang sinabi ko, napasinghap ako. Sinabi ko ba talaga ‘yon?! Dapat sa utak ko lang ‘yon!
I mean, oo, gwapo naman talaga si Heath in general. Pero never ko ‘yon inamin kahit kanino! Kahit nga sa sarili ko eh! Tapos bigla ko na lang sasabihin ngayon?! What the hell!
“Anak, crush mo si Heath?” gulat na tanong ni Mama. Ilang beses akong umiling.
“Hindi po!”
“Sus! Kaya pala ayaw mo sa manliligaw mo, ha. Okay lang naman magkagusto ka kay Heath, pero hindi ba parang complicated kasi ‘di ba sikat si Heath? Baka dumugin tayo ng fans dito kapag nalaman nila.”
Hindi ako makapaniwala habang nakatingin kay Mama. Bakit kung makapagsalita siya ay parang may relasyon na kami ni Heath? Crush lang tapos dudumugin na ako ng mga fans?!
“Mama, ang OA ha!”
“Eh totoo naman, ‘di ba? Kapag sikat ang boyfriend, nagagalit ‘yong mga fans sa girlfriend,” katwiran nito.
“Bakit magagalit? Eh hindi naman ako girlfriend ni Heath!” Tumataas na ang boses ko.
I suddenly got scared of that thought. What if nga maging kami ni Heath tapos malaman ng fans. Maraming magagalit sa akin. Baka isumpa ako, dumugin.
Oh my gosh!
Ilang beses akong umiling. No way! Kahit gaano ko pa kamahal si Heath, hindi ako papayag na maging kami.
At wait nga. . . anong mahal, Dahlia?! Ang layo na ng narating mo. Nasa crush lang tayo rito! Saka hindi ko naman mahal si Heath. Example lang iyon.
Napatampal ako sa noo.
Bakit ba ako nakikipagtalo sa sarili ko?!
Nagpaalam na ako kay Mama na papasok na sa kwarto. Pumayag siya at sinabing tatawagin na lang ako kapag kakain na. Nahiga ako sa kama at tumingin sa kisame.
Love.
I already admitted to myself that I loved Heath back then. Hindi ako nag-isip ng ibang komplikasyon bukod sa hindi tama na maramdaman ko iyon dahil wala akong pag-asa sa kanya.
Pero ngayon. . . parang masyadong komplikado. After witnessing how Equals demands Equinox’s attention, parang kaya nilang gawin lahat para sa kanila lang ang banda. It’s scary. Hindi ko na kinaya noon ang atensyon na natanggap ko kahit pa hindi naman iyon ganoon kasama. . . paano pa kaya ngayon?
People will hate me, and I am afraid to face all that.
I admit, I am happy with the attention that Heath is giving me. But I should also know where I stand. Heath is something I can’t reach. He’s too high. Mas maraming deserving para sa kanya. Mga katulad niya na mataas din. . . kilala. . . sikat.
At the end of the day, they will end up with women of the same class. Someone who is sophisticated, elegant, and from a well-known family. Doon sila nababagay. At ang mga katulad naming fans lang nila ay mananatiling gano’n lang. Mananatiling nakatingala sa kanila dahil kahit kailan, hindi namin sila maaabot.
My heart hurt.
Ang sakit isipin na gano’n ang reyalidad. Ang mayaman ay para sa mayaman, at ang mahirap ay para sa mahirap. It feels like an invisible law in this society that, when you break it, people will mock you and call you names. Kapag nakapangasawa ng mayaman ang isang mahirap, sasabihan agad na pera lang ang habol. Manghihinayang sila doon sa mayaman at hahamakin ang mahirap.
Why does our society think like this? Why do they always think the worst of people?
Hindi ba talaga pwedeng magsama ang mahirap at mayaman? Why does it feel like there’s an invisible barrier that keeps them apart?
We had dinner, and Mama didn’t ask about Heath anymore. Tinanong na lang niya tungkol sa trabaho ko. Naramdaman siguro niya na ayaw ko nang pag-usapan si Heath.
Lumipas ang mga araw, at napansin kong wala nang nagpapadala sa akin ng bulaklak. Natuwa ako roon, pero nanghinayang din dahil hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Nalungkot si Mama nang malaman ang balitang iyon. Sinabi niya na wala na daw talagang magkakagusto sa akin.
She’s overreacting.
Nasa loob ako ng office ng Equinox at lima lang kami rito. Wala si Heath, at walang nakakaalam kung nasaan siya. Nakaupo lang ako sa sofa sa tabi ni Milo at pinapanood siyang maglaro ng video games. For the first time, tahimik lang siya at focus sa ginagawa. Dapat pala palaging paglaruin ‘tong isang ‘to para manahimik.
Si Lyle ay naroon sa playground niya. Tahimik lang din ito habang binubuo ang bagong biling lego. May headphones siya at nag-he-headbang. Sage is in his favorite place. Nalaman niya na nagpunta ako doon last time dahil kay Heath. Napaka-sumbungero!
Hindi naman siya nagalit at tinanong pa ako kung gusto ko daw maglagay ng mga romance book doon. May space pa daw sa tabi. Mabilis akong umiling dahil nakakahiya. Pero si Heath, um-oo kaagad. Pala-desisyon!
Kaya ayun, may mga libro na doon na pwede naming basahin na hindi nakakasakit ng ulo. ‘Yon nga lang, hindi ko pa natitingnan dahil nahihiya ako. Baka ayaw talaga ni Sage at masyado lang siyang mabait para tumanggi. Si Lyle pa lang ang nakikita kong pumapasok doon para kumuha ng libro.
Si Ross naman ay naroon sa gym area at sinusuntok ang punching bag.
I wonder where Heath is. Simula nang dumating ako dito, hindi ko na siya nakita. Umingay ang paligid nang sumigaw si Milo. Pagharap ko sa nilalaro niya, tapos na pala iyon at panalo siya. Pinalakpakan ko naman siya para masabing nanonood talaga ako kahit pa wala na ang focus ko. Nakipag-apir pa siya sa’kin. Naghanap siya ng ibang lalaruin, at sinubukan ko na talagang mag-focus kahit pa ang utak ko ay nasa member nilang wala rito.
Ano ba kasing ginagawa niya?
I don’t know why I am so bothered. Gano’n na ba ako ka-attached kay Heath na hinahanap ko na siya kapag wala siya? This is so bad.
Bumukas ang pinto kaya mabilis akong napalingon. Agad akong napatayo nang makita si Heath ang pumasok. He smiled and gestured for me to come closer. Mabilis akong sumunod.
“Hoy, saan ka pupunta? Papanoorin mo ako, ‘di ba?!” pigil ni Milo sa’kin, pero hindi ko na siya pinansin. Mabilis akong nakarating kay Heath.
“Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?” tanong ko agad nang makarating sa harapan niya.
Tang ina! Hindi naman halatang hinihintay mo siya, Dahlia! Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.
Hindi siya sumagot, bagkus ay may inilabas siya mula sa kanyang likuran. Hindi ko iyon napansin kanina dahil nag-focus lang ang mga mata ko sa kanya.
“For you. . .” saad niya at iniharap sa akin ang isang bouquet.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala.
Paanong. . .
“Bouquet of books for the most beautiful girl. . .” he slowly whispered.
Paano niya nalaman na ito ang gusto kong matanggap na bouquet?!
Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang bouquet. Mabigat iyon kaya ginamit ko ang isa pang kamay para hawakan. Ang daming libro! May mga hardbound pa! Ang mahal kaya ng mga ‘yon!
“Heath. . .” Pakiramdam ko ay nag-iinit ang sulok ng aking mga mata. Sa tanang buhay ko, hindi ko inaasahang makakatanggap ako nito. But to feel it in my arms. . .
“T-thank you. . .”
Niyakap niya ako at hinalikan sa gilid ng noo.
“No more bouquets of flowers for you, because from now on, you’ll only receive bouquets of books from me. . .”
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He wasn’t looking at me. Matalim ang tingin niya sa pwesto ni Ross, at gano’n din si Ross sa kanya.
“You don’t deserve him. You don’t deserve someone who’s afraid to tell you his name.”
Bumaba ang mga mata niya sa akin.
“Unlike him, I am brave enough to show up. And unlike him, I know what you like. . .”****
-EGD
BINABASA MO ANG
Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)
General FictionEQUINOX SERIES #01 As fans, we often dream of being with the idols we love. We fantasize about being their friend, girlfriend, or even spouse. We want them to know we exist, just as we are eager to learn more about them. But it's a different case fo...