CHAPTER 7

57 3 1
                                    

CHAPTER 7

I woke up in the middle of the night when I heard noises from outside my room. Tumingin ako sa orasan at doon napagtanto na alas-kwatro na pala ng madaling araw. At ang naririnig kong ingay sa labas ay ang pag-aayos ni papa para pumasada.

Bumangon ako at lumabas. Nagkukusot pa ako ng mata habang naglalakad papunta sa kusina kung saan ko naririnig ang ingay. I saw papa sitting on our round table while drinking his black coffee. Si mama naman ay busy habang naghahalo ng kung anong niluluto niya na sa tantiya ko ay sinangag. Naamoy ko ang mabangong aroma nito. Papa stood up and stand behind mama. Masuyo niya itong niyakap habang mabagal silang nag-s-sway sa musikang tumutugtog sa radyo.

I stood there, unable to make another step. Parang gusto ko na lang tumayo roon at pinagmasdan sila. The way mama leaned her head on papa. Para bang ibinibigay niya rito ang lakas niya. Mama was always strong and confident, and to see her this defenseless makes my heart swell with joy because for the first time, I see her vulnerable side. And that is only when she is with papa.

How good would it feel to be with someone you can rely on? A man where you can show your weakest sides and be happy to take care of you.

My mother was never the clingy one. Kapag naglalambing si papa, palagi siyang nakairap dito at ayaw tanggapin ang mga pang-aasar ko. But to see her being so attentive to papa. . . brushing his hair with her gentle fingers. . . wiping papa’s sweaty forehead. . . and even fixing his clothes for him.

Ganito pala sila sa umaga.

Habang pinagmamasdan sila ay nakakaramdam ako ng kaginhawaan. I feel secured and safe. . . because they are happy with each other. It makes me feel protected. . . by their love for each other. That even when it is cold. . . I feel warm by just seeing them loving each other. Para bang walang mangyayaring masama kasi masaya sila.

“Oh! Ang aga mo namang nagising, ‘nak.” Papa said when he noticed me standing on the doorway.

“Alas otso pa ang pasok mo ‘di ba? Matulog ka pa roon at gigisingin na lang kita mamaya,” sabi naman ni mama at ipinagpatuloy na ang ginagawang pagluluto. Si papa naman ay kumuha ng tasa at kutsara.

“Gusto mo ba ng gatas, ‘nak?” Hindi niya na hinintay ang sagot ko at nagsimula ng magtimpla. Naupo ako sa pabilog naming lamesa. Inilapag ni papa sa harap ko ang bagong timplang gatas. “Ubusin mo ‘yan at bumalik ka na sa pagtulog.”

Ginawa ko ang inutos sa’kin at ngayon ay nakahiga na nga akong muli sa kama. Nilalabanan ko ang antok dahil alam kong papasok pa si papa rito at magpapaalam sa’kin. Ito ang unang beses na gising ako kapag nagpapaalam siya dahil naalimpungatan lang naman ako palagi. I was never this fully awake. . . wait hindi pala ako fully awake ngayon. Hindi naman kasi talaga ako morning person eh. My ears are just really sensitive that even a small movement wakes me up. Pero mabilis din akong nakakatulog na para bang panaginip lang ‘yong paggising ko na ‘yon.

Hindi nga nagtagal at narinig ko na ang pagbukas ng pintuan. My eyelids were already heavy but I tried to keep it open so I can see papa. I yawned when he sat on the corner of my bed.

“Galingan mo palagi sa school, anak.” Naramdaman ko ang masuyo niyang haplos sa aking buhok. I always wonder how his big hands gives the gentlest touch. Mas lalo akong inaantok sa gaan ng kamay niya. I yawned again. Tuluyan nang pumikit ang aking mga mata. I felt a light kiss on my forehead.

“Aalis na si papa. . . I love you. . .”

Hindi na ako nakasagot pa at tuluyan ng tinangay ng malalim na pagkakatulog. Saka ko na lang sasagutin ang sinabi niya mamaya pag-uwi niya. Marami pa namang next time.

Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon