CHAPTER 19

47 1 0
                                    

CHAPTER 19

Binalikan ko si Lyle para kuhanin ang bata sa kanya pero natagpuan ko itong mag-isa sa na lang. Lumapit ako agad para magtanong.

“Nasan na ‘yong batang kinuha mo sa’kin?” 

“Ibinalik ko na sa lola niya sa labas. She was such an adorable kid. Ang talino! Bigla ba namang nagsaulo ng periodic table sa harap ko. 5 years old lang yata ‘yon eh!” Namamanghang sabi niya. Pumalakpak pa ito. Nanlaki naman ang mga mata ako.

“Seryoso?”

“Oo! Para ngang may kamukha ‘yon eh. Hindi ko lang masabi kung sino,” saad nito at inilagay ang hintuturo sa baba habang nakatingin sa taas. Ginagawa niya ‘yan kapag nagta-try siya mag-isip ng isang bagay. I thought he was just playing with me before but it turned out that he really do this when he’s thinking so hard.

“Isipin mong mabuti. Sabihan mo na lang ako kapag naalala mo na. Bye!” Paalam ko sa kanya. Kinawayan lang naman ako nito at abala pa rin sa pagtingin sa kisame na akala mo naman ay naroon ang sagot.

Lumabas na ako at sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang batang babae kasama ang lola nito. Palinga-linga siya sa paligid at parang may hinahanap. Nang malingunan ako ay ngumiti ito at kumaway. Itinuro nya ako sa lola niya bago siya bumitaw dito para tumakbo papalapit sa akin.

“Ate, thank you po sa pag-help sa’kin!” Malawak ang ngiti na sabi nito at yumakap sa binti ko. Ngumiti ako at mahinang kinurot ang pisngi niya. Sinong hindi papayag sa gusto niya kung ganito siya ka-cute?

“Pasensya ka na sa abala, hija. Napakakulit lang talaga nitong apo ko,” malumanay na paumanhin ng ginang.

“Okay lang po.”

“Ate, you’re so pretty po! What is your name?” Tanong ng bata habang nakaangat ang tingin sa’kin, namamangha.

“Apo, it’s rude to ask people their names when you haven’t introduced yourself yet,” natatawang sita ng ginang sa apo. Nanlaki ang mga mata ng bata at napatakip pa ito sa kanyang bibig. Natawa ako sa reaksyon niya. Super cute!

Ang sarap niyang isilid at iuwi sa amin!

“OMG,  huwag mo akong isusumbong kay mommy at teacher, Mommy la!”

“Oo na. Hindi ka rin naman papagalitan ng mommy mo. Ano bang kinakatakot mo? Go na and introduce yourself. ‘Di ba, ginawa mo ‘yan sa harapan ni Lyle?” Tumango ang bata sa lola niya bago ulit humarap sa akin.

Umalis na ito sa pagkakayakap sa binti ko at tumayo ng tuwid. Inayos niya ang bangs niya bago pinagpagan ang dress na suot kahit wala namang dumi doon. She even cleared her throat.

“Hello po! My name is Tamara Seraphine Valdeamor. I am 5 years old. Nice to meet you!” She said while showing her five little fingers. Grabe! Para akong tinamaan ng baby fever! Siguro kung magkakaroon ako ng anak na ganito kaganda baka magkatotoo talaga ‘yong limang sunod-sunod na anak. Super cute niya kasi talaga! Kanino bang anak ‘to? Pwede bang mahingi na lang siya sa nanay niya?

“The age was not really necessary, apo.” Natatawang sabi ng Lola niya. Ngumuso siya dito. Humarap sa akin ang matanda at binigyan ako ng tipid na ngiti.

“Ako pala si Lara at apo ko itong makulit na batang ito,” pinisil niya ang pisngi ng apo. Mas lalong humaba ang nguso no’ng isa.

“Hindi naman ako makulit, lola. Behave lang ako gaya ng sabi ni mommy,” sagot nito.

“You can call me Dahlia na lang po.”

Bumaba ang mata ko sa bata. Yumuko rin ako para magpantay ang mukha namin.

Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon