Hi everyone! How are you guys? You can leave a comment if you like. I want to read your insights about this story.
Happy reading!
****
CHAPTER 30
“Mukhang nagkamali ako nang sabihin ko na si Ross ang unang magkakaanak sa’tin. Mukhang nauungusan na siya ni Heath.”
Napalingon ako kay Lyle nang bigla siyang magsalita. Malawak ang ngiti nito at binibigyan ako ng nakakalokong tingin. Tumaas ang kilay ko. So, marunong na siya mang-asar ngayon.
“Kailan ka ba tumama? Lagi namang mali ang instincts mo. Ako lang naman ang magaling dito kaya lagi akong tama. Never akong nagkamali!” Mayabang na sabi ni Milo. Malawak ang ngisi nito kaya naman nakalabas ang dimples niya, na pinagpyepyestahan ng mga kababaihan.
“Hindi. Feeling ko ikaw, Milo, ang unang magkakaanak,” singit ko sa usapan nila.
Kakarating ko lang sa opisina nila, pero kung anu-ano na agad ang naririnig ko. Ang aga-aga pa, pero puro kabulastugan na naman nila ni Milo. Minsan talaga ay nawawala ang kaamuhan ng mukha ni Lyle sa tuwing may kalokohan na silang ginagawa. Why did I forget na best friends ang dalawang ito? Of course, Lyle isn’t the saint and all-smiles member that everyone loves—he’s more than that.
Sila lang ang naabutan ko sa opisina, dahil nakakagulat man, pero mga early bird ang dalawang ito. Allergic sila sa salitang late. Gusto nila’y lagi silang nauuna. Ang alam ko ay may pustahan pa sila eh. Sino kaya ang naunang dumating ngayon?
“Lah! Baby pa ako, ‘no! Virgin pa ako!” Milo said, looking at me with wide eyes, as if I’d accused him of some serious crime. Hindi siya makapaniwala. Lalong umarko ang kilay ko.
Virgin? Sinong niloloko niya? Hindi ko na lang ito pinansin at nilagpasan na siya para tuluyang makapasok sa opisina nila.
“Good morning, Dahlia!” bati ni Lyle sa’kin, binigyan ako ng malaking ngiti, na akala mo ay hindi ako inasar kanina.
“Morning. So, sino ang nauna dito sa inyo?”
“Me!”
“Siyempre ako!”
Sabay nilang sabi at nagkatinginan.
“Anong ikaw? Eh ako ang nauna. Nag-CR lang ako kaya hindi mo ako nakita!” sabi ni Milo, kunot na kunot ang noo.
“Oh talaga? Eh bakit naka-lock pa ang pinto no’ng dumating ako? Ako pa ang nagbukas!” balik ni Lyle.
“Dumiretso ako sa CR kaya hindi ko muna binuksan!”
“Excuses! Late ka lang eh!”
“Kahit tingnan mo pa sa CCTV! Ako ang nauna!”
“Sus! Eh sabi ni manong sa baba ako raw ang nauna!”
“Niloloko ka lang non!”
Pabalik-balik lang ang tingin ko sa kanila habang nagpapatuloy sila sa pagbabangayan. Halos umusok na ang ilong ni Milo at namumula na sa inis si Lyle dahil sa palitan nila ng salita. Any minute now, mag-aaway na yata ang mag-bestfriend. Hindi ko alam kung sadyang gano’n ba o may sumpa lang ang magbe-bestfriend sa banda na ito. Sina Heath at Ross din laging galit sa isa’t isa. Si Sage talaga ang peacemaker dito eh. Kaso wala pa siya, lagi namang late iyon. Naturingang leader, pero siya palagi ang nahuhuling dumating.
“Kumalma nga kayo. Ganito na lang, huwag na muna kayong magpustahan ngayon. Ipagpaliban niyo na muna ‘yan. Bukas na lang ulit,” mahinang sabi ko, sumingit sa gitna nila, habang nakataas ang dalawang kamay ko at salitan ang mga mata ko sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)
Ficção GeralEQUINOX SERIES #01 As fans, we often dream of being with the idols we love. We fantasize about being their friend, girlfriend, or even spouse. We want them to know we exist, just as we are eager to learn more about them. But it's a different case fo...