CHAPTER 4
Time slows down when you are excited over something.
Pansin mo ba ang pagbagal ng oras sa tuwing may hinihintay ka? Birthday mo, pasko, bagong taon, graduation, o concert ng paborito mong banda. Sa sobrang excited mo ay parang sobrang bagal ng pag-ikot ng mundo. Minsan ay parang gusto mo na lang hilahin ang oras para bumilis.
“Para saan ‘yan, girl?” Someone asked. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Shye. She’s standing at the doorway of my room, curiously looking at all the colored papers scattered on the floor.
“Oh, andiyan ka pala. Bakit hindi ka nagsabi na darating ka?” I stood up. “Wala pa naman sina mama rito, nasa binyagan sa kabilang barangay,” sabi ko at nagsimulang magligpit ng mga papel na nakakalat. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko pero itatabi ko muna ang mga ito at ipagpapatuloy na lang mamaya. Nag-unat ako. Nakakangalay ang pwesto ko roon sa sahig.
Pumasok na sa kwarto ko si Shye at tinulungan ako sa pagliligpit, tinitingnan niya ang piraso ng mga papel. Kinuha niya ang isang bote na naglalaman ng mga nakarolyong papel na tapos ko nang gawin. Hindi pa iyon nangangalhati dahil nagsisimula pa lang naman ako ng dumating siya.
Hinayaan ko lang siyang buksan ‘yon dahil ipapakita ko rin naman sa kanila kapag natapos na, so walang point para itago pa ‘yon. It wasn’t a secret naman, I just forgot to tell them right away.
“I am so happy you exist,” she read it out loud. She rolled it and put it back inside the jar. She looked at me, demanding an answer.
“Jar of letters para kay Ross,” simpleng sagot ko.
“Hmm. . . Ang galing. Ang effort mo naman,” she teases and sat on my bed. Feel at home na feel at home talaga ito sa bahay namin. Paanong hindi eh lagi siyang nariito. Parang may kapatid na nga ako sa dalas niya rito sa amin. Tuwang tuwa naman sa kanya sina mama at papa.
Halos lahat naman sila ay madalas dito sa amin. Kung may paligsahan nga sa paramihan ng pagpunta rito ay baka mag-tie sila ni Carol dahil sila talaga ang maya’t-maya ay narito.
“Ang effort mo naman para gumawa ng ganyan. Si Ross lang ba ang gagawan mo?” She asked after a moment.
I nodded. “Oo.”
“Hala ka. What if magselos sina Milo kasi wala silang ganyan,” she said then laugh.
Natawa ako at nailing sa sinabi niya. Baliw din talaga ‘tong si Shye minsan eh. As if naman pag-a-agawan pa nila ito. It wasn’t expensive like the other gifts from their rich fans. This gift is nothing compared to all the luxury things they have received.
Meron na sila ng lahat kaya naman ang hirap pumili ng mga regalo na maibibigay sa kanila na magugustuhan nila. It took me a while before I decided to make a jar of letters for Ross. Hindi ko na siguro magagawan pa ang iba kasi wala na akong pera. Si Ross na lang tutal siya naman ang bias ko. Hindi naman siguro magseselos ang iba. Makaka-receive rin naman sila ng mga gifts galing sa fans.
But something is bothering me. Hindi na ito mawala simula nang naisipan kong gumawa nito.
“Hindi ko alam kung mahilig ba si Ross magbasa ng mga quotes na ganito. Wala naman kasi siyang sinasabi. Kinakabahan tuloy ako. Paano kung hindi niya magustuhan?” Worried kong saad at nagtakip ng kamay sa mukha. “Parang hindi ko yata kaya kapag hindi niya nagustuhan. Baka umiyak ako.”
BINABASA MO ANG
Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)
Narrativa generaleEQUINOX SERIES #01 As fans, we often dream of being with the idols we love. We fantasize about being their friend, girlfriend, or even spouse. We want them to know we exist, just as we are eager to learn more about them. But it's a different case fo...