CHAPTER 10

61 2 2
                                    

CHAPTER 10

Forever.

When I was a kid, I always dream of having a love that lasts forever. A kind of love that will beat the odds. A kind of love that no one can break. Something that even death. . . can’t do part.

The kind of love I have witnessed growing up.

I witnessed some people lost interest for love. I often hear them say that love wasn’t for them. . . or that love isn’t true. It is true. You just happened to be with someone that wasn’t meant for you. We were always taught to be patient. Lagi tayong sinasabihan na magtapos muna ng pag-aral bago mag-boyfriend. Some are too stubborn to follow and chooses to find love at an early age that will cause them early heartbreak. There were also some that chooses the same thing but they have their happy ending.

It was always different from each individual. Siguro sa nauna, hindi pa talaga para sa kanya pero ipinipilit niya. Sa pangalawa naman ay siguro ‘yon talaga ang nakatadhana para sa kanya. They are meant to meet their soul mates at an early age.

Me? I haven’t fall in love yet. . . or did I? I am not sure.

I experienced having crushes, may it be to a celebrity or just someone from school. But love? Love is a strong word and I can’t just used it whenever I wanted to. I haven’t fallen in love with someone of the same age. . . that’s a fact. But I do know how to love someone. I have witnessed it countless times. No one can ever make me believe that love isn’t real.

Palagi akong pinagtatawanan nina Carol kapag sumasagi ito sa usapan namin. Bitter kasi ‘yon. As someone who have experienced having a boyfriend. . . she’s the most bitter one! I don’t know what her exes do to make her like that. Bitter na siya noon, pero lumala ngayon.

She would always scold me about boys. Na huwag daw paloloko sa mga lalaki. Magagaling lang daw sa salita ang mga iyon pero nga-nga na pagdating sa gawa. Agree ako sa kanya pero naguguluhan din ako minsan dahil after niya sabihin ‘yon ay malalaman na lang namin na may boyfriend na siya. Akala ko ba huwag magpapaloko? Ewan ko ba riyan kay Carol.

“Putang ina niya! Huwag talaga siyang magpapakita sa’kin! Ang kapal kapal ng mukha!” halos masira na ang papel na hawak ni Carol dahil sa sobrang panggigigil niya rito.

Narito kami sa bahay at nanonood ng movie sa sala. Kakatapos lang ng first semester namin at may one week kaming break. Hindi kami pare-parehas ng schedule. Nauna sina Leila at matatapos na agad ang sem break nila. It’s actually her last day at bukas ay luluwas na ito pabalik sa Manila. Carol only started her sem break today. Kami lang ni Shye ang nagkasabay ng sem break.

Dahil last day na ito ni Leila ay sinusulit na namin. Matagal na kasi bago ulit kami magkita dahil magiging sobrang busy na kaming lahat. Third year na kami at masasabi kong tama sila nang sabihin nilang ito ang pinakamahirap na time sa college. Wala na kaming masyadong time sa isa’t-isa dahil sa tambak na mga gawain.

“Ano na namang ginawa ng boylet mo this time?” Kalmadong tanong ni Shye habang kumakain ng popcorn sa sofa namin. Sa aming lahat ay siya lang ang nakaupo sa sofa. Nasa sahig kami nina Carol at Leila.

“Niloko lang naman ako ng gagong ‘yon! Chaka naman ‘yong pinalit sa’kin! Super nakakainsulto! Bwisit na yon!” Galit na galit si Carol. ‘Yong papel na pinanggigilan niya kanina pa ay nasa sahig na at gutay-gutay.

“Sinabihan na kita, ‘di ba? I don’t like that guy. May bad vibes talaga around him. Pero ano? Sumige ka pa rin kasi pogi at varsity. Oh, tingnan mo ngayon? Tsk. Hindi ka kasi nakikinig sa instincts ko eh.” Umiiling pa si Leila na parang disappointed talaga siya.

Umirap si Carol sa hangin. “Uuwi na lang ako kay Milo,” she suddenly blurted out.

“Lah ginawang rebound,” sabi ni Shye. Napalingon sa kanya si Carol.

Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon