CHAPTER 26
I was lying on Heath’s chest, drawing circles on it. Mahimbing ang tulog nito habang mahigpit ang yakap sa akin. Pagkatapos tumugtog kanina, napagdesisyunan naming manood ng movie. Sa kalagitnaan niyon, nakatulog siya. He must have been so tired from their performance earlier. Idagdag pa na may hangover pa ito mula sa pag-inom kagabi.
I stared at his handsome face. Wala man lang kapintasan ang mukha. Mas mahaba pa yata sa akin ang pilikmata niya. Kahit sa pagtulog, napakagwapo talaga.
Hindi siya nakakasawang tingnan. Until now, I still can’t believe that this man is in love with me. Ano ang nakita niya sa akin para magustuhan niya ako? Hindi ako mayaman. I’m not as pretty as those girls you see in magazines. There’s nothing special about me.
I am just. . . me.
I kept tracing little circles on his bare chest. Pinaglandas ko rin ang aking kamay sa tattoo niya sa dibdib. Sinubukan kong hindi makagawa ng ingay dahil ayaw kong istorbohin siya sa pagkakatulog. He’s deep asleep, and I don’t want to wake him up. Gusto ko rin siyang pagmasdan lang ngayon.
Boyfriend.
Sa buong buhay ko, hindi ko inakala na ang magiging unang boyfriend ko ay mula sa isang sikat na banda. Yes, I was a fan before, and it was only natural to daydream about this kind of thing. It’s just mere what ifs and a fan’s simple entertainment for themselves. Hindi ko inakalang magiging totoo ang dati ay simpleng ambisyon lang. Para akong nananaginip. And if I were in a dream, I would never wish to wake up.
My younger self wouldn’t believe me if I ever told her that the man she fell in love with was peacefully lying beside her now.
Heath slowly opened his eyes, and I was greeted by his small smile. Mas humigpit ang yakap niya sa akin kaya napasubsob ako sa leeg niya.
“Nagising ba kita?” I asked. Baka dahil sa ginagawa ko sa dibdib niya ay naalimpungatan siya.
“Nope,” he hoarsely answered. Malalim na ang boses nito, pero parang mas lumalim ngayon. His bedroom voice sounds so sexy.
“Matulog ka pa, maaga pa naman. Mamaya na lang ako uuwi.”
“Huwag ka na umuwi. Stay here,” sabi niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin. Parang ayaw na akong pakawalan. Nag-angat ako ng mukha sa kanya.
“Hindi pwede. Hahanapin ako sa amin.” Hindi ko na siya narinig sumagot, at tanging mahinang paghinga na lang niya ang naging tugon.
Wow. That was fast. Hindi kaya nag-sleep talk lang siya?
Hinayaan ko na lang ito at marahang tinanggal ang braso niya sa akin. I successfully escaped from his tight embrace without waking him up. Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang aking bag. Naiwan ko pala iyon sa sofa. Kinuha ko ang phone ko bago naupo sa sofa. Pagkabukas ko nito, bumungad sa akin ang ilang missed calls mula kay Carol. Napangisi ako.
Mukhang alam ko na kung bakit siya tumawag.
Bukod sa mga tawag, may iba pa akong natanggap na notification. Mostly, galing sa GC namin na biglang nabuhay ulit.
Carol:
@dahlia, na-hack ba ang IG mo?
Ano ‘yong post doon 10 mins ago?
Kaninong kamay ‘yon?
Triny kong tingnan sa Pinterest. Maraming lumabas pero walang kaparehas.Napamasahe na lang ako sa sentido dahil parang sumakit iyon dahil sa mga nabasa. Sinasabi ko na nga ba eh. Halos tadtarin na niya ang GC namin ng mga tanong. May PM din siya sa akin, pati sa IG.
BINABASA MO ANG
Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)
General FictionEQUINOX SERIES #01 As fans, we often dream of being with the idols we love. We fantasize about being their friend, girlfriend, or even spouse. We want them to know we exist, just as we are eager to learn more about them. But it's a different case fo...