CHAPTER 2

85 5 0
                                    

CHAPTER 2

Luck.

It’s only a one word but can brought us pure happiness.

Madalas tayong magsabi na puro na lang kamalasan ang nadating sa buhay natin. It seems like the word luck is so rare that it just happens once in a blue moon. At kung swertehin man ay may kasunod naman agad ‘yong kamalasan. Bakit nga ba ganyan ang buhay?

Para bang hindi natin deserve maging masaya kasi ang kapalit naman niyon ay matinding kalungkutan. When I realized this thing, I started to doubt everything. I have never felt genuine happiness again because I’m always thinking about the consequences of it. I’m always trying to minimize the happiness so that the karma wouldn’t be that awful.

Being happy is a one thing. Being lucky is another. Bilang na bilang ko lang sa aking mga daliri kung ilang beses akong dinapuan ng swerte. At grabe ang saya kapag ‘yong inaasam mong matupad, nangyari. Bihira lang ang ganitong mga pagkakataon kaya naman kapag dumating sa’yo. . . ang swerte mo.

“Dahlia, nabasa mo na ba ang tweet ni Chanelle sa Twitter niya?” Tanong ni Carol habang ang mga mata ay nakatuon sa kanyang phone, busy sa pagtitipa roon.

“Huh? Ang alin?” Tanong ko rin at agad kinuha ang phone sa aking bulsa. In-open ko ang twitter ko at nagpunta sa profile ni Chanelle. Bumungad sa’kin ang account niya na may libong followers.

“Mamimigay daw siya ng ticket. Magpapa-raffle daw at pipili ng 50 na fans na bibigyan niya. Isa raw doon ang makakasama niya sa VIP section, ang iba ay kakalat na sa upper box. Mag-fill up ka na para may chance tayo na mapili! Nag-submit na ako oh!” Excited na sabi ni Carol at pinakita sa’kin ang cellphone niya.

Hinanap ko naman ang tweet ni Chanelle at hindi naman ako nahirapan dahil bago pa lang ang tweet niya at hindi pa natatabunan.

Hey Equals!

Are you excited for the upcoming concert of our favorite boys? Me? I can’t wait any longer! I am so excited and I want to share this excitement with you. I will choose 50 lucky equals that will have the opportunity to attend the concert. One of them will join me in the VIP section. What are you waiting for? Fill up this form to have a chance to see Equinox!

[Link]
(The form will be open till 11pm today)

Goodluck, everyone!

Wala na akong inaksayang pagkakataon at agad pinindot ang link ng google form. Pinunasan ko muna ang mga kamay ko dahil bigla itong namawis. Maraming tanong sa form tungkol kay Chanelle at sa banda na madali mo lang masasagot kung totoong fan ka talaga. Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nagta-type ng sagot.

Tumayo si Carol at tumabi sa’kin, nakikisilip sa phone ko. Marami siyang sinasabi pero hindi ko na maintindihan dahil ang buong atensyon ko ay nasa form na sinasagutan ko.

“Grabe, ang bait bait talaga ni Chanelle. Hulog siya ng langit para sa mga fans na katulad natin na hindi afford ang ticket,” sabi niya at kumapit sa braso ko. Marahan ko naman iyong tinanggal dahil nahihirapan ako sa pagta-type. Kasi naman, pressured na nga ako sa pagsasagot dito, dumadagdag pa siya.

“Mamaya ka na maging clingy, patapusin mo muna ako rito. Hindi ako makapag-focus dahil sa’yo eh,” marahan kong saad para hindi siya magtampo. Sobrang matampuhin pa naman nito, daig pa ang boyfriend.

“Bilisan mo kasi!”

“Teka lang naman!”

Hindi niya na ako kinulit kaya naman mabilis akong natapos. Napakaraming tanong sa form pero maganda ‘yon para siguradong fan talaga ang mabibigyan ng ticket at hindi kung sinong natripan lang magsagot. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang nanginginig na kamay bago sinubmit ang form. Nagkatinginan kami ni Carol at impit na napatili. Ilang beses pa naming nahampas ang isa’t-isa dahil sa sobrang tuwa. Napalingon sa’min ang ibang studyante dito sa canteen kaya naman napatakip kami ng kamay sa aming bibig. Ilang beses pa namin nahampas ang isa’t-isa.

Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon