CHAPTER 24
Ilang araw ko nang hindi pinapansin si Heath.
Kapag nag-uusap kami, palagi akong nakakahanap ng dahilan para makaalis at iwan siya. Gustuhin ko mang hindi siya pansinin ng lubusan, ayaw ko itong gawin. Mabilis lumambot ang puso ko, at kung gagawin ko man ‘yon, sigurado akong wala pang isang minuto ay nasa harapan niya na ako at nagso-sorry. I can’t just ignore someone even if they did something horrible to me.
Pero masasabi ko bang sobrang sama ng ginawa ni Heath sa akin? He didn’t know he was hurting me. He didn’t know I had feelings for him. Kung wala naman akong nararamdaman sa kanya, hindi naman ako masasaktan ng ganito. Everything he does has an impact on me because I like him.
Someone becomes special to you because you have feelings for them. That’s what makes them different from other people. Every little thing they do affects you because you like them.
The only thing I can do is minimize our conversations. I’m still a little guilty, but it’s bearable.
“Good morning, ma’am Dahlia,” bati sa’kin ng guard.
“Good morning po,” I greeted him back before I entered the building. I swiped my ID card to get in and walked to the elevator.
“Good morning, sir Heath.”
Napalingon ako sa narinig. Natanaw ko si Heath na papasok sa building. His right hand was busy brushing his long hair while the other was in his pocket. Hindi pa ako nito nakikita, kaya naman nagmadali akong tumalikod at binilisan ang lakad papunta sa elevator. Nang makapasok ako, pinindot ko agad ang close button para sumara. Ilang beses ko ‘yon pinindot dahil ang tagal sumara. Nagpa-panic na ako.
Hindi ako pwedeng maabutan ni Heath!
Bago tuluyang magsarado ang elevator, nagtama ang mata namin ni Heath. Natahimik ako ng umandar ito. Parang doon lang ako nakahinga. Hinintay ko na lang umangat ang elevator kahit pa sinusundot ako ng konsensya.
Feeling ko napakasama ko ng tao.
Parang hindi naman deserve ni Heath ang ginagawa kong ‘to. Pero hindi ko mapigilan dahil sa tuwing makikita ko siya, bumabalik sa alaala ko ang nangyari no’ng isang linggo. Hindi mawala sa’kin ‘yon at ilang gabi ko ‘yong iniisip.
Nakarating ako sa office ng banda at natagpuan sina Milo at Lyle. Nilapitan ako ng dalawa at hinila paupo sa sofa. Naguguluhan akong tumingin sa kanila.
“Bakit hindi mo pinapansin si Heath?” tanong agad ni Lyle.
“Isang linggo na ‘yong bad trip, Dahlia. Maawa ka naman. Hindi sa kanya ha, sa’min. Kami lagi ang sumasalo sa init ng ulo niya,” singit ni Milo.
“Kalimutan na natin ang pustahan. Naaawa na ako kay Heath,” saad ni Lyle at napapailing pa na parang grabe talaga ang pinagdadaanan ni Heath ngayon.
“Talo ka lang eh.”
Kunot ang noo ko habang salitan ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ano bang sinasabi nila? Nakita nila ang reaksyon ko kaya naman umayos sila ng upo at humarap sa’kin. Nagkatinginan sila.
“Wala siyang alam, bro,” sabi ni Milo kay Lyle. May pag-iling pa siyang nalalaman. Tumango naman si Lyle at tumingin sa’kin na para bang disappointed siya. Ngumuso pa ito.
“Paano niya malalaman eh hindi niya nga pinapansin?”
“Tsk. Tsk. Tsk”
Ano bang nangyayari?” Sumabat na ako dahil hindi ko na talaga sila maintindihan.
“Tanda mo noong last time na hindi mo pinansin si Heath? ‘Di ba, naglasing siya?” Panimula ni Lyle. Dahan-dahan naman akong tumango. I’ll never forget that. “Ayon. Ganoon ulit siya ngayon.”
BINABASA MO ANG
Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)
Narrativa generaleEQUINOX SERIES #01 As fans, we often dream of being with the idols we love. We fantasize about being their friend, girlfriend, or even spouse. We want them to know we exist, just as we are eager to learn more about them. But it's a different case fo...