CHAPTER 18

48 1 1
                                    

CHAPTER 18

“You’re kidding me.” She have to be!

Humarap lang naman sa akin si Carol na punong-puno pa rin ng confidence sa sarili. Proud na proud pa talaga siya?!

“Nope.” Umiling pa ito.

Napabuga ako ng hangin at wala sa sariling napamasahe ng noo. They can’t do this. Really. They can’t.

“Promise, girl pinigilan ko siya,” pagsingit ng nagpa-panic na si Shye. Kumunot na ang noo ni Carol sa akin na para bang hindi niya ako maintindihan.

“What is wrong with that? Sasama ka lang naman sa’min sa concert. It’s not like pinu-push ka namin na bumalik sa banda. Support ka lang sa’min katulad nitong si Leila.” She explained.

I know. I know that. But that’s not the point here. That’s not the problem.

“Pwede bang si Grace na lang ang isama niyo?” Nakikiusap na ang boses ko.

“No need. Kasama na talaga siya,” sagot ni Carol at nag-krus ng braso sa harap ng dibdib. Mas lalo yatang sumakit ang ulo ko. Napahilamos ako ng mukha bago siya tiningnan ng seryoso.

“I can’t come with you.” Pinal na sabi ko.

“I knew it.” sabi ni Leila at umiling pa. Umawang naman ang bibig ni Carol. She looked hurt. Kung siguro sa ibang tao niya ginawa ito ay baka bawiin agad ang sinabi at umoo na lang sa kanya dahil sa klase ng tingin niya ngayon. But I knew better. This is just one of her antics to make me say yes.

“Pero bakit? Ako naman ang magbabayad ng ticket mo,” nakasimangot na sabi ni Carol.

“VIP standing ‘yon, Dahlia,” sabi ni Shye na akala mo ay sapat na ‘yon para mapapayag ako. Oh girl, kung alam mo lang. Mas malapit pa sa VIP standing ang nararating ako. Nasa backstage ako. . . sa loob ng dressing room. . . at ilang agwat na lang ang layo isang miyembro ng paborito niyong banda.

Siguro iniisip nila na ayaw ko pa rin sa Equinox kaya naman tumatanggi ako ngayon. But it’s not it.

Sige nga, paano ako sasama sa kanilang manood kung ako ang makeup artist ng isang member?!

Napahilamos ako sa aking mukha. Bakit ba hindi muna nila ako tinanong? Sana inalam muna nila kung ready ako. Sana nagbigay man lang ng heads up, ‘di ba? Kahit parinig man lang. Kaso wala!

Binibigla ako masyado eh!

Parang nagsisisi na ako hindi ko agad sinabi na nagtatrabaho ako sa banda. Hindi nila magagawa ito kung alam nila ‘yon. Pero huli na para magsisi. Narito na tayo. Hindi ko naman pwedeng sabihin na kanila ngayon ang totoo dahil baka sabunutan nila ako.

“Girl, sige na! Isipin mo na lang na girl’s date natin ito. Sumama ka na!” Pagmamakaawa ni Carol sa akin. Sinundan naman iyon ng dalawa. Kinagat ko ang pang ibabang labi.

Shit, hindi ko na alam!

“I’ll try. But I can’t promise.” Sinabi ko na lang para matahimik na sila. They cheered in unison.

Aaminin kong gusto ko rin talagang manood. Nang i-announce ni ma’am Iope na mag-co-concert ang Equinox ay hindi ko maipaliwanag ang excitement na naramdaman ko. I am happy for them. . . not as a fan. . . but as a friend this time. 

At that moment, I suddenly thought of seeing them again on stage. The last time I saw them performed was 7 years ago. I never watched them perform ever since I started working with them. But now. . . parang gusto ko ulit silang makita sa stage.

I remember that time where I was star struck by Heath. He was so mesmerizing while I watched him. The fire in his eyes as he strum the guitar. The passion in his every movement. The satisfaction in his eyes. That image of him stayed in my mind that even when I recall it now, it is so vivid that I can see every details of it.

Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon