CHAPTER 28
Habang tumatagal, mas lalo kong nakikilala ang banda. Nakakatuwa na kahit magkakaiba ang ugali nila, close na close silang lahat. Hindi man halata dahil may kanya-kanya silang mundo, pero napapansin ko na close talaga silang lahat. Madalas silang magbangayan, pero hindi naman humahantong sa malalang pagtatalo.
I suddenly remember what happened to Heath and Ross. Ilang araw silang hindi nag-usap dahil doon. Pero laking pasalamat talaga kay Ma’am Iope at nagkabati rin ang dalawa. Gumana rin siguro ang paglalambing ko kay Heath dahil siya ang naunang nag-sorry.
Among them all, I was the happiest when they started talking with each other again. Grabe ang guilt na naramdaman ko nang hindi sila nag-usap. They have been friends for quite a long time. Sila ngang dalawa ang bumuo ng Equinox eh. Kaya naman sobrang nalungkot talaga ako dahil sa hindi nila pagpapansinan. Sabi ni Milo, iyon daw ang unang beses na nagkaroon ng ganoong away sina Heath at Ross. They are always fighting but when their fight turned to cold wars, it was on a different level.
We are inside their office that was transformed into their practice room. I’ve always seen them practice in groups, but it was different this time because they are practicing individually. Magkakalayo sila para makapag-concentrate sa kani-kanilang ginagawa. I saw Milo inside Sage’s favorite place. Doon ito nagsusulat ng kanta. Ilang beses kong nahuli ang pakagat-kagat nito sa ballpen na hawak niya at miminsang mahinang pagpukpok nito sa kanyang ulo. Si Lyle ay nakita ko sa harap ng billiard room at busy sa kanyang gitara. Ang tatlo ay naiwan sa stage at busy rin sa kani-kanilang instrumento.
Tahimik ang mga ito at halatang hindi pwedeng maistorbo. I really admire them for their love of their job. It really shows through their music. Nakakatuwa na kahit makukulit sila ay nagseseryoso kapag ganitong nagpa-practice na. They are just in their usual clothes. Nagpalit sila kanina dahil ayaw daw nila pagpawisan. Hindi ko alam kung seryoso ba sila roon o talagang gusto lang magpasikat.
Paano sila pagpapawisan kung sobrang lamig naman dito sa kwarto?
Kung kanina ay pormang-porma sila—naka-long sleeves pa nga sina Heath at Ross—ngayon naman ay puro naka-pants at sando na lang habang nagpa-practice. Kitang kita tuloy ang full sleeve tattoo ni Ross, at sumisilip na naman ang tattoo ni Heath sa dibdib dahil malalim ang collar ng damit nito.
Lumibot ang mga mata ko sa limang lalaki na nasa kwarto. Hindi talaga maitatanggi ang nag-uumapaw na appeal nilang lima. Sage with his seriousness that makes his fans love him so much. Hindi man halata dahil sa suplado niyang panlabas pero mabait talaga itong si Sage. He’s too soft for girls. Isa iyan sa napapansin ko sa kanya. Sinabi kasi sa akin noon ni Lyle na ilang beses na niyang gustong maglagay ng mga romance novel sa mini-library nito, pero ilang beses din itong umaayaw. Kaya naman nagulat siya nang malamang naglagay si Sage doon ngayon.
Si Milo ang pinakamalambing kay Ma’am Iope, siguro dahil siya rin ang pinakapasaway dito. Siya lang ang naririnig kong tumatawag dito ng Mami dahil puro mga Madam ang tawag ng iba. He’s always the geeky one, the one with a lot of things stored inside his sleeves. He’s the most unpredictable one. Sa kanilang lahat, pangalawa siya sa mga member na hindi ko pa rin lubusang kilala. Nangunguna kasi si Sage. Pakiramdam ko, maskara lang ang ipinapakita niyang ugali sa amin.
I can’t help but wonder about the girl named Pen. Who is she in his life? I have never heard about his past relationships. I only know that he is popular with girls, at ilang beses na nga siyang nali-link. Mabuti na lang at nang magsimula akong magtrabaho sa kanila, hindi pa ulit siya nakikita kasama ang kung sinong artista, modelo, o sikat na influencer. Hindi ko yata kakayanin ang stress na maidudulot niyon.
Lyle is really the sweetest. Palagi siyang nakangiti, na aakalaing walang problema. Kahit na may pagka-clumsy ito, siya talaga ang pinaka-sporty sa banda. He can do a lot of things. Parang noong nagpasabog si Lord ng talento sa mundo, gising na gising siya at naggagala sa labas. Pero ang pinakapaborito niya talagang gawin ay bumuo ng Lego. Kwento nga ni Milo, punong-puno daw ng Lego ang kwarto ni Lyle. He loves Lego that much. Mahilig din siya sa aso. Minsan nga, nababadtrip na si Milo dahil parang aso na daw ito umasta. He really does look like a puppy sometimes. Cute nga siya talaga. Siya rin ang pangalawa na masasabi kong matalino sa banda. If Sage has a soft side for girls, then girls have a soft spot for Lyle.
BINABASA MO ANG
Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)
General FictionEQUINOX SERIES #01 As fans, we often dream of being with the idols we love. We fantasize about being their friend, girlfriend, or even spouse. We want them to know we exist, just as we are eager to learn more about them. But it's a different case fo...