CHAPTER 25

68 1 1
                                    

CHAPTER 25

His lips moved against mine. It was so gentle, as if he were afraid to hurt me. Inilagay niya ang kanyang kamay sa likod ng aking leeg para mahalikan ako nang maayos. Ang isang kamay niya ay napunta sa bewang ko at marahang humaplos doon.

Hindi ako makahinga. Pero sa halip na lumayo, mas lalo ko pang inilapit ang sarili sa kanya. I didn’t know how to kiss, but the slow movements of his lips felt so good. Hindi ko namamalayang tumutugon na ako sa bawat pagdampi ng labi niya sa akin. I felt his lips curl up between our kisses. Ang kamay ko na nasa kanyang braso ay unti-unting umangat sa kanyang buhok at mahinang sumabunot doon.

“Ah. . . fuck!”

Sinunggaban niyang muli ang labi ko. It was a little harsher this time. Parang nawala ang pagtitimpi niya, at naramdaman ko ang konting gigil sa kanya. Sa halip na matakot, mas nag-init ang pakiramdam ko. Mas sumabunot ako sa kanyang buhok.

“Aww. . . Hmmn!” Daing ko nang maramdaman ang ngipin niya sa pang-ibabang labi ko.

He bit my lower lip! I felt something move inside my mouth. Medyo lumayo siya sa akin.

“Open your mouth, baby,” he demanded in a deep, hoarse voice. Parang lasing na lasing na siya habang hindi nawawala ang tingin sa labi ko.

“Hea—” Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil hinalikan na naman niya ako. This time, his tongue entered my mouth. Nagkaroon siya ng pagkakataon na ipasok ang dila sa bibig ko dahil sa pag-awang nito. I felt it move inside. Nanlaki ang mga mata ko.

Ito ba ‘yong sinasabi ni Carol na French kiss? Grabe! Hindi ko yata kaya!

Marahan kong itinulak si Heath. Hindi naman siya nanlaban pa, at parang nanghihinang isinandal ang noo sa aking balikat. Parang natauhan siya dahil bumaba na rin ang kamay niya sa magkabilang gilid ko. We were both catching our breaths. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang anumang minuto ay lalabas na ‘to sa dibdib ko.

“Did I scare you? I’m sorry. I lost control,” I heard his soft voice. Hindi ako sumagot kaya nag-angat siya ng tingin sa akin.

“Were you scared? Am I too much?” he worriedly asked. Itinuro ko sa kanya ang parte ng labi kong kinagat niya. It stung a bit.

“Kinagat mo ang labi ko!” Nang-aakusang sabi ko. He cupped my face to check my lips better. Matagal niya iyong tinitigan. Hinintay ko ang gagawin niya. Gently, he blew some air on my wounded lips. Akala mo ay mga bata kami na kapag may sugat, hihipan lang tapos mawawala na ang sakit.

He looked so cute. Napangiti ako kaya napatingin siya sa akin.

“Ang cute mo,” hindi ko mapigilang sabi.

“Halikan ko na lang kaya ulit ‘to,” nakasimangot na sabi niya. Hindi nawala ang ngiti ko, at natawa pa ako sa sinabi niya. Ayaw niya palang masabihan ng cute? Ginawaran niya ako ng mabilis na halik—‘yon siguro ang tinatawag nilang smack. Nakakabitin pala talaga. Tumingin siya sa akin at naroon pa rin ang mapaglaro kong ngiti.

“Cute.” He gave me another smack.

“Cute.” Another one.

“Cute.” And another.

I’m enjoying this. I giggled.

“Isa pang cute mo, kakagatin ko ulit ‘yang labi mo,” pagbabanta niya. Sa halip na matakot, mas lalo lang akong na-excite sa narinig. Nagkatitigan kami bago ako ngumisi sa kanya.

“Ang cute mo, Heath—” Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil sinunggaban na ulit niya ang labi ko. Ilang beses ko siyang nahampas habang natatawa, pero sa huli ay tumugon din ako sa halik na ibinibigay niya sa akin.

Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon