CHAPTER 14

52 1 1
                                    

CHAPTER 14

“So care to share about this Korean boylet mo?” Tanong ni Carol at nangalumbaba sa lamesa. Ang mga mata nito ay diretso ang tingin kay Shye, naghihintay ng sagot.

“Well, hindi ko pa siya sinasagot,” tipid na sagot ni Shye at mabagal na sumimsim sa kanyang inumin. Pumalakpak si Carol sa narinig.

“That’s my girl!” She said proudly.

We are inside a restaurant and having our girl’s date. Matagal na rin noong huli kaming lumabas at nakakatuwa na kumpleto kami ngayon. Kahit ang busy na si Leila ay nakasama rin sa amin.

“Tama ‘yan, Shye. Huwag mo muna sagutin. Kahit gaano pa kagwapo ‘yan, huwag kang padadala sa tukso,” sabi naman ni Leila. Tumango si Shye at parang itinatatak sa utak ang sinabi nito.

“Infairness diyan sa manliligaw mo ha, ang hunk! Parang mambabalibag sa kama eh,” walang kapreno-prenong saad ni Carol. Nanlaki ang mga mata namin sa kanya. Gosh ang bibig talaga nito minsan!

“Carol, baka may makarinig sa’yo!” Saway sa kanya ni Shye at hinampas siya sa braso.

“What is wrong with that? Guys, we’re 25 na! Kung umasta kayo ay para pa rin tayong teenager. We’re already adults!” Katwiran nito at ilang beses umirap sa’min.

“We know that, alright? But you can’t just say something like that! Especially in public places!” Pangangaral ni Shye. Her face is so red like a tomato.

“Ugh. . . fine. Anyways, saan mo ba ‘yan nabingwit? Does he have friends ba? Ipakilala mo naman ako,” pagbabago nito sa usapan. Mula sa busangot niyang itsura ay mapalitan iyon ng usual niyang masayang mukha. Saglit nag-isip si Shye.

“I haven’t met his friends yet. . .” mahinang sabi niya.

Kumunot ang noo ni Carol. “Huh? Hindi ka ipinapakilala?”

“Not like that. Actually, we are going on a party next week. Doon ko makikilala ang friends niya.” Ngumiti ito at mababakas sa mukha niya ang excitement.

“Okay. Anong klaseng par’yan? Are you going to drink?” Tanong ko naman. Tumango sa’kin si Shye.

“Siyempre may inuman. What is party without drinks?” Sabat ni Carol. Bumalik ang mata niya kay Shye at seryoso siyang tumingin dito. “Anyways Shye, I know you are old enough na pero hinay-hinay pa rin ha. Baka 9 months later, may inaanak na kami. Sasakalin talaga kita.”

Nagtakip na ng mukha si Shye dahil sa kahihiyan. “Carol naman eh!”

“Sinasabihan lang naman kita. Nasa sa’yo pa rin naman kung susundin mo ako. Saka okay lang pala na mabuntis ka, girl. Maganda naman ang magiging baby mo dahil maganda ang genes!” Parang baliw na tumawa si Carol.

Napapailing na lang ako sa mga naririnig sa bibig ni Carol. Habang tumatanda kami ay pabulgar na nang pabulgar ang lumalabas sa bibig niya. Nabaling ang tingin niya sa’kin.

“Oh, Dahlia, anong balita sa’yo? Sabi ni Grace ay may new work ka raw. Make up artist ka raw ng banda. Anong banda?” Tanong niya. Napasimsim naman ako sa aking juice. Parang naubusan ako ng laway sa narinig. Next time sasabihan ko na si Grace na tigilan na ang pag-a-update ng mga ganap sa buhay ko dito kay Carol. Hindi ako tatantanan nito kapag nalaman niyang sa Equinox ako nagtatrabaho!

Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa dressing room noong isang araw. It was still fresh in my memory.

We’re both interrupted by a sudden knock on the door. Sa gulat ko ay nadulas ang tuhod kong nasa upuan niya. Nagulat kami parehas dahil doon. Bago pa ako tuluyang mahulog ay humawak na ako sa balikat niya bilang suporta. Out of reflex, his two hands found its way on my waist. I flinch at the sudden contact.

Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon