CHAPTER 8

52 3 2
                                    

Trigger Warning: Su-cide

CHAPTER 8

Dead on arrival.

Tumigil sa pagtibok ang puso ko. Para akong nasa dulo ng isang bangin na kadiliman lang ang nakikita sa ilalim. I stood there. . . unable to make another step because if I do. . . I will fall to the darkness that awaits for me.

I couldn’t process anything. Ang tanging tumatakbo lang sa utak ko ay ang nangyari kaninang umaga. Ang masuyong yakap ni papa kay mama. . . ang matamis niyang ngiti sa’kin. . . ang magaan niyang kamay na sumusuklay sa’king buhok. Napaupo ako sa sahig ng unti-unting manghina ang mga binti ko. The image of our happy family instantly break by a loud cry from me.

“P-papa!”

Sumubsob na ako sa sahig habang malakas na umiiyak. Hindi. . . hindi ito totoo. . . Buhay pa ang papa ko!

I felt a hand on my shoulder, trying to comfort me. But that only made me sobbed even more. Napahawak na ako sa aking dibdib dahil hindi ko na kinakaya ang sobrang paninikip niyon. Parang walang nagagawa ang pag-iyak ko para maibsan ang sakit dahil sa tuwing humahagulgol ako ng malakas ay parang mas sumasakit pa. Hindi matanggal ang kirot sa puso ko.

Suminghap ako at sinubukang lumanghap ng hangin. Dumami ang kamay na humahawak sa’kin, hinihila na ako patayo. Nagpatianod ako sa gusto nilang mangyari dahil wala na akong lakas.

With my blurry vision, I saw one of my auntie in front of me. Pilit niyang pinupunasan ang luha ko pero wala iyong silbi dahil patuloy lang ito sa pagtulo. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pilit akong iniharap sa kanya.

“Dahlia. . . hija. . . t-tatagan mo ang loob mo. . .” Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Her statement is like a confirmation that papa’s already gone. That he wasn’t with us anymore. Umiling ako sa kanya.

“H-hindi. . . si p-papa ko. . .”

Wala na akong lakas. Pilit akong tumayo para sundan si mama. Sa nanghihina kong mga binti ay tumakbo ako. Lumilingon sa’kin ang lahat ng nakakasalubong ko pero wala na akong pakealam pa roon.

“Anak, sundan mo ang pinsan mo!”

Pilit kong pinunasan ang mga luha dahil nahihirapan na akong makakita. Naramdaman ko ang kamay ng pinsan ko sa balikat ko at iginiya niya ako kung nasaan si mama.

Akala ko ay sobra na ang sakit na nararamdaman ko pero wala pa pala ‘yon. I saw my mama on her knees. Mahigpit niyang yakap si papa na nakahiga. She’s crying so hard while all my other aunties where on her side.

Nanginig ako.

Mula sa pwesto ko ay natatanaw ko si papa. Tuwid itong nakahiga at nakapikit ang mga mata. Dahan-dahan akong lumapit. Bawat hakbang ko ay kasabay ng pagkahulog ng lahat ng pag-asa sa’kin. Looking at how hopeless this situation was. . . I couldn’t even breathe.

Habang pinagmamasdan ang walang buhay na aking ama at ang nanghihina kong ina. . . para akong pinapatay ng paulit-ulit. The pain is too much for me. Pakiramdam ko ay ikamamatay ko na ang sakit.

I manage to come closer. Mas lalo kong napagmasdan ang itsura ng papa ko. His skin was never this pale. Sa kanya ko namana ang morenang kutis ko. Nanghihina akong napatakip ng kamay sa’king bibig.

Halos. . . halos hindi ko siya makilala.

Hinawakan ko ang kamay niya at napahagulgol ng malakas. He is so cold. He was never this cold. He always have a warm and gentle hands. 

“H-hindi ko kaya. . . Roberto. .  g-gumising ka please. Huwag ganito, m-mahal ko. . .”

Paulit-ulit itong sinasabi ni mama habang ang kanyang kamay ay nasa pisngi ni papa. Hindi siya matigil sa pag-iyak.

Invisible Strings of Harmonies (EQUINOX SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon