CHAPTER 31

520 19 3
                                    

JADE's POINT OF VIEW.

Pagka-dating namin ni mark sa room, kumpleto na silang lahat kaming dalawa nalang ang kulang.

Pumasok na kaming dalawa at naupo sa kanya-kanyang naming upuan.

“Bakit kaya magkasama yung dalawa?” pagpaparinig ni Dylan habang nakangisi saming dalawa ni mark.

“Oo nga, diba magkaaway kayo? mortal enemy pa nga kayo e.” singit naman ni Ryker.

Hindi ko nalang sila pinansin at dumukdok nalang sa desk ko.

Naramdaman kong may kumakalabit sa likod ko, kaya napa ayos ako ng upo at lumingon sa likod.

“So bakit nga kayo magkasama?” chismosong tanong ni Jayden, naki sali nadin si Ethan.

“Alam nyo, ang chismoso nyo talaga eh no?. Bati na kaming dalawa, nag sorry na sya about sa ginawa nya sa'kin at sya pa ang nag sorry sa GINAWA NUNG IBA DYAN KANINA,” nilakasan ko talaga yung huli, para marinig nung anim.

Tumawa naman si mark, kaya sinamaan sya ng tingin nung anim.

Napatingin kaming lahat sa pinto nang may kumatok.

“Dito ba yung section D?” sabi nung lalaking naka mask, sumagot naman si Lucas.

“Oo dito nga, bakit?” sagot nya, hindi sumagot yung lalaki at tumingin sakin.

Yung mga mata nya, kilalang kilala ko.

Tumayo ako, at lumapit sakanya. Naamoy ko naman yung pabango nyang, paboritong paborito ko.

Nakatitig lang s'ya sakin, pero ako sumilip ako sa likod nya, dun kopa nakita na may kasama pa syang tatlo.

Mga naka mask din sila, at naka sun glasses.

“So, pwede ba kaming pumasok?” tanong nung nasa harapan ko, tinaasan ko muna sya ng kilay at sumandal sa pintuan.

“Bawal.” sabi ko, at pinag krus ko ang dalawa kong kamay sa harap ng dibdib ko.

Hindi ko namalayan na, nakiki chismis nadin yung section D. Nasa gilid ko na sila.

Nagulat ako nang hatakin ako ni Lucas, kaya ang ending napasubsob ang mukha ko sa dibdib nya.

Bwesit! ang sakit, ang tigas ng dibdib nya, ano bang problema nito?

Yumuko sya, hanggang sa yung labi nya nasa tenga ko na.

“Kita na cleavage mo, tsk.” bulong nya, kaya agad naman akong humiwalay sakanya, at kinurot sya sa tagiliran. Napa aray naman s'ya ng mahina at sinamaan ako ng tingin.

Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa lalaking naka mask.

Nakatingin lang s'ya sakin.

"Hubarin nyo na mask nyo, kala nyo naman hindi ko kayo makikilala." pagpaparinig ko sa apat.

Nag umpisa nang mag bulungan ang mga tao sa likod ko, parang mga bubuyog.

"Ang daya! kala ko hindi tayo makikila ni ate jade." reklamo ni Ace, lumapit ako sakanya at ginulo ang buhok nya. Sya naman ay yumakap sakin

"Si jade pa? kilalang kilala tayo nyan." sagot naman ni reigo sakanya, natawa naman ako sa sinagot nya.

Alam naman pala nila, bakit pa sila nag mask? parang tanga lang.

"Dito din section nyo?" pag iiba ko nang usapan.

Sumagot naman si Cadence, by the way sya yung lalaking kumatok kanina.

Lumapit sya sakin, at may binulong.

Napatango, tango naman ako tsaka napangisi.

"Anong oras?" tanong ko

She's the only girl in section D Where stories live. Discover now