PROLOGUE

2.5K 48 3
                                    

PROLOGUE

KASALUKUYAN akong nasa kusina at naghuhugas ng mga pinggan. Sa totoo lang ay masama ang pakiramdam ko pero kailangan kong magtrabaho nang maayos para walang makahalata sa akin.

Pero nagulat na lamang ako nang may humila sa braso ko at paraan nang paghawak niya ay pakiramdam ko mababalian ako.

Bumundol ang kaba sa aking dibdib nang makita ko kung sino ang taong humihila ngayon sa ’kin na tila kinakaladkad na rin ako.

“S-Sir Archimedes,” nauutal kong sambit sa kaniyang pangalan. Kitang-kita ko ang mga ugat sa braso at pababa sa kamay niya.

Ang lamig ng presensiya niya at kinakabahan ako. Ngayon lang siya naging marahas sa akin dahil kapag inuutusan niya ako ay kalmado lamang siya.

Dinala niya ako sa opisina niya at pabagsak niya akong tinulak paupo sa sofa. Nanginig agad ang mga binti ko at nangngatal na ang mga labi ko.

Nang magtagpo na ang mga mata namin ay kasing lamig ng yelo ang mga iyon. Walang ekspresyon ang mukha niya at ang hirap niyang basahin.

Bakit yata may galit siya? May ginawa kaya ako na hindi niya nagustuhan? Natatakot na ako.

Napahawak ako sa suot kong uniporme nang lumuhod siya sa sahig at ikinulong niya ako sa mga braso niya. Bumilis lang lalo ang tibok ng puso ko.

“S-Sir, m-may problema po ba?” kinakabahan na tanong ko. Napaigtad pa ako nang sapuhin niya ang pisngi ko gamit ang magaspang niyang palad at umabot iyon sa ulo ko sabay hila sa buhok ko na ikinadaing ko. Pakiramdam ko ay matatanggal ang anit ko.

“You’re just playing with me, do you?” malamig na tanong niya at nang hindi ako sumagot ay buong puwersa niyang hinila ang aking buhok kaya pumihit sa kabila ang ulo ko kasabay nang pagbaon ng mukha niya sa leeg ko.

“Sir,” kinakabahan na sambit ko.

“Why are you doing this, hmm?” Napahawak ako sa braso niya nang kagatin niya ang balat ko sa leeg. Parang nanggigigil siya. “For fvcking four years. Ang akala ko ay asawa ko ang kasama ko sa kama tapos ikaw lang pala? Sa tagal ninyo akong niloloko ni Randell ay akala ninyo hindi ko malalaman?” tanong niya.

Paano. . .paano niya nalaman iyon?

Tinanggal ko ang kamay niyang nasa dibdib ko dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa paraan nang paghawak niya sa ’kin. Hanggang sa umakyat ang kamay niyang nasa leeg ko at doon na ako napahawak dahil dahan-dahan nang humigpit iyon.

“N-Nasasaktan po ako, sir. . .” Nanubig agad ang mga mata ko dahil hindi na ako makahinga pa nang maayos. Sinàsakal na niya ako.

“Bítch,” malamig na sambit niya. Halos lumuwa ang mga mata ko at hindi na ako makahinga pa nang maayos. Wala na akong hangin na nalalanghap pa.

“S-Sir. . . P-Pakiusap. . . B-Buntis po ako. . .” Doon niya lang ako pinakawalan pero namula ang mga mata niya sa galit hanggang sa muli niya akong kinaladkad palabas at pumasok kami sa kuwarto nila ng asawa niya.

“Hanggang kailan niyo ako lolokohin, Kallani?! Hanggang kailan niyo ako gagawin na tanga, ha?!” sigaw ni Archimedes sabay na tinulak na naman niya ako. Kung hindi lang ako nagawang saluhin ni Kalla ay baka sumubsob ako sa sahig.

Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at naiiyak na ako. Naiiyak na ako sa takot. Alam ko kung ano ang kaya ni Archimedes na puwede naming ikapahamak ng magiging anak ko.

“Bakit mo ba siya sinasaktan, Archimedes?” tanong ni Kalla sa asawa niya.

“Are you trying to deny the truth, sweetheart? All this time ay siya lang pala ang kasama ko sa kama at hindi ikaw?! Akala mo ay hindi ko malalaman, ha? Alam ko rin kung kaninong ama ang pinagbubuntis mo ngayon!” Hindi ko akalain na malalaman din niya ang tungkol doon at masyado pang maaga para malaman niya ang katotohanan. Bakit napakabilis naman?

“P-Paano mo—”

“Marami pa rin akong mga mata, Kalla. . . Kahit nagkakaproblema ako sa kompanya ko ay alam ko pa rin ang pinaggagawa ninyo ni Randell! Ang isa pang hayòp na iyon na walang utang na loob! Nagawa ka pa niyang tulungan at kumuha ng isang prostitute para lang maging replacement mo? Kalla. . . Ibinigay ko sa ’yo ang lahat! Minahal kita pero nagagawa mo pa rin akong lokohin,” may hinanakit na bulalas pa ni Archimedes at nakaramdam ako nang kirot sa dibdib ko. Nagawa ko rin siyang mahalin kahit na iba ang tinitibok ng puso ko.

“H-Hon. . . N-Nasasaktan ako. . .” naiiyak na sambit ni Kalla at nanlaki ang mga mata ko dahil balak din siyang sàkalin ng asawa niya.

“K-Kalla. . .” sambit ko sa pangalan niya.

“Hon. . . Ginawa mo rin akong tanga, Kalla. Pinaniwala mo ako na mahal mo rin ako pero hindi. . . Na kahit ang totoo ay siya pa rin. . . Siya pa rin ang mahal mo, Kalla. . .”

“Ako na lang ang saktan mo at huwag si Kalla!” sigaw ko dahil katulad ko ay buntis din si Kalla pero parang isa kang akong bagay na hinawi niya.

Napadaing ako nang tumama ang likod ko sa pader at sumalampak ako sa malamig na sahig. Naramdaman ko rin ang pagsisid ng sakit sa puson ko at may mainit na likido ang kumawala sa. . .

“A-Archimedes. . .”

“A-Ang. . . baby ko. . . Ang baby ko. . .” naiiyak na sambit ko nang makita ko ang dugo sa paanan ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa lakas nang tambol nito.

Saglit na tila nawalan ako nang pandinig at nagsimula na ring dumilim ang paningin ko. Natatakot ako sa kalagayan ko ngayon. Natatakot ako dahil baka mawala ang anak ko. Ang b-baby ko. . .

Basang-basa na ang pisngi ko dahil sa mga luha kong walang tigil sa pagbuhos nito hanggang sa maramdaman ko na lamang ang matitipunong mga braso na bumuhat sa aking katawan. Hindi ako nakaramdam ng lamig kahit nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil balot na balot ako ng malambot na tela at amoy ko ang pamilyar na perfume na gamit niya.

Wala na rin akong kamalay-malay sa paligid ko. Ang naramdaman ko lang ay ang mahigpit na pagyakap ng isang tao sa akin at nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya. Doon na ako tuluyang nawalan nang malay.

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon