CHAPTER 13

1.1K 26 0
                                    

Chapter 13: A friend

GABI na ako natapos sa pag-aayos ng mga gamit namin sa kuwarto. Iyong mga pambahay nina Darlene at Ryry ay tinupi ko sa basket para hindi sila mahirapan na kumuha ng susuotin kapag magbibihis na sila. Iyong mga pabango nila at iba pang gagamitin ay nasa mesa na. Ang mga laruan ni Ryry ay nasa divider na rin. Maayos na itong nakasilid.

Pinunasan ko ang namumuong pawis sa noo ko at nilapitan ko silang dalawa. Napangiti na lamang ako dahil nang pagmasdan ko lang ang mahimbing nilang pagtulog ay nawala bigla ang pagod ko at hinanakit sa dibdib sa aking dibdib dahil sa ginawa ni tita sa pera na sana ay sa amin.

Mag-iipon na lamang ulit ako ng pera para sa kanila. Kayang-kaya ko naman sigurong gawin ulit iyon.

Kinumutan ko na muna sila. Mabuti na lang ay hindi ginalaw ni tita ang mga pagkain ng kapatid ko. Halos mangalahati rin iyon dahil kay Ryry.

Lumabas ako ng kuwarto at naisipan ko lang din ang magpahangin. May hardin pa at may upuan doon sa labas. Napatingala ako sa langit at nagpakawala nang malalim na hininga.

'Nay, 'Tay, sa susunod na linggo po ay babalik na ako sa Indonesia. Kayo na po ang bahala sa mga kapatid ko at huwag ninyo po sila pababayaan. . .

Biglang lumamig ang hangin na tila niyayakap ako nito at may tumulo pang luha sa aking pisngi bago ako nagpasyang bumalik sa loob.

Si Tita Araneta ang nagluto ng hapunan namin. Masarap ang ulam ngayon dahil para na rin daw iyon sa warm house. Oo, naghanda talaga siya.

Katabi kong nakaupo ang mga kapatid ko at nasa dulo ay si tita. Sa tapat ng aming upuan ay ang tatlong magkapatid. Tapos nasa unahan naman si Tito Carlo na tahimik lang kumakain.

"Sa susunod na linggo na ang alis mo, Dalia?" tanong ni tita.

"Opo, tita," sagot ko nang hindi ko siya sinusulyapan. Inaasikaso ko kasi ang pagkain ni Ryry.

"May pera ka pa naman siguro diyan, 'no?" tanong ulit niya dahilan na mapatingin ako sa kaniya.

"'Ma, ano ba? Kumakain tayo," sabat ni Rouge sa malamig na boses.

"Tumahimik ka na muna riyan, Rouge. Hindi pa ako tapos," mausngit na sabi ni tita.

"Bakit po, tita? May kailangan po ba kayo sa pera?" tanong ko bago pa man sila magkasagutan ng anak niya.

May galit naman sa kanila ang panganay nilang anak pero kapag hindi nito nagustuhan ang ginagawa nila ay talagang sasagot-sagutin sila ni Rouge.

"Wala naman, Dalia. Ang mga kapatid mo ay kailangan ng pera dahil maililipat na sila ng paaralan. Ayaw mo naman sigurong bumiyahe sila sa malayo, 'di ba?" Hindi ko naisip ang bagay na iyon.

"Sige po, tita. Ako na po ang bahala," sabi ko na lamang.

Si Rouge naman ay napatayo na lamang siya at nakita kong hindi pa siya tapos kumain pero dinala na niya agad sa lababo.

"Tapos ka nang kumain, Rouge?" nagtatakang tanong ni Tito Carlo sa kaniyang anak.

"Nawalan na po ako ng ganang kumain, 'Pa," malamig na sagot nito at lumabas na rin sa kusina.

"Sakit talaga ng ulo itong panganay mo, Carlo! Nagtatapon na lamang siya ng pagkain!" sigaw ni Tita Araneta at napatingin pa nga siya sa basurahan. Nanghihinayang sa tira-tirang pagkain ni Rouge. Kung sabagay naman ay mahalaga ang pagkain at hindi dapat nagsasayang.

"Hayaan mo na siya," mahinahon na saad lang ni tito.

"Kunsintidor ka talaga sa anak mong iyon!" asik pa niya at galit na galit na agad siya.

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon