CHAPTER 21

1.5K 29 1
                                    

Chapter 21: Years later

“DALIA?” Si Engineer Markus ang tumatawag sa ’kin. Kasama niya ang asawa niyang si Theza. Nakangiti ito.

“Bakit po?” tanong ko sa kanya at may ibinigay siya na isang kapirasong papel na kinuha ko naman.

“Actually, puwede naman naming pakiusapan ang kaibigan namin para makalabas ng isang araw lang si Archimedes pero tumanggi na siya. Mas mabuting huwag na muna raw siyang magpakita pero nakausap namin siya over the phone at ang asawa ko ang nagsulat niyan. Pinapaabot niya lang,” mahabang sambit niya.

Panibagong kirot na naman ang naramdaman ko sa aking dibdib. Ganito na lamang palagi si Archi. Sinasaktan niya ako ng hindi niya namamalayan.

Ayaw niya talaga sa ’kin kaya hindi na siya dumating pa. Napabuntong-hininga na lamang ako.

“Salamat po rito,” sambit ko. Nagulat naman ako nang hinaplos ni Theza ang pisngi ko.

“Ang pag-ibig ay hindi naman nagmamadali. Kailangan lang nating maghanda para sa mga oras na iyon ay kaya na nating kontrolin ang sarili natin. Sa ngayon, hintayin mo siya kung kailan niya mararamdaman ang pagmamahal niya dahil naniniwala ako na nilalabanan na rin niya ang sarili niyang nararamdaman para sa ’yo at para kay Jean. Mahabang proseso ang kanyang gagawin kasi hindi naging madali para sa kanya ang lahat. Sabi nila, masama raw ang mag-expect dahil nabibigo rin tayo sa huli. Pero wala namang masama kung aasa ka sa isang tao. Dalia, kalimutan mo muna ang sakit na dinaramdam mo. Alagaan mo ang sarili mo at ang magiging anak mo. Nandiyan na rin ang mga nakababatang kapatid mo. Sa kanila ka muna kukuha nang lakas ng loob. Lilipas din ang sakit,” mahabang sabi niya sa marahan at kalmadong boses. Diretso talaga sa puso ko.

“Tatandaan ko po iyan,” sabi ko at pinunasan pa niya ang tumulong luha ko.

“Bilang lang ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ng asawa ko. Kaya i-congratulate mo siya, Dalia.” Mahinang natawa ako sa sinabi ni Engineer Markus kaya kinurot siya ng asawa niya sa tigiliran niya. Natatawang hinalikan niya lang ito sa pisngi.

“Anyway. Congrats again, Dalia. Ipapadala na lang namin sa bahay niyo ang gift niyo ng baby mo,” Theza said.

“Buksan mo na ang papel para mabasa mo na,” ani Engineer Markus bago sila bumalik sa mesa nila.

Binuklat ko naman ang papel at napatutop lang ako sa bibig ko. Kahit hindi man siya ang nagsulat nito ay galing naman sa kanya ang pangalan.

Mira Dazelia O. Valderama

“A-Ang ganda ng pangalan mo, baby... Mira Dazelia O. Valderama. G-Galing sa daddy mo,” nakangiting sambit ko at sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko. “Halatang love na love ka ng daddy mo.”

“Ano po ’yan, Ate?” nakangiting tanong sa akin ng nakababatang kapatid ko na si Darlene. Hinalikan ko siya sa ulo niya at hinila ko naman palapit sa akin si Daryl.

“Pangalan ito ng pamangkin mo. Basahin ninyo,” sambit ko. Pareho ko silang inakbayan.

“Uhm... Ate, M-Mira? Mira lang po ang kaya kong basahin,” nakangusong sabi ng bunso namin. Hindi pa kasi siya maalam sa pagbabasa. Kaunti pa lang.

“Ate, paano po ba ’to bigkasin?” Itinuro naman ni Darlene ang second name.

“Dazelia. Da-zil-ya- ang pagbigkas nito,” saad ko.

“Mimi na lang po ang tawag ko. Ang hirap naman po.” Natawa ako sa sinabi ni Daryl. Ginulo ko ang buhok niya.

“Kung saan ka po mas komportable ay sige,” ani ko saka hinanap ng mga mata ko si Jean kasama ang pamilya niya.

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon