Chapter 3: Arch
"BAKIT sa bar ka magtatrabaho?" kunot-noong tanong ni Randell sa akin. Humingi kasi ako ng favor sa kaniya na kung puwede niya akong hanapan ng work dito sa Indonesia. Kaysa naman ang wala akong ginagawa rito kundi ang umasa lang sa allowance na ibinibigay niya sa 'kin. Tapos pinapadala ko sa Pilipinas, kay Tita Araneta.
"Hindi naman ako babalik sa dati kong trabaho. Gusto ko lang may magawa rito," pagdadahilan ko. Nakatira pa nga ako sa condo niya, siyempre may ibang place rin naman siya. Hindi kami live-in. Siya ang gumagastos ng pangangailangan ko rito para naman kahit papaano ay kaya kong buhayin ang sarili ko sa bansang hindi ako pamilyar dito.
"Hindi kita ilalagay sa bar. May café ang isa kong kaibigan at doon ka na lang magtrabaho," sabi pa niya.
"Sige na nga," pagsuko ko at napangiti na siya sabay pitik sa noo ko.
Ilang taon ang tanda ni Randell at parang isang nakababatang kapatid ang turing niya sa 'kin. Sobrang bait niya nga kahit kakaiba pa rin ang offer na ibinigay niya. Gayunpaman ay tinanggap ko pa rin naman iyon. Maganda na ang buhay ko sa totoo lang, kahit palagi kong ma-m-miss ang mga kapatid ko. Pinapaalala ko na lamang sa sarili ko na ang lahat ng ginagawa ko ay para ito kina Ryry at Darlene. Para ito sa mga mahal ko sa buhay.
Sa de Luna Café ako pinapasok ni Randell. Ang nakapagtataka lang ay mukhang bago pa ang café at wala masyadong customer.
Nasa sampu lang ang bilang namin na mga empleyado. 'Sakto rin ang laki nito at maganda naman ang ambiance. Hindi boring tingnan. Nasa counter ako naka-assign. Gumagawa rin ako ng coffee.
Habang busy naman ako sa cellphone na binili ni Randell para tingnan ang socmed account ko ay narinig ko ang tunog ng dream catcher sa may pinto.
"Good day and welcome to our de Luna Café," may lambing na bati ko sa customer namin. May soft music akong pinapatugtog sa speaker namin na naka-connect sa phone ko pero maririnig pa rin naman ang footsteps.
Nag-angat ako nang tingin dahil naramdaman ko ang pamilyar na presensiya nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang customer na pumasok sa café.
Pakiramdam ko ay namutla na agad ako at ang lakas nang tambol sa dibdib ko.
Kahit na ngayon ko lang siya nakitang nasa maliwanag ay kilalang-kilala ko siya. Pamilyar na ang mukha niya kaya makikilala ko pa rin talaga siya.
Suot niya ang dark blue na suit at malinis ang haircut niya na naka-brush sa kanang bahagi ng ulo niya. Walang ekspresyon ang mukha niya pero hindi iyon nakabawas sa guwapo niyang mukha. May kakapalan ang kilay niya. Matangos ang ilong at ang mga labi niyang mariin na nakatikom.
Sinipat niya ang relo niyang pambisig at saka diretsong tumitig sa mga mata ko. Mabilis akong nag-iwas nang tingin dahil hindi ko kayang tagalan ang titig niya na sobrang lamig. Nalulunod ako. Pakiramdam ko nga ay tagos iyon hanggang sa aking kaluluwa.
"A Café latte and banana cake for take out," he said firmly. I sighed. Pilit kong pinapakalma ang tibok ng puso ko na nagwawala na sa ribcage ko.
"Thank you, we will serve your order later please wait a minute, Sir," magalang na sabi ko at sinenyasan ko ang kasama ko. Tumango lang siya nang makuha niya ang senyas ko.
"Is it okay if I sit here?" tanong niya na ikinagulat ko naman.
"Pardon Sir?" gulat kong tanong. Baka kasi nagkamali lang ako sa narinig ko. Walang customer ang umuupo sa may counter. Usually kasi couple rin ang customer namin. Ang style mesa namin ay gawa sa kahoy kaya ang cute tingnan.
"I'll sit here at the counter. I just drink coffee quickly," paliwanag pa niya.
"Oh, okay, Sir," sagot ko na lamang at tumango. Umupo na rin siya sa may counter at nagsimula na akong gumawa ng coffee niya.
Uneasy pa ako dahil ramdam ko ang mabibigat niyang tingin. Bakit kailangan niya pa akong panoorin habang nagtitimpla ako ng coffee niya? Naiilang ako sa totoo lang.
Sinusulyapan ko rin siya at nakita kong naglabas siya ng signpen. Kumuha ng sticky notes sa counter at may isinulat siya roon. Napailing na lamang ako at ibinalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko.
Nang humarap na ako sa counter ay hindi ko na nakita pa roon ang lalaki. Nagtatakang napatingin na lamang ako sa papalayong pigura niya.
Inilapag din ni Thai ang banana cake na naka-paperbag na. "Nasaan na ang customer natin, Dalia?" tanong ni Thai. Isa rin siyang Pilipina. Lahat nga kami ay nagmula pa sa bansang pinanggalingan namin. Nakatutuwa iyon dahil may kapamilya ako rito.
"Lumabas na lang bigla," sagot ko at nagkibit-balikat. Lumapit siya sa counter at may kinuha siyang sticky note.
"Oh, Dalia." Ang lapad ng ngiti ni Thai at ibinigay ang sticky note. Kunot na kunot ang noo ko.
"Isang makasalanan na titigan ang magandang babae dahil may asawa na ako. Kaya bilang peace offering ay tanggapin mo ang order ko."
-Arch
Nanginig ang kamay ko at bumilis lang ang pintig ng puso ko nang mabasa ko ang letter na siya mismo ang sumulat nito kanina. Ang ganda ng penmanship niya pero ang mas nagulat ako ay sa pangalan na nakalagay. Arch.
Imposible naman iyong naiisip ko ngayon. Baka nagkataon lang naman ang lahat pero naalala ko ang pangalan niya. Archimedes. Arch din ang lalaking nakauna-I shook my head and sighed.
Ano'ng kahibangan ang ginawa ng lalaking iyon? Tapos nakasulat pa sa salitang Tagalog?
Muli ko namang binasa ang nakasulat. "Isang makasalanan na titigan ang magandang babae dahil may asawa na ako. Kaya bilang peace offering ay tanggapin mo ang order ko."
Isa lang talaga ang masasabi ko rito. Napaka-loyal niya sa asawa niya samantalang. . .
"Kunin mo na ang coffee mo, Dalia bago pa man 'yan lumamig at saka itong take out mo na banana cake," panunukso niya. Bayolenteng napalunok na lamang ako.
"Ibalik mo na lang iyan-"
"No way, Dalia. Take it, dear," sabat niya sabay kindat sa akin. Natawa lamang ako.
"May choice pa ba ako, Thai?" I asked her.
"Wala," mabilis na sagot niya at saka niya ako tinalikuran.
4PM ang off namin sa café, tapos ang remaining time naman ay ang paglilinis namin saka kami uuwi lahat.
Bus ang sasakyan ko pauwi sa condo ni Randell. Isang linggo niya rin ako sinamahan para hindi raw ako maligaw pero may GPS naman ako. Gusto ko rin na gumala rito para maging pamilyar na ako sa place.
Nagpalit na ako ng uniporme ko. Tank top na pink, white blazer and black shorts ang outfit ko. Sinukbit ko na ang shoulder bag ko. Hinayaan ko lang ang buhok ko na nakalugay, umabot ito sa baywang ko.
May bus agad ang huminto pagdating ko sa bus stop kaya agad na akong sumakay. Naghanap ako ng bakanteng upuan at nasa dulo lang ang mayroon.
Pag-upo ko ay napansin ko ang berdeng sasakyan na nasa kabilang kalsada at nang umandar ang sinasakyan ko ay pati na rin ang kotseng iyon. Nagkibit-balikat na lamang ako. Ano naman ang pakialam ko roon?
Nagsalpak na lamang ako ng earphone at nagpatugtog ng kanta. Pinagmasdan ko ang litrato ng mga kapatid ko. Ganito palagi ang ginagawa ko. Gumagaan ang bigat sa dibdib ko kapag nakikita ko ang litrato nila.
BINABASA MO ANG
Passionate Embrace (COMPLETED)
RomanceIsa si Dalia sa kumapit sa patalim. Upang mabuhay ang kaniyang mga kapatid ay kailangan niyang isakripisyo ang kasiyahan niya. Kakambal niya man ang malas ay isang lalaki ang nagbigay sa kaniya ng kalayaan. Bilang pagtanaw ng utang na loob kay Rande...