CHAPTER 9

1.1K 27 0
                                    

Chapter 9: Weird acts

NANG mawala na sa paningin ko si Archimedes ay saka naman nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa sling bag ko at napangiti ako nang mabasa ko sa caller ID ang pangalan ng kaibigan ko. Tamang-tama na kailangan ko nang tulong niya at 'saktong tumawag na siya.

"Randell, 'saktong tumawag ka. I need your help," pambungad na saad ko.

"Dalia, bakit kasama mo si Archimedes?" nagtatakang tanong niya mula sa kabilang linya. Iyon din agad ang pambungad niya.

Baka nandito siya kaya nakita niya kami ni Archimedes na magkasama. Lalo pa na hinatid pa ako ni Archi pauwi. May mga paperbag pa nga ako na ito pa mismo ang nagbuhat. Ewan ko kung saan na nagpunta ang mga bodyguard niya.

"Tulungan mo na muna akong magdala ng mga paperbag sa condo, Randell. Doon tayo mag-usap," sabi ko at napatingin pa ako sa labas ng condominium. Pakiramdam ko ay may nakatingin na naman doon sa akin. Masyado akong nega, baka nga si Randell na iyon.

"Sige, tatawag ako ng staff," sagot niya lamang. "Pero iwan mo na lang diyan ang pinamili mo. Umakyat ka na sa condo mo, Dalia," dagdag pang sambit niya at napatango ako.

"Sige po," sagot ko lamang saka ako naglakad paalis sa lobby.

Pagpasok ko sa unit ko ay diretso agad ako sa mini-kitchen ko. Inilabas ko ang take out na food ni Archimedes. Dalawang naka-lunch box iyon at may kalakihan pa. Napanguso ako dahil amoy na amoy ko ang mabangong ulam na ito. Marami siyang na-take out. I shook my head at inilagay ko na lang sa ref ko.

"Take it. This is for your dinner. Initin mo lang mamaya." Hindi ako kumakain ng malamig na pagkain. Sumasakit ang tiyan ko. Malamang ay iinitin ko ito mamaya. Siguro kung magugutom ulit ako.

"Take it, please. Kumain ka sa dinner time. Iba naman ang kinain mo kanina. Dapat wala kang malampasan na kahit na ano'ng meal." Oh, God. Bakit ganoon siya kung mag-alala sa sarili ko? For Peter's sake, isa lang akong estranghera sa kaniya. Kilala niya lang ako na nagtatrabaho sa de Luna Café at nabasa niya lang ang pangalan ko sa nameplate na nasa uniporme ko.

Sabagay, may nangyari na nga sa amin at pamilyar na ako sa presensiya niya. Higit na ang mainit niyang katawan. Ilang beses ko namang pinilig ang ulo ko at bumuntong-hininga. Naaalala ko kasi ang gabing ginagawa namin. Nakapang-iinit!

"God, Dalia. Nahihibang ka na talaga!" sermon ko sa sarili ko at nakarinig ako nang pagpindot ng pincode ko sa pintuan kaya mabilis na akong lumabas na bitbit pa rin ang bag ko. "Randell." Nakasuot ng red hoodie si Randell at mukha siyang hindi doctor sa outfit niya. Mukha siyang psycho stalker. Kidding aside.

"Maupo ka," seryosong utos niya. Parang bata kung tratuhin niya ako. Feel na feel ko talaga ang pagiging kuya niya sa akin.

Sumunod naman ako at napanguso pa. May dala rin siyang paperbag at pinatong niya iyon sa center table ko. Kaya kinuha ko iyon para tingnan.

"Bumili ka ng masarap na ulam. Amoy pa lang," nakangiting sabi ko na halos isuksok ko na rin ang ulo ko sa loob ng paperbag para lang singhutan ang amoy nito. Pabiro niya ngang itinulak ang ulo ko na ikinatawa ko.

Umayos na ako mula sa aking pagkakaupo at siya ay nakapuwesto na sa tapat ko. Magkasiklop ang mga kamay niya at seryoso na naman niya akong tinitigan.

"Iyong tanong ko kanina, Dalia. Sagutin mo," wika niya. I nodded.

"Believe me or not ay hindi talaga ako ang nauna. Ang weird mong kaibigan. Nasa de Luna Café kasi siya noong isang araw at iyon ang unang beses na pagkikita namin maliban sa ano namin," nahihiyang pagkuwento ko. Sumenyas siya na tapusin ang pagkukuwento ko. "Tapos, bumili siya ng coffee at may take out pa siyang banana cake. Binayaran niya lang iyon saka siya umalis at nag-iwan ng notes. Teka lang, hahanapin ko pa ang sticky note," sabi ko.

Hinanap ko sa sling bag ko na palagi kong dala. Matagal bago ko ito napapalitan, eh. Hindi naman kasi ako mahilig magpalit-palit ng mga gamit. Nag-iipon ako ng pera kaya sa halip na bumili ako ng bagong gamit ko ay itinatabi ko na lamang iyon.

Nahanap ko naman ito at saka ko iyon inabot sa kaniya. Kumunot pa ang noo niya nang mabasa niya iyon.

"Bakit nasa sa iyo pa 'to at maayos pa ang pagkakatupi mo?" salubong ang kilay na tanong niya. I pouted. Baka kung ano na naman ang iisipin niya.

"Itinago ko kasi ipapabasa ko iyan sa iyo. Bumalik ulit siya sa café at binigyan ako ng bouquet para na naman daw sa peace offering. Nagtataka ako sa mga kinikilos niya. Mukha naman siyang loyal sa asawa niya pero madalas kong nahuhuli ang mga titig niya. Hanggang sa kanina nga ay sumulpot na lang siya bigla sa mall. Binayaran pa niya ang bills ko. Siyempre tumanggi ako at nilibre pa niya ako ng lunch. May take out pa nga. Nababahala rin ako na baka makilala niya ako, Randell," mahabang pahayag ko at tinanguan niya ako.

"Ang weird nga nang mga kinikilos niya pero hindi naman siya ganoon, Dalia. Maski ako ay nagtataka na rin. Nagulat ako nang makita ko siyang hinahatid ka niya. Simula kasi noong nakilala niya si Kallani ay wala na siyang pinagkakaabalahan pa na ibang babae. Focus na siya kay Kalla dahil masyado rin siyang loyal. Imposibleng makilala ka niya pero natatakot din ako na baka matulad ka sa asawa niya. Kahit hindi naman ganyan ang pagsisimula niya na mahibang siya sa isang babae. Kaya sa ngayon. Ililipat na muna kita ng matutuluyan at huwag ka nang pumunta pa sa trabaho mo. Aayusin ko ang resignation letter mo at hahanapan na lang ulit kita ng trabaho. O mas mabuti kung magbakasyon ka na muna sa Pilipinas. What do you think?" suhestiyon niya na agad kong sinang-ayunan.

"Paano iyong ano namin?" tanong ko.

"Ako na ang bahala roon. Huwag mo nang isipin pa iyon. Gusto kitang ingatan, Dalia. Pero ako naman itong nagdadala sa iyo ng panganib," sabi niya na ikinailing ko.

"Marami ka nang naitulong sa akin, Randell. Kaya hayaan na natin. Gusto kong magbakasyon. Tamang-tama na ang pinamili ko para pasalubong nila," nakangiting saad ko at nahawa rin siya.

"Sige. Tutulungan na lamang kita sa pagbalot ng mga iyan," pagpresenta niya.

"Sige ba!" masayang bulalas ko pa.

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon