CHAPTER 14

1.1K 29 0
                                    

Chapter 14: Drunk

TWO days na lang ang natitirang araw bago ako aalis at babalik na rin sa Indonesia para magtrabaho. Nang maibalik ko naman ulit ang ipon ko sa plano ko para sa amin ng mga kapatid ko.

Sa nakalipas na mga araw ay curious din ako na kung sino kaya ang babaeng pinalit ni Randell para lang may makasama si Archi sa kama at hindi ang kaniyang asawa. Pero ayon nga kay Rain ay nasa bansa rin si Randell.

Ano naman kaya ang ginagawa rito ng isang iyon, ano? Paano na si Kallani?

Ngunit sa ngayon ay ayoko munang alalahanin iyon. Aalis ako ngayon para makipagkita sa friend ko, bago pa man siya magtampo.

Spaghetti strap ang suot ko ngayon. Siyempre may cardigan pa rin ako. Walang alam ang pamilya ko sa dati kong trabaho at hindi ko rin dapat sabihin iyon sa mga kapatid ko. Mas mabuting wala na silang nalalaman pa. Ayokong magbago ang tingin nila sa ate nila.

Pagdating ko sa bar ay bumalik lang sa akin ang lahat noong nagtatrabaho pa ako rito. Mabigat man sa loob pero wala akong choice kundi ang subukan na magtrabaho rito.

Ayos na rin siguro ang nakaalis ako sa lugar na ito pero naging private slüt pa rin naman ako ng isang weird na lalaki ng hindi naman siya aware.

Hinanap ko agad si Rain. Maraming customers at maingay sa loob. Dahil iyon sa disco song na may mga mahahalay na sayawan ang nagaganap sa dance floor. Simula nang umalis ako ay hindi na rin ako nasanay sa spotlight. Masakit sa mata ang iba't ibang kulay nito.

Kung hindi ko siya makikita sa second floor ay baka nasa VIP room siya. Pero madalas ay bartender siya. Marunong siyang mag-mix ng wine at isa rin iyon sa natutuhan ko sa kaniya. Kaya siguro iyon din ang gusto kong trabaho noong nag-request ako kay Randell-and speaking of the devil ay nandito nga siya.

Nagtama agad ang mga mata namin at tumango siya. Lalapitan ko na sana siya nang sumenyas siya at doon ko lang napansin ang lalaking katabi niyang nakaupo. Likod lang ang nakikita ko pero kilalang-kilala ko na kung sino. Sa paraan pa lang ng kaniyang pagkakaupo.

Bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko. Si Archimedes ba iyon? Hala, nandito rin pala siya? Ano kaya ang trip nila at nasa Pinas silang dalawa? Himala rin na iniwan ni Archi ang wife niya.

"Dalia!" Napaigtad naman ako sa gulat dahil sa boses ni Rain. Dinamba niya agad ako nang mahigpit na yakap at nasasakal talaga ako.

"G-Grabe naman, Rain! Hindi na ako makahinga pa!" reklamo ko at nang mapatingin ako sa side ni Randell ay nasa amin na pala ang atensyon ng lalaking katabi niya.

Nagsalubong pa ang kilay ni Archimedes at naibaba niya bigla ang wine glass niya. Eh? Nagulat ba siya nang makita niya ako rito? Hindi niya inaasahan?

"Oy si Ran-" Hinila ko na si Rain nang makita niya si Randell. Hindi sila puwedeng magkita at malaman ng lalaking iyon na magkakilala kami ng kaibigan niya. Mamaya niyan ay may malaman pa siyang secret namin.

"Halika, ililibre kita ng drinks," sabi ko at lumayo kami sa dalawang iyon. Inakay ko pa siya paakyat sa third floor at huminto kami sa bar counter. Nag-order agad ako ng drinks namin.

"Si Randell, nasa baba siya!" sigaw niya at tinapik ko lang ang balikat niya.

"Hayaan mo na muna siya. Mayroon yata siyang kasama. Makikisampig ka pa," pabirong saad ko na tinawanan niya lamang.

"Kilala ko ang best friend niya. Si Archimedes iyon, girl," she said. I shrugged my shoulders. No wonder na kilala niya nga si Archimedes. Madalas yata itong magpunta rito.

Si Randell ay umiinom lang talaga siya. Hindi siya nakikipaglaro sa mga babae. Ewan ko lang sa kaibigan niya na mukhang loyal sa asawa pero makulit din kung minsan.

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon