CHAPTER 8

1.1K 29 0
                                    

Chapter 8: A lunch with him.

DINALA niya nga ako sa expensive restaurant at siya ang um-order sa food namin. Walang imik lang ako kumain nang mai-serve na ang pagkain. Pero siya, hindi ako sure kung ginagalaw niya ba ang sa kaniya kasi nakatitig na naman siya sa 'kin.

"Stop looking at me like that," walang emosyon na sabi ko.

"Can I ask you something, Dalia?" he asked.

Pinasadahan ko pa nang tingin ang kabuuan ng resto. Maraming customer na sa pananamit pa lang ay halatang mayaman na. Social kasi ang aura nila. Maganda naman ang ambiance, may soft music pa. Feel na feel mo talaga siya. I took a deep breath bago ko ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Nagtatanong ka na," pambabara ko. He cleared his throat pero humalakhak siya, mabilis nga lang.

"So, sa de Luna Café ka nagtatrabaho? Why here sa Indonesia? Or you stay here for good? Do you have a family already, Dalia?" Ang dami niyang tanong, ha? Saka personal matters na iyon.

Napatitig ako nang diretso sa mga mata niya. Malamig iyon at wala naman akong nababasa na kahit na ano'ng emosyon. Napakaseryoso niya talaga.

"To answer your question, yes. Nagtatrabaho ako sa café, as you can see naman but no. Sa tanong mo naman kung nag-stay ako here for good. Nandito lang ako because of my work. Umuuwi pa rin ako sa Pilipinas dahil nandoon ang pamilya ko," paliwanag ko sa kaniya. Napatango siya.

"Family? Your own family?" he asked. Curious na curious siya, alam ko kahit parang wala siyang pakialam sa malalaman niya. Ewan ko lang talaga sa kaniya kung bakit niya ako tinatanong.

"Yeah, family," sagot ko and I know na hindi siya satisfied dahil bahagyang tumaas ang kilay niya. Nagpatuloy ako sa pagkain ko. Naramdaman ko pa ang pagtitig niya sa akin saglit. "Kumain ka na. May kailangan pa akong asikasuhin," sambit ko.

Nakaiilang na kasi kung panonoorin pa niya ako nang ganyan. Hindi man lang nagsasawa na tingnan ako kahit wala namang kainteres-interes.

"What is it? Puwede akong tumulong?" Tumalima ako at bumuntong-hininga.

"Nope," umiiling na sagot ko. He took a deep breath. Kahit kumakain na siya ay hindi niya pinutol ang panonood sa side ko.

Hanggang sa natapos ang pagkain namin at akala ko ay uuwi na rin kami pero hindi pa pala. Nag-serve pa ang waiter ng dessert namin kahit hindi na kailangan. Nabusog na kaya ako pero kailangan kong kumain kahit kaunti lang. Sayang naman kasi kung hindi ko gagalawin ang dessert.

After that ay lumabas na kami pareho pero may humabol na isang waiter at ibinigay ang dala nito na paperbag kay Archimedes. Ako naman ay balewalang tumingin lang sa lalaki.

"Thank you," pasasalamat ni Archi sa waiter at nag-abot pa siya ng tips dito.

"Thank you, so much, Sir," sabi naman ng waiter at yumuko siya. Saka tumalikod na. Inabot naman niya sa akin ang paperbag at hindi ko ito agad kinuha.

"Para saan naman 'yan?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Take it. This is for your dinner. Initin mo lang mamaya," sabi niya at napatitig pa ako mga mata niya. Naiinis ako dahil wala talaga akong nababasa roon.

"Sa dami ng kinain ko kanina kasama na ang dessert ay parang hindi ko na rin kailangan pang kumain ng dinner. I'm full and thank you for the treat. Pero hindi ko na iyan matatanggap pa," pagtanggi ko at kumiling ang ulo niya.

Humakbang pa siya palapit kaya umatras naman ako. Hinawakan niya ang braso ko na ikinagulat ko pa. May nararamdaman kasi ako na boltahe ng kuryente na nagmumula sa mga kamay niya. Iyon na marahil ang tinatawag ng mga kabataan ngayon na sparks, right? I sighed.

"Take it, please. Kumain ka sa dinner time. Iba naman ang kinain mo kanina. Dapat wala kang malampasan na kahit na ano'ng meal," seryosong sabi niya at doon ako nakukuha ng lalaking ito.

Ibang-iba talaga ang ugali niya pagdating sa 'kin. Hindi ako natutuwa sa totoo lang, dahil sa mabilis na pintig ng puso ko. I don't like this feelings. Ayokong mahulog sa lalaking katulad niya. Na kung mabibigyan siya ng chance ng asawa niya ay hindi pa rin kami puwede.

"Okay. Thanks for this and sana, ito na rin ang panghuli mong treat," wika ko. Hindi siya nagsalita, ni hi tumango kaya I consider na nag-agree na siya. "Hindi mo na ako kailangan pang ihatid. Puwede akong sumakay ng taxi patungo sa pad ko," sabi ko pero doon lang siya nag-react.

"I'll take you home. At least alam ko na safe kang makauuwi," sambit niya. Muli akong napahinga nang malalim sa kakulitan niya.

"Bahala ka na nga. Napakakulit mo talaga," naiiling na komento ko. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at saka niya binuksan ang pintuan ng sasakyan niya.

Sumakay naman ako at nahuli ko pa ang isang kamay niyang nasa itaas na tila ba'y mauuntog ako roon kaya may proteksyon agad ang ulo ko. Umikot na siya sa kabila para magmaneho na.

Sa kalagitnaan nga nang biyahe ay tumunog ang phone niya. May tumatawag sa kaniya pero nang lingunin ko siya ay parang wala siyang balak na sagutin iyon. Napansin niya nga ako.

"Hindi naman importante," agad na sabi niya na parang alam na niya ang itatanong in case lang na magsasalita ako.

"Sagutin mo. Baka ang asawa mo iyan," pamimilit ko subalit umiling lang siya.

"Hayaan mo na," usal niya lamang. Hindi ko na nga siya pinilit pa. Bahala siya sa buhay niya. May katigasan nga ang ulo niya.

Nagtanong pa siya kung saan ako tumutuloy. Sinabi ko naman agad kaya ilang minuto lang ay nakarating na agad kami sa condominium. Balak pa niya na hanggang sa unit ko kasi marami akong pinamili. Sinabi kong sa lobby na lamang ilapag ang mga paperbag.

Magpapatulong na lamang ako kay Randell mamaya but of course, hindi mismo ang kaibigan ko ang magbubuhat ng mga iyan. May uutusan din naman siya.

"Thank you, mag-ingat ka," sabi ko. Saglit pa niya ako tinitigan sa mukha ko bago siya tumalikod. Tinanaw ko lang ang papalayo niyang likuran.

Sana lang ay ito na ang huli nating pagkikita, Archi. Hindi tayo puwedeng magsama nang matagal.

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon