Chapter 5: Pangalawang gabi
SPG
ISA lang ang nabuo sa utak ko. Ang weird talaga ng lalaking iyon. Mukha siyang loyal sa asawa niya pero pagdating sa akin ay parang nahihiya pa siyang makipag-usap kahit o-order lang siya ng kape. Hindi naman ako mangangain ng tao.
Alam kong gulo lang ang mangyayari na pumayag ako sa offer ni Randell. Kapag nalaman ng taong ito na ako pala ang kasama niya sa kama at hindi ang asawa niya ay baka mapatay pa niya ako nang wala sa oras. Pero hindi naman kasi maganda ang pinili niyang kapalaran niya. Hindi siya mahal ng asawa niya dahil sa simula pa lang ay may pamilya na ang babae.
Ang sabi ng kaibigan kong si Randell ay wala naman daw itong sakit pero sa opinyon ko ay may saltik siya sa utak. He looks matinong tao naman siya. Dahil iyon sa maamo niyang mukha. Hindi naman mapagkakaila na guwapo siya at malakas ang sèx appeal.
Ngunit dahil para din ito sa mga kapatid ko ay pumayag na lamang ako at utang na loob ko rin ito kay Randell.
"Bakit umalis, Dalia?" pag-usisang tanong ni Thai sa akin. Nagkibit-balikat lang ako. Ano'ng malay ko sa weird na lalaking iyon?
"Nagulat yata siya dahil nagsalita ako ng Tagalog," naiiling na sagot ko lamang at nanlaki ang mga mata niya.
"Siguro sinadya niya ring isulat iyon sa lengguwahe natin para hindi mo maintindihan, dear! Gosh! May crush yata sa 'yo ang tao, Dalia. Pero kasi may wife na siya. Pogi pa naman. Masyado ka ring maganda para maging kabit niya lang. Sayang lang ang ganda mo kapag pumatol ka sa lalaking may asawa na," mahabang saad niya at natigilan naman ako.
Kabit. Baka nga ay iyon na rin ang tawag sa 'kin. Isa na akong kabit dahil may nangyari na sa amin ni Archimedes. Sa hindi malaman na dahilan ay nakaramdam ako nang kirot sa dibdib.
Ang trabaho ko dati ay isang makasalanan na, ang magbenta ng katawan pero ngayon. Naging kabit ako at hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito. Na kung may pagbabago pa ba itong nakatadhana sa akin o kung may tatanggap pa sa isang katulad ko? Marahil ay wala na.
"Magtrabaho na lamang tayo, Thai. Marami na tayong customer, oh," ani ko at isa-isa kong itinuro ang customer namin.
Naging abala na nga kami at dumami ang customer namin ngayon. Kaya nang kaunti na lamang sila ay nakapag-rest naman na kami.
'Saktong pagbukas ko ng cellphone ko ay may na-received akong text message mula kay Randell. Bayolenteng napalunok ako. Hayon na naman ang trabaho ko sa gabi.
Maaga akong nag-off sa café at sumakay lang ako ng taxi patungo sa condominium ni Randell. Hindi iyon ang condo na tinutuluyan ko. Siya mismo ang maghahatid sa akin patungo sa mansyon nito. Pagdating sa mansyon ay lumakas na naman ang kabog sa dibdib ko.
"Kalla, siya si Dalia." Umawang ang labi ko sa gulat nang makita ko ang mukha ng babae.
Kaya naman pala patay na patay sa kaniya ang asawa niya dahil sobrang ganda pala niya. Singkit ang mga mata niya at matangos naman ang ilong.
"Dalia," sambit niya sa pangalan ko. Ang ganda rin ng boses niya at malambing. "Pasensiya ka na, Dalia."
Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya. "Huwag mo nang sabihin iyon. Naiintidihan ko ang sitwasyon mo," sabi ko at may tumulo pang luha niya.
"Honestly speaking, ayokong manggamit ng ibang tao pero kasi. . . Ito lang din ang paraan para hindi ako tuluyang makuha ni Archimedes. Isang lalaki lang ang pinangakuan ko na aangkin sa akin. Iyon ang lalaking mahal ko lang, Dalia," emosyonal na sabi niya. Nakaramdam pa rin ako nang kirot at para din sa lalaking iyon.
Nagmahal siya sa isang babae na pagmamay-ari ng iba at hindi nito kayang tugunan ang pagmamahal niya. I feel sorry for Archimedes.
Dinala ako ni Randell sa kuwarto ng mag-asawa. Isinuot ko lang ang night gown ni Kalla. Walang ilaw sa loob na tanging ang nakabukas lang ay ang lampshade.
Pinili kong lumapit sa vanity table at doon ako umupo. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at nakarinig ako nang pagbukas ng pinto.
"Sweetheart. . ." Nanindig na naman ang balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang malalim at malamig niyang tinig.
Naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko at nangangatog agad ang mga binti ko nang hawakan niya ako sa balikat. Tumayo ako at hinarap siya.
Hinapit niya agad ako sa baywang at napahawak ako sa braso niya. Sinunggaban niya agad ako nang mariin na halik at pinihid niya ako sa malamig na pader. Napadaing ako kasabay nang paghawak niya sa binti ko at inilagay niya iyon sa baywang niya.
Hinalikan ko rin siya pabalik at nalulunod na naman ako sa kamunduhan na ginagawa namin.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko nagugustuhan ang nangyayari sa pagitan namin. Na kung bakit wala lang sa 'kin ang halikan, hawakan at angkinin ang katawan ko. Isa pa na nag-e-enjoy ako pero pakiramdam ko ay sinasamba niya rin ako.
"I want you under water, sweetheart," bulong niya sa tainga ko at napapikit ako nang kagatin niya ang punong tainga ko.
Tumango ako. Hindi naman mawawala ang bisa ng gamot kahit mabasa pa siya ng tubig. Pinangko niya ako at dinala sa banyo.
Bumukas agad ang shower sa itaas kasabay nang pagpunit niya sa suot kong night gown. Kahit nasa ilalim pa kami ng tubig ay nararamdaman ko na ang pagkabuhay ng sistema ko at may kiliti sa pagkababae ko.
"Uhm. . ." ungol ko nang hinalikan niya ang mayayaman kong dibdib. Wala na siyang suot sa pang-itaas na tanging ang pants na lamang niya.
Kahit ako ay wala na ring underwear kaya malaya na niyang nahahalikan ang katawan ko.
"You smell so good, sweetheart," he whispered at pinanggigilan niya ang leeg ko.
"Take off your pants, Archi and take me please," bulong ko rin sa tainga niya at nanigas pa ang katawan niya. Humigpit ang hawak niya sa baywang ko hanggang sa ibaba niya iyon at mariin na pinisil ang pang-upo ko.
Napaungol ako kaya siniil na naman niya ako nang malalim na halik. Ibinaba na muna niya ako at namumungay ang mga mata kong tinitigan ko ang guwapo niyang mukha. Nag-aapoy iyon ng kakaibang emosyon. Hinubad na nga niya ang pantalon niya at napaliyad naman ako nang sinadya niyang idiin ang alaga niya sa puson ko kasabay nang paghimas niya sa kaliwang dibdib ko.
Yumakap ako sa leeg niya at binuhat niya ulit ako. Nang idiniin na naman niya ako sa pader ay naramdaman ko ang pagpasok niya sa loob ko. Nakagat ko ang balikat niya dahil sa sarap ng sensasyon sa kaibuturan ko.
"Wish granted, sweetheart," he uttered at nagsimula na siyang gumalaw. Sa una ay mabagal lang ang pag-ulos niya at napapahalinghing ako pero mayamaya lang ay binilisan na niya ang paglabas-masok ng kahabaan niya sa loob ko.
Balewala na rin ang sakit sa likod ko dahil iyon sa sensasyon na ibinibigay niya sa akin.
"Ohhh, Archi! Shít! Ohhh!" malakas na ungol ko at ang mga hita ko na lamang ang hinawakan niya kaya humigpit din ang hawak ko sa leeg niya.
Pero hindi yata siya satisfy sa pagkakabukaka ng mga hita ko. Isinukbit niya ang mga braso niya sa ilalim nito at nasa baywang ko na ang kamay niya. Mahigpit ang hawak at pinipirmi niya ako sa pader.
Napuno nang ungol at daing ang banyo. Maririnig pa rin ang tunog ng pag-iisa ng aming katawan at ang pagpatak ng tubig.
Bayolenteng nagtaas-baba ang aking dibdib hanggang sa labasan ako pero hindi siya tumigil sa pagbayo sa pagkababae ko. Nakahihibang ang sarap at tila hahanap-hanapin ko pa.
BINABASA MO ANG
Passionate Embrace (COMPLETED)
RomanceIsa si Dalia sa kumapit sa patalim. Upang mabuhay ang kaniyang mga kapatid ay kailangan niyang isakripisyo ang kasiyahan niya. Kakambal niya man ang malas ay isang lalaki ang nagbigay sa kaniya ng kalayaan. Bilang pagtanaw ng utang na loob kay Rande...