CHAPTER 2

1.5K 35 0
                                    

Chapter 2: Unang pagpanggap

NAGTATAKA ang mga kapatid ko kung bakit daw ako umiiyak at parang ilang taon kaming nagkahiwalay kung makayakap daw ako at ilang beses ko silang hinalikan sa noo nila. Sobra-sobra ang kasiyahan ko dahil hindi sila kasama sa trahedya bagamat nawalan pa rin kami ng mga magulang.

Basta ang importante sa akin ay kasama ko pa rin sila. Na matutuloy pa rin ang pangarap ko para sa kanila. Gusto kong bigyan ng magandang kinabukasan sina Daryl at Darlene. Dahil ako na ang tumatayong mga magulang nila.

Noong makabalik kami ay hindi ko binitawan ang mga kamay nila dahil sa takot ko na mawala sila.

Walang natira sa amin na mga gamit. Mabuti na lamang ay may nag-donate pa rin na mga politika sa amin. Maraming biktima sa sunog at kahit doon nagsimula sa bahay namin ay wala akong narinig na kami ang sinisisi.

Kahit piso ay wala kaming ginastos para sa libing ng mga magulang namin at ganoon din sa iba.

Tatlong araw ang nakalipas at nailibing na namin sila nang maayos. Nakatulog na agad si Daryl kaya binuhat ko na siya. Hawak ko sa isang kamay si Darlene na bitbit niya rin ang supot na naglalaman ng mga candies at iba pang makakain nila.

Sa totoo lang dapat problemahin ko na ang bahay na matutuluyan namin pero hindi ko pa iyon naiisip.

Dumating ang nag-iisang kapatid ni tatay na si Tita Araneta Magsaya. May tatlong anak siya at ang panganay niya ay mas matanda ako ng tatlong taon pero seryoso talaga si Rouge at tahimik din siya. Hindi mo mawari kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"Sa amin na kayo titira," sabi niya. Baka nasabi niya lang iyon dahil kasama namin si Kapitana. Sa ngayon ay kailangan na muna naming tumira sa poder ni tita at iyon na nga ang nangyari.

Hindi lang naging madali sa amin ang lahat at kailangan kong maghanap ng trabaho. Pero nahirapan nga ako lalo na nagkasakit ng dengue si Ryry at kailangan siyang i-admit sa hospital at kumapit na nga ako sa patalim. Naging prostitute ako dahil wala akong choice.

"Isang milyon, fresh and virgin," iyon ang sabi ng bading naming manager.

Sinuri pa nila ako kung wala akong sakit lalo na ang AIDS. Pikit-mata akong pumirma ng kontrata dahil nasa kalahating milyon ang makukuha ko. Sapat na iyon para sa operasyon ni Ryry at sa iilan na mga gamot.

Arch. Ito ang pangalan na nasa sobre. Ang taong kumuha mismo nang pagkabirhin ko. Umiyak ako noong una dahil nawala na sa akin ang isang pinakaimportanteng bagay na iniingatan ko. Hanggang sa sunod-sunod na nga ang problemang dumating sa buhay ko.

Walang katapusang pagsubok ang ibinigay sa 'kin ng tadhana. Gayunpaman ay hindi ako susuko. Hindi ako basta-bastang susuko hangga't alam kong may dalawang taong pinakamamahal ko ang umaasa sa ate nila. Hindi ito ang dahilan para panghinaan ako nang loob.

Lalabanan ko pa rin ang mga problema at kahit ano'ng klaseng pagsubok pa ang darating sa buhay ko ay taas-noo kong haharapin iyon. Dahil naniniwala ako na ang lahat ng pinaghirapan ko ay may naghihintay pa rin na magandang resulta.

Kung dati ay hindi ko pa kaya ang ganoong klaseng trabaho ay nasanay na ako. Isangp taon pa lamang na ganoon ang trabaho ko nang may isang lalaki ang lumapit sa akin.

Nag-offer siya ng isang kakaibang trabaho. Balak niyang bilhin ako mula sa pinagtatrabahuhan kong clubhouse at kapalit na magpapanggap akong ibang tao para lang makasiping ang isang lalaki. Hindi naman talaga ako palatanong basta pera ang pinag-uusapan pero na-curious ako kung bakit naghahanap siya ng ibang babae para lang makasama sa isang gabi ang lalaki kung may asawa na rin ito.

"Complicated," iyon lang ang katagang lumabas mula sa bibig niya at nang makilala ko si Kallani Soleil ay unti-unti kong nalaman ang dahilan.

Napipilitan lamang siyang pakisamahan ang asawa niya dahil may iba siyang pamilya. Nanahimik ako sa katotohanan na dinukot lamang siya.

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon