Chapter 20: New beginning
SA KABILA nang pasakit na ibinigay sa 'kin ng lalaking mahal ko, sa sinabi niyang hindi niya ako mahal at hindi niya ako matatanggap sa buhay niya ay naging masaya pa rin ako.
Dahil nakasama ko na ulit ang nakababata kong mga kapatid na sina Darlene at Daryl. Matagal ko na dapat silang kinuha mula sa tiyahin ko pero nahihiya lang ako na ipatuloy sila sa bahay ni Archimedes.
Sinundo pa nina Kalla at Engineer Miko ang mga kapatid ko. Ayos na rin daw kay Zavein na tumuloy ang mga ito kasama namin. Ginawa nila ito para sa akin kasi alam nilang nasaktan ako sa ginawa ni Archimedes at hindi raw ako titigil sa pag-iyak kapag wala akong ibang bagay na pagkakaabalahan.
Ngunit naniniwala pa rin ako na magbabago pa rin ang isip niya at magagawa niya rin akong tanggapin kahit na hindi ko na makuha pa ang puso niya. Basta iyong kasama ko lang siya ay sapat na iyon. Hindi naman ako naghahangad pa na masuklian niya ang pagmamahal ko. Basta buo ang pamilya namin.
"Thank you, Kalla. Miss na miss ko na talaga sila. Dalawang taon din kaming hindi nagkita," sambit ko at may mga luha pang tumulo sa aking pisngi. Ramdam na ramdam ko ang pananabik ko sa kanila.
"No worries, Dalia. Kung alam lang namin na may mga kapatid ka pa pala ay sana maaga pa lang ay nasundo na namin sila. Hindi yata maganda ang trato nila sa mga kapatid mo at ang pinsan mong lalaki. Kakaiba ang ugali niyon," ani ni Jean. Nagsalubong pa ang manipis niyang kilay.
Napatango ako dahil totoo iyon. Masyadong seryoso si Rough at tahimik lang talaga iyon. Pero matino naman ang isip ng lalaking iyon at masyadong strict sa mga kapatid niya. Hindi na ako magtataka pa na kung ganoon din siya sa nakababata niyang mga pinsan.
"Nahihiya lang ako sa kanila," sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil iyon.
"Sa ngayon ay huwag mo na munang alalahanin si Archimedes. Hayaan mo muna siya, Dalia. Focus ka muna sa baby mo. Dinala namin ang mga kapatid mo para makalimutan mo pansamantala ang problema niyo ni Archi. Alam kong na-miss mo rin ang mga kapatid mo at maging sila ay ganoon din. Dalia, hindi niya makukuha ang baby niyo. Hindi namin siya hahayaan. Just trust me, okay?" I just nodded.
Hindi ko magawang magalit kay Kalla o Jean, kahit selos ay wala akong nararamdaman. Kahit na siya pa rin ang tinitibok ng puso ni Archi. Nagpapasalamat pa nga ako dahil kay Jean ay may baby na ako kahit wala sa plano ko ang pagbubuntis. Oo, muntik na naman niyang isakripisyo ang sarili niya alang-alang sa amin ng magiging anak ko.
Maski siya ay nahirapan din sa poder ni Archi. Mabuting tao siya pero nagawa siyang ilayo nito sa pamilya niyang nagmamahal din sa kanya. Jean deserve to be happy.
Ilang beses pa akong nagpasalamat sa kanila saka sila nagpaalam na uuwi na rin. Inasikaso na ni Randell ang bills ko sa hospital at ang discharge ko. Hindi naman daw ako magtatagal dito ngunit may paalala ang doctor ko. Iwasan ko raw ang mag-overthink dahil isa iyon sa nag-cause sa 'kin ng stress.
Sabay-sabay na rin kaming umuwi sa aming mansion. Siyempre hindi naman dito nakatira si Randell kaya pagkatapos niya kaming ihatid ay nagpaalam na rin siya.
Namamangha pa ang mga kapatid ko nang makita nila ang malaking bahay. Nangingilid na agad ang mga luha ko. Dahil ito ang unang beses na makakita sila ng mansion.
"Simula ngayon ay titira na kayong dalawa sa bahay na ito. Hindi ito house ko, okay? Bahay ito sana ng daddy ng baby ng ate niyo at sa kanya rin. May three spare room. Ang kailangan lang natin ay kayo ang pipili tapos saka natin ayusin ang interior ng room ninyo. O, let's go?" Naglahad ng kamay si Zavein sa bunso kong kapatid at hindi naman ito nag-alinlangan. Humawak sa kamay niya at nauna na silang naglakad.
BINABASA MO ANG
Passionate Embrace (COMPLETED)
RomanceIsa si Dalia sa kumapit sa patalim. Upang mabuhay ang kaniyang mga kapatid ay kailangan niyang isakripisyo ang kasiyahan niya. Kakambal niya man ang malas ay isang lalaki ang nagbigay sa kaniya ng kalayaan. Bilang pagtanaw ng utang na loob kay Rande...