CHAPTER 22

1.8K 35 2
                                    

Chapter 22: Happy ending

NAPANGITI na lamang habang pinapanood ko sa malayo ang mga taong mahal ko na masayang naglalaro sila sa may pool area. Pagkatapos nilang kumain ng breakfast ay diretso agad sila rito.

Si Archimedes nga ang nagluto ng agahan namin. Nagising na lamang ako na mag-isa na ako sa kama at nadatnan ko silang nasa kusina na. Kasalukuyan siyang nagluluto at ang audience niya ay ang mga bata.

Ang mahal kong mga kapatid ay magaan agad ang loob nila sa daddy ni Mira. Pati nga ang anak ko. Sinulyapan naman ako ni Archi  dahil napansin niya agad ako at iniwan niya si Mira sa Tita Len nito. Naglakad naman siya palapit sa akin at agad na naglahad ng kamay.

Tiningnan ko pa iyon bago ko tinanggap ang kaniyang kamay. Malakas ang paghila niya dahilan na napasubsob ako sa hubad at matigas niyang dibdib. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa pisngi ko at ang isang kamay niyang nasa likod ng ulo ko.

“Bakit hindi ka lumapit?” mahinang tanong niya. Umiling lang ako dahil wala naman akong sasabihin.

Humalik pa ulit siya sa pisngi ko at hinapit ako sa baywang saka niya ako iginiya palapit doon.

“Mommy!” sigaw ni Mira nang makita ako. Ngumiti lamang ako sa kaniya.

“Ate! ’Ligo ka!” Inilingan ko lang ang pag-aaya ni Daryl.

“'My! ’Igo ka!” bulol-bulol na sigaw ni Mira. Tinawanan na lamang namin siya.

Naramdaman ko naman ang marahan na pagtulak ni Archimedes sa akin palapit sa pool side. Humawak ako sa braso niya.

“Malamig, ayoko pang maligo, Archi,” sabi ko. Bibitaw na rin sana ako nang niyakap niya ako sa baywang at binuhat. Bago pa man ako makapagprotesta ay tumalon na siya sa tubig.

Mariin pa akong napapikit at dahil nagulat nga ako ay nakainom pa ako ng tubig. Gayunpaman ay hindi niya ako binitawan. Nang iahon niya ako ay sunod-sunod ang pag-ubo ko. Hinagod niya agad ang likuran ko. Nanikip pa ang dibdib ko.

“Are you okay, love?” mahinang tanong niya. Umiling ako.

“Naninikip ang dibdib ko,” sagot ko at gumuhit agad ang pag-aalala sa mukha niya.

Nagsisi agad siya sa ginawa niya. Hinaplos pa niya ang kaliwang braso ko dahil nanayo ang balahibo ko.

“Dalia,” tawag niya at ngumiti lamang ako sa kaniya.

“Okay lang ako,” sabi ko. Sinapo pa niya ang pisngi ko at nabigla naman ako nang halikan niya ang mga labi ko. Tinulak ko agad siya sa dibdib. Napaka-PDA niya.

“May mga bata, Archi,” sita ko. Kinagat pa niya ang labi ko kaya kinurot ko na siya sa tagiliran niya.

“Hindi naman sila nakatingin sa atin. Busy sina Ryry at Len sa pamangkin nila. Busy rin naman si Mira,” pagdadahilan pa niya. Nang sinamaan ko siya nang tingin ay roon niya lang ako binitawan. Binuhat pa niya ako para lang din iupo sa pool side na malapit sa mga bata.

Agad na kumandong sa akin si Mira at niyakap ko naman siya saka ko hinalikan ang tuktok ng ulo niya. Si Daryl naman ay lumapit na rin. Ginulo ko ang buhok niya at sumandal siya sa tagiliran ko. Si Darlene ay lumangoy-langoy pa siya tapos kumapit sa binti ko. Hindi ko na rin namalayan na pinapanood na pala kami ni Archi.

Nginitian ko siya at kitang-kita sa mga mata niya ang mga emosyon na hindi ko akalain na makikita ko pa.

“You really love your siblings, love,” he said.

“Ako rin po, Kuya! Love ko rin po ang ate ko!” masayang sigaw ni Daryl na may pagmamalaki pa. Natawa naman ako.

We spend our time sa pool at umalis lang kami nang gininaw na ang baby namin. Kahit na wala pa siyang balak na umalis.

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon