CHAPTER 11

1.1K 30 0
                                    

Chapter 11: Bonding

TUWANG-TUWA ang pamilya ko sa mga pasalubong na dala-dala ko mula sa Indonesia. Dinagdagan kasi iyon ni Randell at siya pa ang nagbayad. Pati na ang plane ticket ko. Nag-abot na rin ako ng sampung libong piso kay Tita Araneta. Napaismid pa nga siya dahil maliit lang daw iyon kompara sa mga pinapadala kong pera sa kanila.

Ang kalahati kasi ay ibinigay ko kay Darlene. Sinabi kong itago niya iyon nang maayos. Para kung magugutom sila ni Ryry ay may pambili sila ng makakain sa labas.

Hindi iyon tig-isang libo o 500. Sinadya ko talagang ibigay sa kaniya na barya lang.

Inaya kong lumabas para maligo ang dalawa kong kapatid. Kasi iba ang amoy nila na halatang hindi naliligo.

"Kumusta, Len? Hindi ba sakit ng ulo sa iyo si Ryry?" tanong ko kay Darlene. Nakaupo na siya at tapos ko na rin siyang pinaliguan. Nakatapis na nga rin siya ng tuwalya.

"Ate, hindi naman po ako sakit ng ulo, ah!" depensa ng bunso namin. Pinisil ko lang ang tungki ng ilong niya.

"Siyempre sasabihin mo iyan sa akin. Alangan naman na ipagkakanulo mo ang sarili mo?" nakataas ang kilay na tanong ko at nilagyan ko ng shampoo ang kaniyang buhok. Pansin ko na bagong gupit pa lamang siya. "Kailan ka nagpagupit, Ryry?" tanong ko sa kaniya.

Si Darlene ang sumagot, "Kahapon lang, ate. Isinama siya sa barber shop ni Kuya Rouge pagkatapos po siyang utusan na bumili ng pandesal pero inuubos niya lang po sa daan. Supot na nga lang po ang naiuuwi niya."

"Hala, eh 'di pinapagalitan ka ng Kuya Rouge mo, Ryry? Bakit mo naman inuubos ang tinapay?" nagtatakang tanong ko at binuhusan ko na muna siya ng tubig. Ilang beses niyang pinunasan ang mukha niya.

"Ang sabi po kasi niya, bumili ako ng tinapay tapos kainin ko raw at huwag akong magtira. Halos araw-araw po iyon kapag pinapagalitan ako ni tita na kumain ng tinapay roon sa mesa. Isa lang po iyon pero ang damot po ni tita, ate eh. Ayaw niya akong pakainin. Ang dami-dami naman," pagsusumbong niya para matigilan ako at humarap sa kapatid kong babae.

"Ganito po kasi iyon, ate. Tapos na po talaga kaming kumain pero si Ryry po ay umiisa pa ng tinapay. Iyong parte ko po ay ibinibigay ko na nga sa kaniya para hindi na siya mangupit sa mesa pero ang tigas po ng ulo ni Ryry, ate," paliwanag naman ni Darlene.

"Bakit tinapay ang kinakain ninyo?" nagtatakang tanong ko.

"Sa agahan po iyon, ate. Kumakain naman po kami ng kanin at saka gulay. Tapos po palagi siyang inuutusan ni Kuya Rouge."

Nilingon ko naman si Ryry. "Ayos lang po iyon, ate! Busog po ako palagi kapag inuutusan ako ni Kuya Rouge! Minsan po ay may inaabot siya sa akin na tinapay na may palaman sa loob! Ang sarap po parang manok at itlog ang lasa!" masayang pahayag pa niya.

Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti sa kaniya. "Burger iyon, Ryry," sabi naman ni Darlene. Natawa na lamang ako.

"Gusto mo bang kumain ng ganoon, Ryry?" tanong ko at sunod-sunod naman ang pagtango niya.

"Gusto ko po, ate!" masayang bulalas pa niya.

"Ikaw, Len?" tanong ko naman kay Darlene.

"Ay gusto ko rin po, ate," nakangiting sambit niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at matamis ko silang nginitian.

"Magpapaalam tayo kay tita ngayon. Tapos lalabas tayo," sabi ko at tumango-tango na sila. Si Ryry naman ay napapalakpak pa.

***

Yellow dress ang suot ni Darlene at kasyang-kasya iyon sa maliit niyang katawan. Sandal naman ang panyapak niya. Nakatirintas ang buhok niya at may headband din siya. May maliit na bag din siya at nang tiningnan ko ang laman ay maliit na salamin, cologne at pulbos ang nasa loob. May pera siyang isang daan.
Kinuha ko ang puting panyo ay isinilid ko iyon sa bag niya.

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon