CHAPTER 12

1.1K 26 0
                                    

Chapter 12: New home

NAGLARO ulit silang dalawa at pagkatapos ay saka lang kami kumain ng lunch namin. May pizza kami, burger, fried chicken, rice and spaghetti. Sa aming tatlo ay si Ryry ang masaganang kumain.

Habang tinitingnan ko silang dalawa ay parang gusto ko na lamang silang isama sa Indonesia pero nag-aalangan ako kasi alam kong si Randell na naman ang gagawa ng paraan para sa mga kapatid ko. Ayokong abusuhin ang kabaitan niya.

May ipon na ako para makabili kami ng lupa rito sa Manila at kung may sapat na rin akong pera ay saka ko iisipin na magnegosyo. Para naman wala na kaming poproblemahin pa at kayang-kaya ko na rin silang pag-aralin.

Ayoko na rin kasing umalis ng bansa. Mas gusto kong alagaan na lamang sila at subaybayan ang paglaki nila. Hindi pa nga ako makapaniwala na nagawa namin ang maghiwalay ng dalawang taon. Na kung dati ay may trauma talaga ako kapag hindi ko sila nakikita agad. Nag-aaral naman na sila ngayon.

3PM na nang mapagdesisyunan kong umuwi na rin. Isnag oras pa ang itatagal namin sa biyahe at makararating kami sa bahay ay baka nasa 5PM na. Ayoko rin naman na pagalitan kami ni Tita Araneta.

Malaking plastic bag ang dala ko at iba naman ang dala ni Darlene. Para naman iyon sa kanila. Pag-uwi nga namin sa bahay ay nakatulog agad ang dalawang bata. Pagod na pagod sila sa pamamasyal namin. Ako na nga lang ang nagpalit sa kanila ng pantulog at pinunasan ko na lamang sila ng maligamgam na tubig. Pinagpapawisan din kasi sila.

ISANG linggo pa ang nakalipas at pakiramdam ko ay napakabilis nang panahon. Bakit kaya ganoon? Kapag kasama mo ang mga mahal mo sa buhay ay ang bilis lumipas ng oras. Tapos kapag nasa malayo ka naman ay sobrang tagal naman matapos ang isang araw.

Kaya siguro sabi nila, kapag kasama mo ang pamilya mo ay i-enjoy mo at maging masaya ka na lamang.

Isang araw ay dumalaw kami sa puntod ng mga magulang namin. Dalawang oras yata ang itinagal namin doon na parang nakikipagkuwentuhan din kami kina nanay at tatay. Hindi na masakit para sa 'kin ang pagkawala nila, kasi alam kong nasa maayos na rin ang kalagayan nila. Si nanay na hindi na rin makararamdam pa nang kahit na ano'ng sakit.

Na isa pa, kasama ko ang mga kapatid ko. Kahit mahirap lang ang buhay ay basta magkasama kami at hindi pa rin nila ako iniwan.

Pagdating namin sa bahay ay nakita ko na may truck sa labas at maraming mga kalalakihan ang nagbubuhat ng mga gamit. Nagtaka naman ako dahil mukhang lilipat kami ng bahay nang hindi ko alam?

"Tita? Lilipat po ba tayo ng bahay?" agad na tanong ko pagkakita ko pa lamang sa tita ko. Suot niya ang dress na binili ko.

"Nakauwi na pala kayo! Oo, lilipat tayo ng bahay. Huwag ka na ring mag-abala pa dahil naimpake ko na ang mga gamit ninyo. Nauna pa ngang binuhat sa truck," sabi niya at naguguluhan pa rin ako.

Si Rouge ang nilapitan ko na walang ekspresyon ang mukha na mukhang masama na naman ang mood niya.

Hawak ko pa rin sa kamay si Ryry. "Bakit tayo lilipat ng bahay, Rouge?" tanong ko sa kaniya. Tinapunan niya ako ng malamig na tingin.

"Bakit ba ang burara mo?" malamig niyang tanong. Nagulat ako. May ginawa ba akong hindi niya nagustuhan?

"Ano? Ano naman ang pinagsasabi mo, Rouge?" nalilitong tanong ko pa rin.

"Bakit basta-basta ka na lang nag-iiwan ng pera mo sa silid mo at may note pa na bibili ka ng bahay?" tanong niya at nang makuha ko ang ibig niyang sabihin ay nabitawan ko ang kamay ng kapatid ko.

Patakbong pumasok ako sa bahay ni tita upang magtungo sa aming silid. Hinanap ko sa aparador ang wallet na naglalaman ng pera para pambili namin ng lupa. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil wala ng laman ang wallet ko. Ang bilis-bilis nang pintig ng puso ko.

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon