CHAPTER 4

1.3K 31 0
                                    

Chapter 4: Shocked

PAGDATING ko sa condo ay napansin ko pa ang kotseng nasa bus stop kanina. Salubong na salubong ang kilay ko pero nakita kong humarurot na ito palayo. Napapisil ako sa tungki ng ilong ko saka ako umiling at nagtungo na sa condo.

Ibinaba ko lang sa kama ang shoulder bag ko at kinuha ang laptop. Litrato na naman ng mga kapatid ko ang nasa wallpaper nito.

Naging hobby ko na ang tingnan ang mga litrato nila bago ako nagpapahinga. Minsan ko lang din sila kung makausap. Nakikisuyo pa ako kay Tita Araneta para lang talaga makausap sina Ryry at Darlene. Nagiging kontento naman ako makita ko lang silang nakangiti o kaya naman ay marinig ko ang boses nila. Masayang-masaya na ako roon.

Sila talaga ang inspirasyon ko kaya nagagawa ko pa rin ang mga bagay na hindi ko kinahiligan na gawin.

Sa pagmuni-muni ko ay tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Agad kong sinagot dahil ang tita ko mismo ang tumatawag.

"Tita, napatawag po kayo?"

"May sahod ka na ba riyan, Dalia?" Sa tanong niya ay alam kong nangangailangan na naman siya ng pera.

Wala pang isang buwan ay naubos na naman ang perang pinadala ko sa Pilipinas. Palagi niya ring idinadahilan na para iyon sa mga kapatid ko. Kapag ganyan din ang tanong niya ay hindi na lang ako nagtatanong pa o sasabihan siya na noong nakaraang linggo lang ako nagpadala.

"Mayroon pa naman akong pera ngayon, tita. Mag-t-transfer po ako sa ATM mo," sabi ko lamang.

"Salamat," tipid na sabi niya.

"Ang mga kapatid ko po, tita? Kumusta po sila?" tanong ko. Sana naman ay marinig ko ang boses nila.

"Lenlen! Ryry! Nasa kabilang linya ang ate ninyo!" narinig kong sigaw ni tita.

"Si Ate Dalia po?!" Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang marinig ko na nga ang mga boses nila.

"Len, Ryry?" sambit ko sa pangalan nila at nang sumagot sila ay halos maiyak na nga ako.

"Ate! Kumusta po?" tanong ni Darlene.

"Ate ko! Ate ko!" sigaw naman ni Ryry na kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong tumatalon na siya sa sobrang tuwa. Pamilyar na ako sa reaksyon ng bunso namin. "Ate, okay ka lang po riyan?" tanong pa nito.

"Oo naman, Ryry. Okay na okay si ate. Kayo riyan ng Ate Len mo? Kumusta kayo? Hindi naman siguro kayo nagpapasaway, ano?" malambing na tanong ko at napahagikhik pa silang dalawa.

"Siyempre hindi po, ate!" magkasabay na sigaw nilang dalawa at napangiti ako.

"May gusto ba kayo para magpadala ako? Gusto ninyo ba ng chocolate?" tanong ko pa.

"Ikaw, ate! Uwi ka po," sagot ni Ryry at hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking luha. Gustong-gusto kong umuwi sa totoo lang. Pero naaalala ko ang kinabukasan nila pareho. Kailangan kong magtrabaho para sa kanila.

Ako na lang kasi ang pag-asa nila at mapabuti ang buhay nila. Kapag nakaipon na rin ako ng sapat na pera ay uuwi rin naman ako. Magpapatayo ako o bibili ng bahay. Bubukod na kami ng bahay pag-uwi ko. Hindi naman kasi magiging komportable sina Darlene at Ryry na kasama ang pamilya ni Tita Araneta.

Sa tuwing tinatanong ko sila kung ano ang gusto nila ay palagi nilang sinasabi na ako, na kahit ang umuwi lang daw ako ay ayos na sa kanila.

"Uuwi si ate para magbakasyon lang. Magkita tayo after a year, okay? Kailangan ni ate mag-make ng money tapos bibili tayo ng bahay," paliwanag ko para mas maintindihan nila na kailangan kong mag-stay rito nang mas matagal.

"Ay sige po! Doon po sa bagong bahay natin ay hindi na tayo maghihiwalay, ate? Dito ka na lang po sa amin?" tanong ni Darlene. Tumango ako kahit hindi nila ako nakikita.

"Oo naman. Promise, hinding-hindi na tayo maghihiwalay. Kaya Len, alagaan mo nang mabuti ang kapatid mo, ha? Si Ryry ay bata pa lang," paalala ko.

"Behave naman po ako, ate! Promise po," may lambing na sabi niya. Binigyan kami ni tita ng isang oras para makapag-usap kami ng mga kapatid ko.

Kaya kinabukasan ay maganda ang gising ko kasi natulog ako kagabi na may ngiti sa labi.

Pink crop top blouse and white palazzo pants ang suot ko ngayong araw. Nakasukbit ang sling bag ko sa balikat ko. Sumakay ako ng bus. Hindi naman talaga kalayuan ang café pero kailangan lang na sumakay ng bus.

After awhile ay nakarating na rin ako at maaga pa lang ay bukas na ang working place ko. Nandoon na rin si Thai. Kumaway ako sa kaniya at itinuro ko ang pintuan patungo sa staff room para makapagpalit ako ng uniporme.

White blouse at may red vest, tapos black skirt or pants naman pababa. Iyon ang uniporme namin dito. Nang matapos ako sa pagbihis ay lumapit agad sa akin si Thai at may itinuro ang nguso niya. Kunot-noong sinundan ko iyon nang tingin.

"Kanina pa siya noong dumating ka sa café, Dalia. Ask him if ano ang order niya," bulong niya at umiling ako.

"Hayaan mo siyang lumapit sa counter para mag-order," sagot ko lamang at inabala ko na lang ang sarili ko sa paghahanda ng coffee maker.

Si Archimedes kasi ang lalaking tinutukoy niya at hindi ko alam kung bakit nandito na naman siya. Mag-o-order lang ba siya ng kape? Nasaan kaya ang asawa niya at hindi niya ito kasama ngayon?

Mayamaya lang ay lumapit na siya sa counter at diretsong napatitig agad ako sa magandang uri ng mga mata niya. Nag-iwas agad ako nang tingin. Ano kaya ang mayroon sa lalaking ito at ganito kung mag-react ang puso ko?

"Good morning, Sir. What's your order?" I asked him. Nasa boses na talaga namin ang pagiging malambing kapag kinakausap namin ang customer namin pero siya. Medyo nagulat pa at bayolenteng napalunok.

"Same order," he answered at nagsalubong ang kilay ko.

"Order ninyo po kahapon?" tanong ko at nabigla na naman siya.

"You know how to speak in Tagalog?" gulat niyang tanong. Bigla ko na lamang naitanong iyon sa kaniya. Paktay na, mabubuking pa yata ako nang wala sa oras.

"I came from the Philippines," I answered at ilang beses pa siyang napakurap.

"Sorry, I have to go," paalam niya bigla at mas lalo akong naguluhan sa inaasal ng lalaking iyon. Ano ba ang problema niya?

Passionate Embrace (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon