PROLOGUE

84 32 0
                                    

PROLOGUE:

MAINGAY ang paligid, maraming tao at nakakarinding mga sigaw. May mga taong galit, may mga taong naaawa.

Sa gitna nang naparaming tao, sa gitna non ay may itablado, hindi para sa isang palabas o paliksahan kundi para sa dalagang nakayuko at nakatakdang ibibitay.

May mga taong naaawa, ang kalagayan ng dalaga ay lubhang nakakaawa, may mga pasa sa katawan at May takip na sako sa ulo.

"nakakaawa ang prinsesa"

"nararapat lamang sa kaniya iyan, pinatay niya ang reyna, ang sarili niyang ina"

"hindi, hindi ako naniniwalang magagawa iyon nang prinsesa"

"ako din, alam ko na inosente ang prinsesa. Nararamdaman ko iyon"

Sari-saring saloobin nang mga tao na magiging saksi sa pagkamatay nang kawawang presesa, samantalang ang luha nang prensesa na ngayun ay natatakpan nang maduming sako ay rumaragasa na tila iyo ay isang ilog.

Hindi siya makapaniwala, naiinisip ba nila? Paano niya maatim na paslangin ang sariling ina? Mahal na mahal siya nang kanyang ina at ganoon din siya, tinalikuran siya nang lahat simula nang dumating si Tiffany, ngunit ang kanyang ina ay hindi iyon ginawa.

Kaya bakit? Bakit sila naniniwalang pinaslang niya ang reyna? Gayong ang kanyang ina lamang ang naging kanyang kakampi.

"Princess Arriane everlyn doughfox, Princess of stallion Kingdom. Hinahatulan nang bitay sa pag kakasalang pinaslang ang reyna, and Queen Elizabeth doughfox Princess Arrianeʼs mother" ani nang isang isang mensahero

Kinuha nila ang sako sa ulo ng prinsesa, nang makuha iyon ay bumungad sa mata nito ang napakaraming tao, mga taong makakasaksi sa kanyang pag bitay.

Napakagat siya sa kanyang ibabang labi ang luha sa kanyang mala gintong mga mata ay muling namuo at pumatak iyon sa sahig na kahoy,

Dapadaing siya nang sapilitan siyang patayuin nang kawal, ang hikbi na pinapakawalan niya ay rinig nang mga tao dahil namutawi ang katahimikan simula nang matanggal ang sako sa kanyang ulo.

Sa isip nang mga tao ay nakakaawa ang dalaga, halos hindi na nila ito mamukhaan, may mga pasa ang makinis at maputi nitong balat, may sugat ang maganda nitong mukha, ang gusot-gusot at May bahid nang dugo na puting bistida na suot nito.

Nakatayo na ngayun ang prensesa, ang lubid ay inilagay sa kanyang leeg, napapikit na lamang ang prensesa ngunit bago iyon ay makakatanggap muna siya nang labing dalawang latigo.

Napapikit ang dalaga, ang katahimikan ay ang tanging nag bibigay nang ginhawa sa naghihingalo niyang damdamin.

"Isa! Dalawa" ani nang kawal sabay latigo sa likod nang dalaga

"ahhhhh ahhhh" matinis na sigaw nito nang dambahan ito nang sunod -sunod na hagupit nang latigo.

Bawat hagupit ay napapapikit ang mga mamayan, ang sigaw nang kawawang prensesa ay ninanais nilang huwag nalang marinig, naalala nila ang matinis nitong tawa at halakhak hindi ang matinis nitong sigaw at paos nitong hikbi.

Binalot ang kanilang buong katawan ng awa at pag sisi, ngayun ay natauhan sila. Ang prensesa at inosente at inaakusahan lamang, ngunit ano nga ba ang magagawa nila? Isa lamang silang mahak na mababang mamayan.

Halos mapaluhod ang prensesa, matapos ang labing dalawang hagupin nang latigo, ang likod nito ay puno nang sugat at nag durugo, ngunit wala siyang maramdamang sakit, ang nasa Isip nito nang mga oras nayun ay,

"Wala nang mas sasakit sa Nararamdaman nang aking puso" manhid na ang buong katawan nito sa halos 2 araw na pagpapahirap at pag papaamin sa kasalanan kahit kailan ay hinding hindi niya magagawa.

Muntik nang mapaluhod ang prensesa, napagalaw ang lahat ng mamayan, dahil Doon mabuti na lamang at naalalayan siya nang kawal na nasa kanyang tabi.

"Simulan na ang pagbitay!" sigaw nang kung sino, napaluhang muli ang prensesa, natanong niya sa kanyang sarili.

"ano ngaba ang aking nagawang pagkakamali? Bakit ako ay pinaparusahan nang gani to? Ako naman ay naging mabuti sa lahat? Ngunit bakit?"

"May huling habilin kaba? Prinsesa?" ani nang kawal umiling lamang siya at ngumiti nang mapait

Halos mapapikit ang lahat nang tuluyan nang bumukas ang kahoy na tinatayuan nang prinsesa at nakabitay na siya, ang mga paa nito ay pumapagaspas

Pumikit na lamang ang prinsesa, inaalala ang mga masasayang alaala, sa huling pagkakataon ay pilit niyang ibinukas ang kanyang mga mata, dumapo iyon sa kanyang pamilya

Ang kanyang ama at mga nakakatandang lalaki na walang emosyon na Nakatingin sa kanya, at ang kanyang kapatid na si Tiffany na tila nasisiyahan.

Hindi siya makapaniwala, napangiti siya nang mapait, at sa huling niyang hininga. Sa kauna-unahang pagkakataon Naramdaman niya ang matinding galit at puot.

Travel back in TimeWhere stories live. Discover now