03

39 20 0
                                    

Chapter 03:

"Anak, sigurado kabang aalis ka?" ani ni ina, habang ako ay nag iimpake ng aking gamit.

Napagpasyahan Kong pumunta sa Palasyo nila mamila at dadelo, sa Brizilla Palace. Doon galing si ina gustuhin niya mang samahan ako ay hindi maari dahil may tungkulin siya dito bilang isang reyna.

"Ina, wag kapong mag-alala, magiging maayos ako, pangako."ani ko at niyakap siya bumuntong hininga lamang siya.

Nangyari ang eksinang iyon nung isang araw, ayaw akong payagan ni ama na umalis ngunit hindi nila ako mapipigilan sa nais Kong gawin, Kailangan Kong makaalis dito dahil kung hindi ay mapapaaga ang pakamatay ko, habang nasa malayo ako ay maghahanda at hahanapin ko ang posibling pumatay kay ina, Di maaring mawalang muli si ina.

"Ina, babalik po ako, gusto ko lang magpalamig at mag relax, gusto ko lang pong tumakas dito kahit, sandali lang" ani ko, bumuntong hininga ito at hinawakan ang aking pesnge, ganito ang palagi niyang ginagawa noong unang buhay ko, hinahawakan niya ang pesnge ko.

"Anak, alam Kong hindi biro ang nararamdaman mo, alam Kong nasanay kang naging prinsesa namin ngunit nag bago iyon, patawad anak maski ako ay muntik ka nang makalimutan. Alam Kong simula nang dumating ang kapatid mo ay na wala sayo ang lahat nang atensyon at pag aalaga ng nga kapatid mo, ngunit wag kang mag alala anak, andito ako, andito si ina" diko namalayan ang pag tulo ng luha sa aking mata.

"Alam ko ina, ngunit kailangan ko lang ng oras, oras lang" ani ko, ngumiti naman siya at tumango.

"Kung ganoon ay, dalhin mo ang aking basbas, naay maging maayus at maging ligtas ka sayong paglalakbay" ani nito habang nasa ulo ko ang kanyang kamay.

"Fios" napatingala ako nang wala sa oras ng tawagin ni ina ang kanyang Guardian.

Ang mga Guardian ay ang tutulong saiyo, pwede silang lumaban para saiyo o ikaw mismo ang gumamit ng kapangyarihan nila, pero sa nagdaang siglo ay iilan lamang ang nakakagamit ng kapangyarihan ng guardian nila kagaya ni ina.

Si fios ay isang Lion, Kalahating lion Kalahating tao. "Fios, Nais Kong samahan mo ang aking anak, sa kanyang paglalakbay siya muna ang iyong gabayan, lalo Nat nanganganib ang kanyang buhay" ani ni ina, napasa po ako sa aking dibdib ng biglang lumitaw ang isang Kalahating tao at lion sa aking gilid.

"Ngunit, Mahal na reyna paano kayo?" ani nito

"wag mo akong alalahanin, nasa loob lamang ako nang Palasyo walang mangyayaring masama saakin" ani ni ina.

"Kayat, samahan mo ang aking anak sa kanyang paglalakbay patungo sa kaharian ng aking ama at ina" dagdag pa nito, tumango ito ng pilit bago humarap saakin

"I'll protect you, Milady" ani nito at yumuko, gulat parin ako, ni minsan ay hindi tinwag ni ina si Fios, Ang guardian niya sa unang buhay ko, Malakas si fios lalo Nat nasa rank 5 ang mga deme guardians na lion.

"N-ngunit ina~"

"Magiging maayus lamang ako anak, nais Kong maging ligtas ka hanggang sa bumalik ka. Atsaka Malakas ang iyong ina" ani nito, tumango na lamang ako.

"Wag kang masyadong mag alala, Milady. My queen is very strong, she can k!ll without me" ani ni Fios.

\~\~\~\~\~\~\~\~\

"Mag iingat ka anak" ani nito at niyakap ako, ganun din ako

Nasa karapan na kami ng karwahe na sasakyan ko, saglit akong tinuruan ni ina kung paano I summon at itago si Fios, kaya ngayun wala siya. Sinabi rin ni ina na walang dapat maka alam kundi ako at siya lang.

"Maiingat ako ina, babalik ako pangako" ani ko, at sumakay sa karwahe.

I waved my hand bago umayos ng upo "Mr, Let's g~"

Travel back in TimeWhere stories live. Discover now