Chapter 4

298 17 0
                                    

SHARIAH POV

After nung party..dumeretso kami sa mami-an..since mag 5am na din naman at gutom na kami..habang nakain kami ay nagkkwentuhan sila about sa nagdaang party..ganito lang kami palagi..sila nagkkwento ako naman nakikinig lang at minsan ay nakikijoin din sa usapan..may isa akong inaantay na topic..yun yung taong nagrequest ng kanta kanina..pero walang nag open ng topic na yun kaya tumahimik na lang ako..

"Shah, ok ka lang ba?..kanina ka pa tahimik..", tanong sakin ni Ronnie na mukang nag aalala sakin..

"naku pre, masanay ka na jan..ganan talaga yan..tahimik lang yan", paliwanag ni Jeffrey na umakbay pa sakin..napatingin naman si Ronnie sa kamay ni Jeff na nasa balikat ko..ngumiti na lang ako kasi naconscious ako bigla sa tingin ni Ronnie..kaya tinanggal ko na ang kamay ni Jeff na naka akbay sakin..sanay na naman ako sa laging pag akbay ni Jeff pero sa tingin kasi ni Ronnie..ewan ko ba..bigla na lang ako hindi naging komportable..

After naming kumain ay nagpasya na kaming umuwi..gusto ko na din kasing matulog dahil sa puyat..at since iisang way lang kami ni Ronnie, sa kanya na ko sasabay pati si Steph..yung tatlong kolokoy ay bahala na sila..malalaki na sila :-D ..dun na ko sumakay sa likod ng kotse para naman magkatabi sina Steph at Ronnie..mukang magiging matchmaker pa ko..gusto pa nga ni Steph na dun ako sa harap at sya sa likod pero nagpumilit na ko na dito na lang ako sa likod..mukang tama naman ang desisyon ko dahil masayang nagkkwentuhan yung dalawa..at eto na naman yung lungkot na nadarama ko na hindi ko alam kung san galing..haixt..at dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay ko..nagpasalamat lang ako kay Ronnie at bumaba na ko nang kotse..nagpaalam na din ako kay Steph..mas una kasi ang bahay ko sa bahay nya..

"ahh bestie..nga pala..simula sa monday kay Ronnie na tayo sasabay hah..para libre sa pamasahe.", ngiting ngiti na sabi sakin ni Steph..

"ahh hindi ba nakakahiya yun?..", sabi ko para magbago pa ang isip ng bestfriend ko..

"sus..ok lang yun..mahirap din kasi pag nag iisa ka sa kotse eh..", paliwanag ni Ronnie..kaya wala na din akong nagawa kundi ang sumang ayon sa gusto nila..

Pagkapasok ko sa bahay ay naabutan ko pa sina Mama at Papa na mukang paalis na..Linggo ngayon pero may lakad sila..

"andyan ka na pala anak..kumain ka na ba?", tanong ni mama na humalik pa sa pisngi ko..

"kumain na po ako..ang aga nyo po atang nakabihis?."

"may pupuntahan kasi kaming meeting ng Mama mo..at the same time, handaan na din dahil birthday ng kaibigan ko.", paliwanag ni Papa..tumango tango na lang ako..at saka nagbbye sa kanila..

"ingat kayo Ma, Pa"..humalik ako sa pisngi nila at umakyat na sa kwarto ko para matulog..hayyyy..namiss ko ang kwarto ko..

*bzzttt

Ronnie
--gudnyt :-)

Nireplayan ko sya nang gudnyt din..after nun ay natulog na ko..

1st ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon