SHARIAH POV
Hindi pa din ako makapaniwala na si Ronnie ay anak ng kaibigan nina Mama at Papa..small world talaga ehh..tss..kaya pala naman may kotse na ehh..anak sya ni Tito Ramon na kaibigan ni Papa nung highschool pa..mayaman sina Tito Ramon..dahil real estate ang business nila..mayaman din naman kami pero mas mayaman sina Ronnie..wala pa din akong gana nung gabing yun kaso napilitan akong kumain dahil nagbanta si Ronnie na hindi sya uuwi hanggang hindi ako nakain..ang lakas ng loob magbanta kasi close sila ni Papa ehh..after ko kumain ay umuwi na sya..kaya nagpahinga na din ako..ngayon ko naramdaman ang sakit ng ulo ko..hayyy..ang sakit sakit..
*bzzttt
From: Ronnie
pahinga ka na..bakit ba kasi ayaw mong uminom ng gamot para gumaling ka na agad?To: Ronnie
ok lang ako..gagaling din ako..From: Ronnie
talaga lang hah?..sya matulog ka na..para makapagpahinga ka na din..gudnyt bunso :-*To: Ronnie
sige po KUYA..salamat..gudnyt din..BUNSO -- first time nya kong tinawag na bunso..dapat matuwa ako kasi yung tatlong kolokoy ay bunso ang tawag sakin..since part na sya ng barkada kaya dapat bunso din ang tawag nya sakin..at ngayong ganun ang tawag nya sakin..parang sumikip ang dibdib ko..bakit?..kaya hindi ako masyado nakatulog dahil sa pag iisip..at isa pa..sobrang sakit ng ulo ko..tapos nilalamig pa ko ng sobra..mukang hindi ako makakapasok nito..kinaumagahan ay pinuntahan ako ni mama sa kwarto..ang taas ng lagnat ko kaya naman hindi na muna nya ko pinapasok..tinawagan ko na lang si Steph na hindi ako papasok ngayon..
STEPH POV
ang tagal naman ni Ronnie..baka malate kami nito..ahh ako nga pala si Stephanie Montaverde..ang nag iisa at natatanging bestfriend ni Shariah..and speaking of my bestfriend..natawag sya..
"hello bestie..napatawag ka?.."
"bestie..ayaw ako papasukin ni mama ngayon..may lagnat kasi ako..pero try ko takasan si mama mamaya..umuna na lang kayo sa school hah.."
"hoy Shariah Santos..anong takas takas ang sinasabi mo jan..magpahinga ka na lang para gumaling ka na hah..ako na ng bahala sa mga teacher natin..get well soon bestie..bye!.."
Kaloka talaga ang kaibigan ko..may sakit na ehh gusto pang pumasok..hay naku..oh yan na pala si Ronnie..pagkahinto ng kotse nya ay agad akong sumakay..aba sayang din to..libre na sa pamasahe..haha..
"hindi makakapasok si Shah..may lagnat", sabi ko kay Ronnie na nakafocus sa pagddrive..nakita ko syang umiling..
"wag ka nang mag alala..gagaling din yun..may balak pa ngang tumakas kay Tita para makapasok ai"
"pasaway talaga", yan lang ang nasabi nya..kitang kita ko sa kanya ang pag aalala..nakarating na kami sa school at nang mapansin nina Ian na wala si Shariah ay sinabi ko na absent ito..nag alala din sila..alam kasi nila na hindi nainom ng gamot si Shariah ehh kaya mahihirapan itong gumaling..napagpasyahan namin na pumunta sa kanila after school..nakakamiss din kasi ang katahimikan ng babaeng yun..
At eto na nga..nandito na kami sa bahay nila..agad kaming pinapasok ni Tita at pinapunta sa kwarto ni Shariah..maghapon daw itong nakahiga..sabi na ehh..nang makapasok kami sa kwarto nya ay puro sermon ang inabot nya sa G Clef..mahal na mahal kasi namin yan ehh kaya ayaw namin syang nagkakasakit..si Ronnie naman ai napatulala sa kwarto ni Shariah..paano ba naman kasi..sa left side ay puro hello kitty..sa right side ay puro picture ni Matteo Do..kilala nyo naman siguro si Matteo na alien :-D tapos sa isang sulok ay puro libro na akala mo ay mini library..yan ang mga kinaaadikan ng bestfriend ko..
"mga kolokoy naman..tama na ok..sabong sabon na ako", nakatakip na ng tenga si Shah..rinding rindi na siguro sa sermon nung tatlo..
"hoi ikaw hah..wala ka nang galang samin..mga kuya mo kami kaya sundin mo kami", sabi ni Ian..yan ang pinakamatanda samin kaya kuyang kuya ang peg nyan..
"mahal na mahal nyo si Shariah noh", sambit sakin ni Ronnie habang pinagmamasdan sina Shariah na pinagsasabihan pa din nung tatlo..
"bunsong bunso yan ehh..loner kasi yan..kaya natatakot kami sa nangyayari sa kanya ngayon..ngayon lang kasi nagkaganyan yan..napakaresponsable nyan sa sarili nya..ewan ko ba dyan kung anong nangyayari jan..",
mahabang paliwanag ko..maski kasi ako nag aalala na talaga sa kanya..hindi sya kumain kahapon tapos nagpaulan pa kaya nilagnat..ngayon lang nangyari yan sa kanya..hindi pa sya nag oopen sakin kung may problema ba..SHARIAH POV
Rinding rindi na talaga ako sa tatlong to..ah ah..paulit ulit naman ang sinasabi..napatingin na lang ako kina Steph at Ronnie..mukang seryoso ang pinag uusapan nila..ano kaya yun?..
"guys!!..gusto kong ice cream", hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun..natahimik naman sila..pati sina Ronnie at Steph ay napatingin sakin..nagtagpo ang mga tingin namin ni Ronnie kaya agad akong nag iwas ng tingin..
"ano titingnan nyo lang ako?", pagbasag ko sa katahimikan nila..
"oh Jeff..ice cream daw..ibili mo nga..yung isang gallon na para makakain din tayo", utos ni Ian kay Jeff na nakaakbay na naman sakin..
"ah ako na lang ang bibili", pagboboluntaryo ni Ronnie..
"samahan na kita", sabi naman ng bestfriend ko..hindi ako nagsalita..ano ba tong nararamdaman ko..ang weird..bumaba sina Ian at JB para maghanda ng tasa at kutsara para sa ice cream mamaya..kaya kami ni Jeff ang naiwan..
"si Ronnie ba ang dahilan?", pag uumpisa ni Jeff
"ano?!"
"kala mo ba hindi ko napapansin..nagseselos ka kina Ronnie at Steph..may gusto ka kay Ronnie..tama ba?.."
"teka..ano bang pinagsasabi mo?.."
"kapag nakikita mo silang magkasama..nalulungkot ka..kapag nginitian ka ni Ronnie namumula ka..bakit?..", titig na titig sakin si Jeff na para bang hinuhuli nya ko kung magsisinungaling ako o hindi..
"hindi ko alam Jeff..ngayon lang nangyari sakin to..kaya hindi ko alam..", niyapos lang ni Jeff at hinalikan ang buhok ko..naguguluhan na din ako..tama nga kaya sya..may gusto na ba ako sa kanya?..Nanatili lang kaming ganun ni Jeff nang biglang dumating sina Ronnie na dala na ang ice cream..agad ko namang naitulak si Jeff dahil nakatingin samin si Ronnie..yung tingin na nagtatanong..
"ahh eto na yung ice cream"..sabi ni Ronnie na bitbit yung ice cream..agad naman yumg kinuha ni JB..tatayo na din sana ako para makigulo sa kanila pero pinigilan ako ni Jeff..
"ako na ang kukuha nang sayo", tumango nalang ako at bumalik sa pagkakaupo sa kama ko..hindi ako mapakali dahil ramdam ko ang titig ni Ronnie sakin..inabot na sakin ni Jeff ang ice cream ko at agad ko yung kinain..
"teka..hinay hinay lang Shah..", pagpipigil sakin ni Ian..
"Steph..kain ka na", alok ni Ronnie kay Steph..pero ngumiti lang ito..
"hindi muna ako kakain nyan..may appointment na naman kasi ang G Clef..", paliwanag ni Steph..talaga?..hindi ko ata alam yun ahh..
"ano yun?", hindi ko na napigilang itanong..
"ahh..sa foundation day..may battle of the band..since title holder kami..kaya ayun..paramg guest kami..ganun",
"wow naman..iba na talaga kayo..ang galing nyo..sama ako sa rehearsal hah", tuwang tuwa na sabi ko sa kanila..
"magpagaling ka muna", bilin sakin ni Jeff..tumango na lang ako..nang maubos na namin ang ice cream ay umuwi na din sila..kaya mag isa na ulit ako sa kwarto ko..naisip ko na naman yung sinabi ni Jeff sakin..totoo kaya yun?..pero kakikilala pa lang namin ehh..parang imposible naman ata na magkagusto ako sa kanya..