RONNIE'S MAJOR THROWBACK
"Mom..Dad..dito na lang ako..kayo na lang ang pumunta sa birthday party", ayoko talaga sa mga party party..nakaka iyamot lang..
"anak naman..anak ng kaibigan ko ang may birthday kaya sumama ka na"
And as usual..talo na naman ako kay daddy..napilit nya akong sumama sa birthday party ng anak ng kaibigan nya..nandito na kami at hindi ganun kadami ang tao..mukang piling pili lang ang mga bisita..maya maya pa ay tinawag na ang bday celebrant..parang debut lang pero 15th birthday ito..lumabas na yung celebrant at nanigas lang ako ng makita ko sya..biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko..shet..daig ko pa ang nabading nito..pero hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya lalo na nang ngumiti sya..automatic na gumalaw ang kamay ko at pinicturan sya ng pinicturan..natapos ang party na nakakuha ako ng mahigit 100 stolen pics nya..gusto kong makipag kilala sa kanya pero hindi ko magawang makalapit..ewan ko ba kung anong nangyari sakin..
After nung party na yun ay hindi na sya naalis sa isip ko..gustong gusto kong hingin ang number nya kay dad kaso wala akong lakas ng loob..hanggang sa nakalipas ang isang taon..nalaman kong sa Star Academy sya nag aaral..kaya pinilit ko si dad na sa Star Academy ako mag 4th year..pumayag naman sya kaya excited na excited na ko para sa pasukan..Nung first day, nginitian ko sya at para naman syang nagulat..at nung lunch na yun..natuwa ako dahil pumayag syang makishare ako ng table..pero hindi sya nagsasalita..si Steph lang ang dumadaldal..siguro personality nya yun..
After that..everything is good..kaso iniisip nya na kay Steph ako may gusto..nginingitian ko na lang sya kapag tinatanong nya ako about kay Steph..hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko..baka kasi mamis interpret nya pag nagsalita ako..aksidenteng nalaman ng G Clef na may gusto ako kay Shariah..at oo..all this time alam nila..yung taong nagrequest kina Steph na kantahin ang passenger seat..ako ang nagrequest nun..
Nung nagpunta kami ni Steph sa Tagaytay para sa seminar..ewan ko ba..tinawagan ko sya nung gabi at kinuwentuhan ng kung ano ano lang hanggang sa makatulog sya..kaso nung pagbalik ko galing Tagaytay..naospital sya dahil sa nangyari sa kanya..bago pa pumasok si Shah ulit ay nalaman ko kung sino ang may gawa sa kanya nun..kaya gumawa ako ng paraan para mapaalis si Rheicy at ang barkada nya..at buti na lang..kusa na silang umalis..
Hindi ko masyadong nakakausap nun si Shah dahil nagpplano ako na magtapat na sa kanya..grabeng preparation ang hinanda namin..nagpaalam na din ako sa magulang nya pati syempre sa G Clef..at may basbas na nilang lahat ako..at ang goal ko na ngayon ay ang mapasagot ang babaeng mahal ko..