RONNIE POV
Hindi ako nakarating agad kina Shariah dahil inasikaso ko yung passport ko..inamin na samin ni Shariah na sa Canada sya magcocollege..at syempre ayokong mag isa sya dun kaya sasamahan ko sya..hindi ko din kaya na mawalay sa kanya..iniisip ko pa lang..ang sakit na..korni na kung korni pero yun talaga ang nararamdaman ko ehh..
Nandito kami ngayon at pinapanood ang sunset..tuwang tuwa sya sa sunset..kaya hindi nya napansin na sinuot ko sa kanya ang kwintas na regalo ko sa kanya..
"Ronnie?!",
"regalo ko yan sayo..happy birthday ulit!!and i love you", ang pendant ng kwintas nya ay G Clef..at bagay na bagay sa kanya yun..
"salamat Ronnie..salamat", yun lang ang nasabi nya..niyakap ko sya..maya maya ay bumitaw na sya ng yakap sakin..
"nga pala..sabi mo sakin dati na gusto mo yung may angelic voice..ehh mukang hindi naman ako yun"
"sinong may sabi na hindi ikaw yun?..ikaw ang tinutukoy ko nun", sabi ko sa kanya..
Flashback
Tinamaan na talaga ako sa kanya..nagiging stalker na ako dahil sa katorpehan ko..nakita ko sya sa playground ng subdivision nila..at mag isa lang sya..wala ding tao sa playground kundi sya lang..may earphone sya at aksidente ko syang narinig kumanta.."you were just a dream that I once knew"
ang ganda ng boses nya..gusto ko pang pakinggan ang boses nya kaso may tumawag sa kanya sa phone..at umalis na din sya at bumalik ng bahay nya.
End of Flashback
"a-ano..totoo ba talagang narinig mo akong kumanta?", paninigurado sakin ni Shariah..
"oo nga..mana ka pala kay Tita ehh..haha..wag kang mag alala..hindi ko ipagsasabi..tara nang umuwi..", tumango lang sya at sumakay na kami ng kotse..
Ayaw nya talagang malaman na marunong syang kumanta tulad ng mama nya..si Tita Shina ay isang bokalista dati sabi ni dad..kaya hindi nakakapagtaka na maganda ang boses nya..yun nga lang ayaw nyang ipakita yun sa iba..pagkahatid ko kay Shariah sa kanila ay umuwi na din ako..at nakita ko na nag aabang na si Dad sa may sala..
"i told you..dito ka lang sa Pilipinas at hindi ka sasama kay Shariah sa Canada", yan ang bungad sakin ni dad..oo tutol sya na sa Canada din ako magcollege..
"pero dad.."
"Ronnie..dito ka mag aaral ng Management sa Pilipinas habang tinetrain kita sa kompanya natin..and that's final", maawtoridad na sabi ni dad..arghhh..bakit ba pinipigilan nya ko..pede naman na sa pagbalik ko na lang nya ako turuan..