Chapter 16

201 14 0
                                    

SHARIAH POV

2:30 pm ay lumabas na sa stage ang G Clef..inayos nila ang mga instruments nila..naghiyawan ang mga estudyante sa likod ko..

"good afternoon guys!!..nagpapasalamat kami sa Star Academy dahil sa opportunity na binigay nila para sa mini concert na ito..so this song is for all of you guys!"

Nag umpisa nang kumanta sina Ronnie at Steph..ang ganda talaga ng blending ng boses nila..grabe..hindi na ko magtataka kung one day sila na..at sana bago mangyari yun ay nakamove on na ko..

Ronnie : Anong ligaya ang nadarama
Pag ika'y kasama na, puso ko'y walang pangamba

Nakakainis talaga..nainlove ako sa taong imposibleng magustuhan ako..sabagay..wala namang kagusto gusto sakin ehh..wala talagang magkakamali na magkagusto sakin dahil sa itsura ko..

Steph : Pangako ko, pag ibig ko'y iyong-iyo
Saan man makarating, ikaw lang ang mamahalin

Pero hindi na ko mangangamba kung kay Steph man sya mapunta..kasi alam ko hindi sya magsisisi na ang bestfriend ko ang nagustuhan nya..

Duet : Habambuhay, ikaw at ako ang magkasama
Sa hirap at ginhawa
Habambuhay, sumpa ko'y ikaw lang walang iba
Pangako ko ito, habambuhay

Kapag sila ang nagkatuluyan..isa ako sa magiging masaya para sa kanila..at bukal sa loob na tatanggapin ko na wala nang pag asa ang pagmamahal ko para sa kanya..ngumiti ako..yung totoong ngiti na walang halong pagkabitter..dahil simula ngayon..kakalimutan ko na sya..at totoo na to..buburahin ko na ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya..at ang ititira ko na lang ay ang pagmamahal ko bilang isang kaibigan..mahirap pero alam kong magagawa ko yun..dahil dun kami nagsimula..sa pagiging magkaibigan..at hanggang dun na lang yun..

Duet : Habambuhay, pangako ko sayo
Habambuhay, sa hirap at ginhawa
Habambuhay, sumpa ko'y ikaw lamang
Habambuhay, pangako ko ito
Habambuhay......

Unti unting dumidilim at tanging yung projector lang sa may stage ang may ilaw..meron pang iba na nagsigawan siguro dahil nabigla at bigla na lang nawalan ng ilaw ang buong gym..kaya madilim pwera na nga lang sa may stage..ang G Clef ay wala na sa stage..ang bilis naman nilang nawala..siguro ay kasama ito sa production nila..naks..lumelevel up na sila..siguro isa ito sa natutunan nila sa seminar..

Ilang saglit pa ay may nagflash na sa screen..bale ang ginawang screen ay yung dingding ng stage..

February 16, 2*** when i first saw her

Nung magflash yun sa screen ay biglang tumugtog ang G Clef

Ronnie : I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of evening

Kumakanta si Ronnie pero hindi ko sila makita..tanging yung screen lang ang nakikita ko..bigla akong kinabahan..teka..magtatapat na ba si Ronnie kay Steph..ang bilis naman ata..sabi ko magmomove on na ko nang totoo pero agad agad na ba syang magtatapat..wag muna oh..masakit pa kasi sakin..

Napatayo ako nang magflash sa screen yung picture ko nung 15th birthday ko..teka..agad akong napatayo pero pinaupo ako ni Steph..hah?..hindi ko napansin na nasa likod ko na pala sya..

"don't worry bestie..everything will be fine". nakangiti nyang sabi..everything will be fine??..eh yung picture ko ang pinaplay nila..ang dami pa namang estudyante dito..pero teka..bakit may picture ako nyan..stolen sya nung birthday ko..nakadress ako at walang salamin..

And Ive got all I need
Right here in the passenger seat
Oh and I  can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Sunod na lumabas ay yung picture ko nung one time akong sumama sa business meeting nina Papa..san ba galing ang mga picture na to?..puro stolen sya..

We stop to get something to drink
My mind pounds and I can't think
Scared to death to say i love her

Ang next na picture ay yung nag umpisa akong mag eye glasses..yun yung third year ako..

Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply..

Marami pang stolen picture ko ang nagplay sa screen habang kumakanta si Ronnie..sobrang sobra ang kaba ko ngayon..nanlalamig na din ang mga kamay ko..ewan ko ba..ayokong umasa..pero bakit may mga ganito?..

1st ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon