Chapter 19

209 17 1
                                    

SHARIAH POV

Feb 16 na..and its my birthday today..at nagkataon na sabado ngayon kaya may konting handaan dito samin..ang mga invited ay ang G Clef at ilang kaibigan nina Mama..tanghalian ang kainan dito samin..

"wag kang mag alala..dadating din yun", sabi sakin ni bestie na ang tinutukoy ay si Ronnie..wala pa kasi sya..andito na ang parents nya pero bakit sya wala pa?..hay naku..

"sa tingin mo ba seryoso sakin si Ronnie? ",

"ano ka ba naman..matapos nyang umamin sa buong Star Academy, may doubt ka pa din?", hindi makapaniwalang sabi ni Steph..pasensya naman..first time kasing may manligaw sakin kaya ang hirap magtiwala..mahal ko din sya..pero syempre ayoko muna syang sagutin..kasi natatakot ako na baka trip nya lang pala lahat..ang nega ko ba?..hindi ko kasi maiwasan mag isip nang ganun ehh..natapos na ang lunch pero hindi pa din dumadating si Ronnie..nakaalis na din ang mga bisita..ang naiwan na lang dito ay ang G Clef..kinakantahan nila ako ng happy birthday..paulit ulit na lang..

"pre nanjan ka na pala", bati ni Jeff nang dumating si Ronnie..ayokong tingnan sya..kasi naman..bakit ngayon lang sya..

"ah nagpunta lang ako dito para hiramin ang mahal ko"

"naks naman Ronnie..ang korni hah..", kantyaw ni Steph..hindi pa din ako naimik..feeling ko kasi nalimutan nya ang bday ko kaya ngayon lang sya dumating..nagulat ako ng nasa tapat ko na sya..

"tara!", hinila nya ako patayo at hinawakan sa kamay..omg..yung puso ko nagwawala na naman..

"magtatanan na ba kayo?", asar pa samin ni Ian

"ano Ronnie..baka hanapin ako nina Mama..", pilit kong inaalis ang kamay ko sa kamay nya kaso lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakahawak sakin..

"nagpaalam na ko sa kanila..at wag kang mag alala..hindi kita itatanan..", sabi nya sakin na kumindat pa..hanggang ngayon..hindi pa fully naaabsorb ng utak ko ang mga nangyayari..na nanliligaw sakin ang taong mahal ko..sumakay kami sa sasakyan nya at nagpunta sa hindi ko alam..tahimik lang ako habang sya naman ay pasulyap sulyap sakin habang nagmamaneho..

"sorry kung hindi ako nakarating kaninang lunch..may inasikaso lang ako..", paliwanag nya..

"yung mga babae mo ba ang inasikaso mo?", tanong ko sa kanya dahil naalala ko na naman yung mga babae sa school..grabe kung makatingin kay Ronnie tapos may nag i love you pa..parang hindi nila alam kung anong nangyari sa mini concert dahil sa inaasal nila..nakita ko namang ngumiti si Ronnie..

"alam mo..ang cute mo pag nagseselos.."

"what?!.hindi ako nagseselos noh..wag kang assuming", depensa ko sa kanya..hindi ako nagseselos noh..naiingayan lang ako sa kanila kaya ako naiinis..

Hindi na umimik pa si Ronnie..napansin ko lang..hindi pa nya ako binabati..kahit sa text man lang..after 2 hours ay tumigil na kami..

"nasan tayo?"

"batangas"

"batangas?!..anong ginagawa natin dito?",

Hindi nya ako sinagot..ngumiti lang sya at hinila na ako papunta sa tabing dagat..

"abot pa tayo",

Nagtaka naman ako..agad akong napatingin sa dagat..omg..sunset!!!!!

"happy birthday Shariah!!"., sabi nya sakin..nginitian ko sya at binalik na ulit ang tingin ko sa sunset..ang ganda ganda..pangarap ko to..at may bigla akong naalala..

Flashback
Nandito ako sa kwarto ko at nanunuod ng My Love from the Star..nakakakilig talaga si Matteo Do..hayy..balang araw..makikilala ko din ang Matteo Do ng buhay ko..at sya ang kasama ko sa kauna unahang sunset na masasaksihan ko..

End of Flashback

Sya na ba?..sya na ba ang Matteo Do ko??..

1st ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon