Chapter 12

244 17 0
                                    

SHARIAH POV

2 weeks na ang nakalipas nung naospital ako at binully nina Rheicy..walang ibang nakakaalam sa nangyari sakin..ayoko na din kasi malaman ng iba at saka wala naman silang pake sakin pwera na lang siguro sa inggit na nararamdaman nila dahil sa kaibigan ko ang G Clef..pero ang pinagtataka ko..after ko maospital ay hindi ko na nakita si Rheicy..lumipat na daw ito ng school kasama ang barkada nya..nalaman siguro nila na naospital ako..at nakonsensya sila..tapos na din ang exam namin kaya its a free day para magrelax..hayyy..andito kami ng barkada sa music room..as usual tumutugtog sila samantalang ako nakikinig lang..dati kami ni Ronnie ang sabay na nakikinig sa kanila..pero ngayon kasama na sya sa banda..

"nga pala Bunso..kelan ang laban mo sa Math Quiz Bowl?", tanong ni Ian nang matapos sila sa kinakanta nila

"ahh next week..", oo nga pala..may lalabanan pala akong quiz bowl..yung contest na yun open sa lahat ng private school..nakakakaba kasi kalaban ko ang iba't ibang school..

"bakit hindi ka magreview?.." tanong sakin ni Ronnie..napansin ko lang na mula nang maospital ako..hindi nya ko masyado iniimikan..well nakatulong naman yun para maka move on ako..pero bakit kaya?..alam na kaya nya na may gusto ako sa kanya?..

"naku Ronnie..hindi na nyan kailangan magreview noh..Ms. Air Solution kaya yan..", pagmamayabang ni Steph..ngumiti na lang ako..hindi na umimik pa si Ronnie..

"oo nga naman..patataubin ni Shariah ang lahat ng kalaban nya", sabi ni Jeff na umakbay sakin..agad naman akong napatingin kay Ronnie..nakatingin sya samin ni Jeff..or sa kamay ni Jeff na nakaakbay sakin..agad akong tumayo dahil naconscious na naman ako..

"ah eh..uuwi na ko..magrereview muna ako..napressure ako sa mga sinabi nyo ehh..", tatawa tawang sabi ko..its a free day naman ehh kaya pede na kaming umuwi..

"sabay ka na sakin..uuwi na din ako..ikaw ba Steph?", tanong ni Ronnie sa bestfriend ko..

"ahh mamaya pa ko..sige na..una na kayo..ingat.."

Nagbbye na ko sa kanila pati si Ronnie..at dun ko lang narealize..kami lang ni Ronnie sa kotse..ehh?..ibig sabihin sa tabi nya ako uupo..bigla naman akong namutla at kinabahan..teka..naka move on na ko ehh..bakit ganito na naman ang nangyayari sakin?..

"ok ka lang Shah?..parang namumutla ka..", puna sakin ni Ronnie nang makasakay kami ng kotse..

"ah ok lang ako", nginitian ko na lang sya..

"nga pala..daan muna tayo nang mall..",

"mall?..bakit?", anong gagawin namin sa mall..magdedate?..Shah ano ba..ang kire mo..nakamove on ka na diba..

"may bibilhin lang ako", oh yan may bibilhin lang..wag kang assuming..tss

Nang makarating kami ng mall, agad kaming dumeretso sa supermarket..at nagulat ako nang kumuha sya ng basket at naglagay ng mga chocolate..

"ang dami naman nyan..para kay Steph??", napatakip naman ako nang bibig nang mapatingin sya sakin..ang daldal ko kasi..

"iniisip mo talaga na may gusto ako sa bestfriend mo?", seryoso nyang tanong..

"bakit..hindi ba??", balik tanong ko sa kanya..

"tss..tara na nga.."
Nagpunta na sya sa cashier at binayaran ang pinamili nya..ang daming chocolate..may toblerone, kitkat, goya, cloud 9 at hershey..nagcrave tuloy ako..pagkabayad ay dumeretso na kami sa kotse nya..pagkasakay ay inabot nya sakin yung mga chocolate..

"ano to?", takang tanong ko sa kanya..

"chocolate?", balik na tanong nya sakin

"alam ko..what i mean is bakit mo binibigay sakin?.."

"makakatulong yan sa pagrereview mo..pero hinay hinay lang hah..good for 1 week yan hindi for 1 hour", natuwa naman ako na binigay nya sakin to..more on kinilig..oo na..hindi ako nagtagumpay magmove on..ang hirap kaya..

"s-salamat", yan na lang ang nasabi ko..speechless ehh..maya maya ay nakarating na kami sa bahay ko..nagpasalamat lang ako tapos umuwi na sya..nagderetso ako sa kwarto ko..at kikiligin muna ako hah..10 seconds lang..1...2...3

waaaahhhhhhhhhhhhh

oa ko na ba?..eh sa kinilig ako ehh..bigyan ba naman ako ng madaming chocolate..hayy..ang tanga ko din talaga..first time kong magkagusto sa isang tao..tapos ganito pa..sa bestfriend ko may gusto..pero di bale..makakamove on din ako..sa ngayon ay magrereview na muna ako..

1st ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon