SHARIAH POV
"hello..bakit?,," hindi ko na natiis..sinagot ko na ang tawag nya..
"bakit hindi ka nagrereply?",
"tutulog na ko ehh", pagdadahilan ko..
"gusto mo bang kwentuhan kita?", nagulat naman ako..kwentuhan?..
"may sapak ka ba sa ulo?..ano ako bata??..", tatawa tawa ako habang sinasabi yun..pero hindi nya ako pinansin..nag umpisa na syang magkwento ng mga kwentong pambata..
" teka Ronnie..ano ba..tutulog na ko.."
"kaya nga kinukwentuhan kita..para mahimbing ang tulog mo..alam kong pagod na pagod ka ngayong araw..kaya hayaan mo na ko.."
"bahala ka..makakatulugan kita.."..tumawa lang sya at nag umpisa na ulit magkwento..hayyy..ang sarap pakinggan ng boses nya..pano ba ko makakamove on nito..maya maya ay nakaramdam na ko ng antok..
*zzzzzzzzzz
"hello Shah..tulog ka na ba?"
*zzzzzzzz
"goodnight my princess"
toooottt
--------
2nd day..pangalawang araw na hindi ko kasama ang G Clef..pangalawang araw na din ng pangbubully sakin..hayyy..nakakatamad pumasok..
*bzzttt
From Ronnie : good morning :-)..tinulugan mo ang kwento ko tungkol sa matsing at pagong :-(
Ano na naman kayang trip nang lalaking to..pano ako makakamove on nyan..
To Ronnie : kesa sa ako ang pagtripan mo..ligawan mo na lang ang bestfriend ko..baka maunahan ka pa ng iba..
From Ronnie : :-)
Pati ba naman sa text..smile zoned pa din?..hayy..hindi ko na sya nireplayan..ang sakit sa dibdib ehh..
Natapos ang buong maghapon at himala..walang eraser ang lumipad sakin..walang balat ng saging, walang bola at walang nanalapid..ibig sabihin..walang nangbully sakin..kaya naenjoy ko ang pagiging alone..at kasalukuyang inaayos ko amg gamit ko nang lumapit sakin si Rheicy..kinabahan naman agad ako..
"ah Shariah..sorry dun sa nagawa ko nung isang araw hah", wow naman..nagsorry sya..
"ah ok na yun..kalimutan na lang natin yun", nakangiti kong sabi sa kanya..alam kong mahirap kalimutan yun..pero nagsorry na sya ehh..wala na din naman ako magagawa kahit magalit ako..nginitian din nya ako at bumalik na sya sa upuan nya..sana totoo ang pagsosorry nya..maya maya pa ay parang may hinahanap sya sa bag nya..nung hindi nya makita ito ay lumapit ulit sya sakin..
"ahh Shariah..pede mo ba kong samahan..nawawala kasi ang wallet ko", paiyak na sabi sakin ni Rheicy..agad ko naman syang sinamahan..nasan kaya ang barkada nya?..nandito na kami sa may bandang likod ng school..sa may abandonadong room..matagal na tong hindi ginagamit dahil nasa pinakalikod na ito..
"ahh Rheicy..sure ka ba na dito yun nalaglag..baka naman sa room natin yun nalaglag?.",
"dito lang ako nagpunta kanina ehh..",
Naawa naman ako kay Rheicy kaya hinanap ko sa abandonadong room yung wallet nya..kaso nagulat na lang ako nang biglang nagsara ang pinto..nakita ko si Rheicy na nasa labas na nang room at ikinandado ang pinto..
"Rheicy..ayoko nang ganitong biro..", maiyak iyak ko nang sabi..nilock nya ko sa abandonadong room..
"anong akala mo Shariah?..na makikipagkaibigan ako sayo?..na totoo yung sorry ko kanina..pede Shariah..gumising ka..kung akala mo totoo mong kaibigan sina Steph..nagkakamali ka..naaawa lang sila sayo dahil loner ka..kaya wag kang assuming..so see you tomorrow..bye!!"
Tuluyan nang umalis si Rheicy at iniwan ako dito..oh no!!..pano ko makakalabas dito??..teka..tatawagan ko si Mama..shet..wala na kong load..waaahhhhhhh....ayoko dito..:'( kahit anong sigaw ko walang makakarinig sakin..nanginginig na ko sa takot..naninikip na din ang dibdib ko..help me!!!bigla nag ring ang phone ko..si Ronnie
"hello Shah!!"
"R-ronnie..please..help me..tulungan mo ko..ayoko dito.."
"teka Shah..what happened?..nasan ka..pupuntahan kita.."
"Ronnie..please..tulungan mo ko"..
Then everything went black
