STEPH POV
"manong..wala na bang ibibilis pa to?", reklamo ko sa driver ni JB..pauwi na kami ngayon dahil tumawag si Ronnie at sinabi na sinugod nya sa ospital ang bestfriend ko..Shah naman ehh..ano ba talagang nangyayari sayo?..tahimik lang ang tatlong kolokoy..alalang alala din sila..hindi sinabi ni Ronnie kung anong nangyari kaya eto..nagmadali kaming umuwi..deretso na kami sa ospital..
"miss..anong room no. ni Ms. Shariah Santos?.,", tanong ko sa nurse nung makarating kami sa ospital..
"room 28 po", agad kaming nagpunta sa room 28..pagbukas nang pinto ay nadatnan namin ang magulang ni Shariah pati si Ronnie..napansin agad kami nina Tita pero si Ronnie ay parang hindi..nakatitig lang sya kay Shariah na walang malay..
"Tita?..ano pong nangyari?", tanong ko kay Tita
"nervous breakdown..tumawag daw si Ronnie kay Shariah..at nag alala sya dahil takot na takot daw si Shah..nakita na lang nya na walang malay si Shariah sa abandonadong room..", pagkkwento sakin ni Tita..abandonadong room?..bakit sya nandun?..ehh ayaw na ayaw nya nga dun..
"pare..", tawag ni Jeff kay Ronnie at dun nya lang kami napansin..lumabas ang apat na lalaki..kaya kami ni Tita ang naiwan..si Tito daw ay umuwi muna para kumuha nang iba pang gamit..
"Steph..alam kong ikaw ang bestfriend nya..may nakkwento ba sya sayo?",
"sorry po Tita pero sobra po kasing tahimik ni Shah..hindi sya masyadong nagkkwento sakin", hinging paumanhin ko..nakonsensya ako bigla..ako kasi ang bestfriend nya pero wala akong idea kung anong nangyayari sa kanya..masyado ata ako naging focus sa banda kaya naisantabi ko na sya...nagawa ko pa syang iwan para lang sa seminar..
RONNIE POV
"pare..ano ba talagang nangyari?", tanong sakin ni Jeff..andito kami ngayon sa may kainan malapit sa ospital
"hindi ko din alam..tumawag lang ako kay Shariah..humingi sya nang tulong sakin kaya agad ko syang hinanap..nakita ko na lang sya na walang malay sa abandonadong room..na nakakadena at naka lock.."
"shit!!..sinong gagawa sa kanya nito?", napamura na sa galit si Jeff..maski ako galit na galit sa kung sino man ang gumawa nito..
"kailangan natin malaman kung sino ang gumawa nito kay bunso", sabi naman nang pinsan ko na galit din..
"wala akong maisip na dahilan para gantuhin si Shariah..", sabi ni Ian na nag iisip marahil nang dahilan kung bakit nangyari to..
Iimik pa sana ako nang tumunog ang phone ko..nagtext si Steph..pinapabalik na kami sa kwarto ni Shariah dahil gising na daw ito..agad naman kaming bumalik sa kwarto..pagkapasok ay agad namang niyakap nung tatlo si Shariah..
SHARIAH POV
Pagmulat nang mata ko ay puting kisame agad ang nakita ko..teka nasaan ako??..
"Shariah anak..mabuti at gising ka na..gutom ka ba?.."
"Mama?..teka..nasan ako?.."
"nasa ospital ka anak.."
Ospital??..bigla naman akong nanlamig nun..at nakita ko na may dextrose ako..no!!.."Ma..uwi na tayo..please!..", pakiusap ko kay Mama..ayoko talaga sa ospital..naku naku..biglang nagbukas ang pinto at pumasok sina Ian, JB, Jeff at Ronnie..agad naman akong niyakap nung tatlo..hayy..namiss ko sila..napansin ko naman si Steph na nakaupo lang sa may sofa..
"hindi man lang ba ko namiss nang bestfriend ko?.."
"bestie naman ehh..nakakainis ka..nawala lang kami saglit ganito na ang nangyari sayo", maiyak iyak na sabi ni Steph..napatawa naman ako at bigla kong naalala ang mga nangyari..ang pang iiwan ni Rheicy sakin sa abandonadong room..bigla ulit akong nakaramdam ng takot..pero hindi ko pinahalata sa kanila..
"Shah anak..ano bang nangyari sayo?..", tanong sakin ni Mama..
"pwede po bang kalimutan na lang natin to?..ayoko na pong maalala ang nangyari", paliwanag ko sa kanila..ayokong lumala pa ang galit sakin nina Rheicy..ayokong lumaki pa ang gulo..hindi naman na sila nagpumilit pa..at laking pasasalamat ko nang sabihin ng doctor na pede na kong lumabas ng ospital..parang nabuhayan ako nang loob ng malaman ko yun..
