Hoy Cara! Ok ka lang ba? Sa lahat ng nakikilala mo sa school, nakikipagkilala ka pero bakit tong sa Ann na 'to hindi mo kaya? Siguro nga nakakatakot yung muka niya na hindi mo maintindihan pero kahit na!
Lahat naman ng mga bagong studyante na makita mo nakikipag kilala ka naman. Kahit nga mayabang pa eh. Kahit panget pa. Ayan ka na naman! Kinakausap mo sarili mo!
Ok ka lang ba talaga, Cara?! Kahit sarili ba naman eh... kinakausap!? Sa bagay, normal lang naman sa lahat ng tao yun. Lagi ko naman pati kinakausap sarili ko. Kaysa naman kausapin ko yung isip ko. Wala pa akong makukuhang sagot.
Hinihintay kong mag on si Macey pero alam ko kahit naka-off yun sa chat, naka-on naman yun sa facebook. Minsan nag-memesage na lang ako kung on siya kaso hindi naman siya nag-rereply. Kaya kahit off na siya at nagbabakasakaling on siya, hindi na lang ako nagmemesage kasi hindi naman niya rin sasagutin.
Ano nga pala ang ginagawa nina Eunice at Kyla ngayon? Ma-text nga sila.
( "Hoy! Mga adik! Ano ginagawa niyo dyan!? Hindi man lang kayo nagtetext sa akin. Busy ba?" )
Naghintay ako ng ilang minutes para sa pag reply nila. Ang unang nagreply ay si
From: Kyla :D
( "Hoy! Kung ikaw makapag sabi ng adik ay parang hindi ka adik! Wag ka ngang magpaka inosente! Ahahahaha! XDDD" )
Napangiti ako sa sinabi niya. Alam na alam ko yung muka at tono kung paano niya sabihin yun. Kabisado ko na siya eh.
( "Sus! Wag ka na ngang umangal! Adik ka rin naman ehh! Adik sa kalokohan! Ahahaha! xDD" )
Kahit kailan baliw talaga tong loko. Malakas din tawa nito. Malakas rin tawa ko. Ewan ko nga kung kanino ang mas malakas na tawa. Feeling ko kanya. Or akin?
Tumingin ako sa phone ko. Hindi pa rin nagtetext si Eunice. Ano na kaya nangyari dun? Apat na araw na siyang hindi nag-tetext sa akin. May sakit ba yun? Parang wala naman kasi pumasok daw siya kahapon. Hindi ko man lang siya nakita or naka usap.
Alam ko na! Nag-eemote na naman tong lokong 'to. Ano na naman ang ikaka-emote niya? Tulad nga ng sinabi ko, ang emo niya. Imposibleng magka-crush siya?
Maya-maya biglang nagvibrate phone ko. Naka silent kasi phone ko. May nagtext sakin.
From: Eunice
( "Busy lang talaga ako. Ok lang naman ako. Wag na kayong mag-alala pa sa akin. At loko ka rin eh. Ikaw lang ang adik dyan. Hindi ako. Wag mo akong idamay." )
Tingna. Nag eemote nanaman. Wag na kayong mag-alala pa sa akin. Obvious na nag-eemote. Ano ba na naman ang problema nito? Kumuha muna ako ng makakain sa ref namin. Hindi naman talaga ako gutom. Bored lang ako. Nang biglang nagvibrate phone ko.
From: Kyla :D
( "Hoy! Nag eemote na naman tong Eunice na to! Ano ba na naman problema niya?" )
( "Yun nga eh. Ewan ko ba. Araw-araw naman siya nag e-emote diba? Hayaan mo na lang. Nasanay na pati akong ganun siya." )
From: Kyla :D
( "AHAHAHA! ADIK KA TALAGA KAHIT KAILAN! PABABAYAAN NA LANG TALAGA NATIN?! XD" )
( "Oo! Ahahahahaha! XDD" )
Dahil wala kaming assignments, humiga na lang ulit ako sa kama ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog ako ULIT sa sobrang pagod.
BINABASA MO ANG
Crazy Friends Forever (Editing)
Teen FictionMay asaran at kulitan. Kahit nasaan ka man, Basta't sila'y kailangan, Laging nandyan. Dahil ganyan ang totoong magkakaibigan, Walang kalimutan at iwanan. Note: EDITING pa po ito. May nakalagay naman na "[Currently Editing]" sa ineedit ko pa sak...